CHAPTER 23

32.3K 1K 1
                                    

Impossible

Her Pov.

I saw my opponent smirking at me. Akala ko kung sino na ang kalaban ko siya lang pala. Cloe..I think Ice ang kapangyarihan niya. Lily told me about her. Hindi ko naman aakalain na makakalaban ko pala siya. Tadhana nga naman.

"I will give you a chance to surrender ayaw kong manakit ng taong hindi ko ka level" nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya. Ano daw? Hindi ka level?..

Hindi ko nalang siya pinansin ang nilibot ang paningin ko sa bawat sulok nang arena. Malaki pala talaga ang stage akala ko kanina maliit lang dahil nasa itaas kami naka pwesto.

"Hindi mo ba ako narinig?" Naiinis na tanong niya sa akin.

"I hear you" maikling sagot ko sa kaniya.

"Ganon naman pala eh. Akala ko hindi mo ko naririnig at nag bibingihan kalang"

"Parang ganon na nga" pambabara ko sa kaniya. Napansin ko naman ang pagkainis niya at walang pagpapaalala na pinaulanan ako ng Ice dagger. Mabilis ang naging reflex ko at iniwasan ang pinagbabato niya sa akin.

"Iiwas kanalang ba?" Ang daldal niya din pala talaga.

"Lie" mabilis namang lumabas si Lie sa tabi ko at walang pagaalinlangan gumawa ng barrier.

Napansin ko ang pagkagulat sa mukha ni Cloe habang nakatingin sa akin. She didn't know I can make a barrier on my own.

"Y-ou!!" Mabilis kong pinalibutan ng barrier ang paligid ko dahil pinaulanan niya ako ng ice shower.

Nakarinig ako ng pag crack at napansin kong bibigay na ang barrier na ginawa ni Lie. Nagpalabas ako ng water ball at pinakawalan yun sa taas upang iharang sa mga yelo. Mabilis akong umalis sa kinatatayuan ko ngunit hindi ko napansin ang pangalawang atake ni Cloe.

Naramdaman ko nalang ang pagtarak ng isang yelo sa balikat ko kaya napadaing ako.

"Damn" inis na mura ko dahil sa katangahan ko. I look at her at kampante siya ngayong nakatingin sa akin.

"Sabi ko naman sayo. Sumuko kanalang" after she said that bigla niyang tinapon sa akin ang hawak niyang ice dagger. Hindi ko alam kung anong nangyari.

Ngunit bigla ko nalang naitaas ang kamay ko at may lumabas na tubig doon.

It's not a warm water, but it's acid! Kitang kita ko kung paano nalusaw ang Ice dagger  sa harapan ko.

Katahimikan...wala akong narinig na ingay kahit mula sa kalaban ko. Napatingin ako kila Hance at bakas sa kanila ang pagtataka at gulat.

I know it's now possible for me to creat this kind of water but in order for them to understand impossible.

"Ayanah" dinig kong tawag sa akin ni Lie, i look at her at may tinuro siya sa unahan ko. Halos manlaki ang mata ko dahil nasa gitna pala ako nang laban. I let my self to be distracted.

I crossed my arm dahil alam kong huli na para umiwas pa ako. Hinintay kong tumama sa akin ang pinaulanang ice arrow ni cloe ngunit wala akong naramdaman. I check my self, ngunit wala, wala akong galos ni isa.

Halos matumba ako ng matignan ko ang nayari.

"N-o..I d-idnt do it" utal na sabi ko. Hindi....hindi ko alam!

"A-yanah"

"Li-e what just happened?" I ask her dahil hindi ko nakita ang buong pangyayari.

"Ayanah, you throw some acid water on her nang hindi mo namamalayan" halos manghina ang tuhod ko dahil sa sinabi niya.

Nakabulagta sa harapan ko ngayon si Cloe habang walang malay. Umuusok at basang basa ang katawan niya. Kapansin pansin din ang marka ng lapnos sa balat niya.

Mabilis na tumunog ang bell at nawala ang barrier. Tinignan ko ang paligid ko at halos nakatingin silang lahat sa akin ng may takot sa mata.

"H-indi ko sinasadya" nanghihina kong saad. Naramdaman Kong may mga brasong humawak sa balikat ko at niyakap ako. Napasubson ako sa dibdib niya at doon ko lang napansin na kanina pa ako umiiyam dahil sa takot.

"It's not your fault" bulong niya sa akin. Napailing ako dahil hindi ko talaga sinasadya. Hindi ko alam.. kusa lamang lumabas sa kamay ko yun...

"H-indi ko s-inasadya.. h-indi ko talaga sinasadya...p-lease.." my mind it's totally blank right now. Paulit ulit na nag flashback sa utak ko ang sinapit ni Cloe dahil sa akin.

"What did you do!!!" Naagaw ng attention ko ang isang ginang nang bigla nalang siyang sumugod at pilit na nilalapitan ako. Kita ko ang galit sa mukha niya habang umiiyak

"Mrs. hali please calm down!" Awat sa kaniya nila Prof. Tal. Nakita ko namang tumulong na din sa pagawat sila Lily upang hindi ito makalapit sa akin.

"Shhh... Don't look, don't listen to them" napatingin ako sa taong inaalayan ako ngayon.

"H-ance... it's not my fault..." Pagpapaalala ko sa kaniya. Ayaw kong magalit sila sa akin. Ayaw kong mawalan ng kaibigan..

"Yes, it's not your fault we saw everything..hindi mo sinasadya..nawalan kalang sa control.. please stop crying" May lungkot akong nakikita sa mata niya habang sinasabi niya iyon sa akin.

"We should get out of here" naramdaman ko nalang na parang naglaho kaming dalawa and the next thing I knew we already here in my room.

Buhat buhat niya akong dinala sa kama ko at hinayaan mahiga.

"Magpahinga kana... wag mo nang isipin pa ang mga nangyari. Kami na bahala don" he assure me. Dahan dahan naman akong tumango sa kaniya.

Pinilit kong ipikit ang mga mata ko at naramdaman ko ang marahang pag haplos niya sa buhok ko.

"Sleep, everting will be alright" that's the last thing I heard before I fallen asleep.

"What should we do? Kuya"

"Let's just wait for the decision of higher official"

"Natatakot ako..I know that hinahayaan nila tayong magsakitan sa loob ng arena but to the point of killing a person it's not ok!!"

"Coming from you Sheena? You almost kill your opponent awhile ago! You should remember that!"

"Sorry ok nadala lang ako!"

"Enough the both of you!"

"Kuya"

Napadilat ako dahil sa mga narinig ko. Naikuyom ko ang mga palad ko dahil sa takot.

"A-nong kalagayan ni Cloe ngayon?" Napatigil sila sa paguusap at napatingin sa gawi ko.

"Ayanah gising kana" tinulungan akong makaupo ni Lily at she sat beside me. Hinawakan niya ang kamay ko to feel me at ease.

"She's in critical condition. Hanggang ngayon ginagawa pa din ng mga healers ang makakaya nila para mailigtas siya" pagpapaalam sa akin ni Bryle. Napayuko naman ako dahil kasalanan ko lahat ng to.

"Stop thinking that it's your fault. Hindi mo kasalanan ang nangyari" napatingin ako kay Hance dahil sa sinabi niya.

"B-ut--"

"No buts! Hindi ka namin hahayaang mapahamak"

"T-hank you" i half smile to them.

"Nagugutom kana ba?" Lily ask me out of nowhere. Napatango naman ako sa kaniya.

"Hmm I think we should all eat our dinner. Nagugutom nadin ako eh" napatawa naman sila dahil sa sinabi niya. We all eat out dinner together at parang ayaw nilang ipaalala talaga sakin ang nangyari.

Dahil sa ginawa nila nabawasan ang pangamba ko. Thank you guys...

The Lost Powerful Goddess Of The Lost MertrinizWhere stories live. Discover now