“What?! Iniwan mo siya?! E nasaan na siya?”

“Ma’am, nandito lang po siya kanina.”

“Hanapin mo na, dali!” Nag-init na ang ulo ko. Naisipan kong
tawagan na lang si Trisha pero wala nga pala akong number
niya kaya si Mommy muna ang tinawagan ko.

“Hello, anak. Napatawag ka?”

“Mom, may number po ba kayo ni Trisha?”

“Bakit? ’Di ba magkasama kayo?”

“Mommy, basta! Meron ba kayong number niya?”

“Wala, e. Bago yata ang number niya. Tawagan mo na lang
ang kapatid mo.” Oh, shoot! Patay ako nito kay Xander.

“Sige, Mom, salamat.”
Wala na akong choice dahil hindi rin siya mahanap ni Kuya
Mike. I finally dialed Xander’s number kahit alam kong hindi
maganda ang magiging reaksyon niya sa balita ko.

“Hello, Ate. Nakauwi na ba kayo?”

“Hindi pa. Kasi ano… Pahingi naman ng number ng asawa
mo.”

“Why? What happened? ’Di ba magkasama kayo?”

“Kasi medyo napagod siya kanina kaya bumili ako ng tubig for her. Ito namang bodyguard mong magaling, iniwan siya at
hinatid ang pinamili namin sa kotse. Pagbalik namin, wala na
siya. Baka nag-ikot-ikot lang.”

“Ate naman! Hindi n’yo siya dapat iniwang mag-isa. Alam mo naman ang sitwasyon namin.”

“I know. I’m sorry, okay? Tawagan mo na lang kaya?”

“Sige, pupunta rin ako d’yan. Hanapin n’yo na lang muna
ulit.”

Nasaan na kaya ’yon? Wala naman sanang masamang
nangyari sa kanya. Naikot na yata namin ang buong mall, at nagpatulong na rin ako sa mga security guard nila, pero wala talaga.

“Ano, natawagan mo ba siya ?” salubong ko kay Xander.

“Out of reach ang cellphone niya.”Nag-umpisa na talaga akong kabahan.

“’Di ba ang sabi ko sa ’yo bantayan mo siya?” sigaw niya sa bodyguard ni Trisha.

“Sorry, Sir. Inutusan niya po kasi akong ihatid sa kotse ang
mga ipinamili nila. Ayoko nga po sana pero mapilit po si Ma’am.”

“Relax, Xander. Hindi naman niya ginusto ang nangyari.”

“Relax, Ate? Paano ako magre-relax e nawawala na ang asawa ko?”

“Baka umuwi lang ’yon, nauna na sa bahay.” Pilit ko siyang
pinapakalma.

“Tumawag na ako kay Mommy. Wala pa raw siya doon.”
Nag-report na rin kami sa pulis pero maghintay daw muna
hangga’t wala pang 24 hours na nawawala si Trisha.

Umuwi na lang muna kami sa bahay. Wala naman kasing
ibang magagawa pa kundi maghintay. Tinawagan na rin namin ang mga kakilala niya pero hindi raw nila nakita si Trisha.

Pati na ang dating pinagtatrabahuhan niya ay napuntahan na rin
namin, pero wala rin siya doon. Buntis siya. Baka kung ano na ang mangyari sa kanya.
Kasalanan ko ’to, e. Kung hindi ko na lang sana siya niyayang
lumabas.

“Tita, you’re back! Where’s Mommy?” salubong ni Chloe sa
akin.

“Baby, doon ka na muna sa room mo, ha?” Pinasamahan ko
siya sa yaya niya. Hindi ko kasi alam ang isasagot ko sa kanya.

Lumipas na ang maghapon wala pero pa rin kaming balita
kay Trisha. Nag-umpisa na ring maghanap ang mga pulis dahil
may kinausap si Daddy na kilalang mga pulis.

Hindi na namin makausap nang matino si Xander. Pati si
Chloe nga ay nag-umpisa nang magtanong.

“Tita, where’s Mommy?” Ayaw niyang kumain kahit anong
pilit ng yaya niya.

“Baby, kay Tita ka na lang muna, ha? Habang wala si Mommy.”
Umiling si Chloe.

“I want Mommy! Where is she?” Nag-iiyak na ito.

“Chloe, may pinuntahan lang si Mommy. Babalik din siya.”

“I want to go where she is. Please, Tita, puntahan po natin
si Mommy.”

“Baby, hindi pwede, e. Gabi na. Matulog ka na lang muna,
ha?”

Pero lalo siyang pumalahaw nang iyak. Kahit kay Mommy,
ayaw niya. Finally ay pumasok si Xander sa kwarto at binuhat
si Chloe.

“Stop crying, baby. Nandito naman si Daddy. Babalik din si
Mommy, promise.”

“Iniwan niya na ba tayo, Daddy, kagaya nang ginawa ni
Mama Choleen noon? Ayaw niya na rin ba sa ’kin?”

“No, anak. May pinuntahan lang ang mommy mo. Babalik
din siya.”

“Call Mommy, please, Daddy?” pagsusumamo niya sa ama
niya.

“Baka tulog na si Mommy ngayon. ’Di ba bawal sa kanila ni baby ang magpuyat?”

“Sige, Daddy, ’wag na lang po.” Ang bait niya talagang bata.

“Go drink your milk, baby, at matulog ka na tapos bukas
nandito na si Mommy.”

“Promise, Daddy?” tanong niya kahit parang hirap sa loob
niya.

“Promise, anak,” sagot ni Xander sa bata.

Iniwan ko muna silang mag-ama because I needed to do
something. Tinawagan ko si Choleen dahil baka may kinalaman siya sa pagkawala ni Trisha.

“Hello, sister. Bakit napatawag ka? Gabi na, ah?” bungad ni
Choleen.

“Where are you, Choleen?”

“I’m at my favorite hangout, Margz. Come join me!”
Mukhang nasa bar nga siya. Maingay, e.

“Alam mo ba kung nasan si Trisha?”

Natawa siya. “Why would I care kung nasaan ang babaeng
’yon?”

“She’s missing, Choleen. Are you sure wala kang kinalaman
dito?”

“Really? I’m glad to hear that. Sana nga hindi na siya bumalik.

Pero wala akong kinalaman d’yan, Margz. I swear!”

“Sana nga. Mahalaga sa ’kin ang pagkakaibigan natin, Choleen, at baka masayang lang ’yon kapag nalaman kong may
kinalaman ka sa pagkawala ng asawa ng kapatid ko.” Ibinaba ko na rin agad ang tawag.

Kung walang kinalaman si Choleen, saan nagpunta si Trisha?

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Where stories live. Discover now