Chapter 9.1.3

31.8K 657 18
                                    

Published: August 28, 2013

O paano ba talaga?  Filter ko SPG or not? hahaha naguguluhan na ako eh! hahaha pero plan kong y cut nlang yung SPG at gagawa nlng ako ng folder sa RL ko para sa full version ok?  It's not really that bad actually.  Pero since puro kayo bagets.... oh well... gagawa nlng ako ng link sa labas pero mababasa nyo pa rin naman... at ur own risk na okay?  Matagal pa naman yun so for now, enjoy!  and again, bawal na kiligin sa mga susunod na chapters.  hahaha

Will you hate or love Katie this time? 

********

CHAPTER 9.1.3

KATIE’s POV

            It’s been almost three weeks. Yeah, three weeks na nae-enjoy ko ang view ko sa pagtulog.  Ang view ng peaceful sleep ni Ricky.  Okay, aamin na ako.  I think I really like him.  I don’t know if it was even more than like but it felt good.  I felt happy...

            “Stop staring.”  Halos lumabas ang puso ko sa sobrang pagkagulat.  Shit!  Gising ba siya?!  Ang dilim naman a.  Paano niya nalamang nakatitig ako sa kanya?

          “Who’s staring with who?”  Deny to death…

            “You can’t fall in love with me, remember?”  Mahinang sabi pa niya.  Tulog na kasi lahat and I think it’s past midnight na rin.

            “Feeling mo talaga, pangit!”  Mahina pero may diin na sabi ko.

            I heard him laugh pero pigil pa rin naman.  Mahirap na ring magising pa ang mga nanay at pati na rin ang mga kapatid niya.

            “Matulog ka na, umaga na.”  Bahagya pa niyang sinilip ang cp niya at dumiretso nang higa.

          “Tagal ko na rin pala dito 'no?”  Nahiga rin ako nang diretso.  Tulad nang dati, isang unan ang pagitan naming dalawa.

            “Yeah.”  Tipid lang na sagot niya.  Kanina pa rin kasi ako gising kaya well-adjusted na ang mga mata ko sa dilim.  Could it be, kanina pa rin siya gising kaya nakita niya agad na nakatitig ako sa kanya?  “At nagsasawa na ako.”

          “Tsss, ang sama nito.”  Umirap ako at hindi ko alam kung nakita niya 'yun.

          “I’m just kidding,”  Of course, he’s kidding.  Actually, living with him made me realized what kind of person he truly is.  At malayo talaga siya sa personalidad ko.

            “Sorry nga pala sa kamalditan ko sa’yo noon ha.”  For the first time in my life, I meant my apology.

            “Okay lang ba kung tanungin kita?”

          “Okay lang, ano ba 'yun?”

          “Talaga bang ganyan ka kamaldita?  Masaya kang ganyan ka?”

          “Hmmm…”  Ano nga ba?  “I feel powerful doing that.”

          “Powerful?  Bakit kailangan mo naman maramdaman 'yun?”  He turned his side to me while staring at me intently.

          “Feeling ko kasi kapag ganito ako, hindi ako vulnerable.”  Pumaling din ako sa side na matititigan ko rin siya.

          “Ayaw mong maging mahina?”

AND I LOVE YOU SOHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin