CHAPTER 15

34.8K 1.1K 6
                                    


Strange

Ayanah POV

Para akong lantang gulay napalakad lakad ngayon sa hallway. Hindi ko alam kung nakatulog pa ba ako o wala. Halos ang laki ng eyebags ko sa mukha na aakalain kong isa akong panda.

Nagbilang na ako ng tupa sa utak ko kahit langgam nabilang ko na pati yata Alphabet nakanta ko na hindi pa din ako nakatulog.

Halos hindi ako dalawin ng antok dahil kahit napawala ko ang mga halaman sa paa ko hindi parin mawala sa isipan ko ang nangyari.

Ano bang nangyayari sa katawan ko? Ngayon nakakaramdam ako ng init. Hindi yung init nang katawan ah! Yung parang naiinitan ako.

Halos tagaktak na ang pawis ko sa mukha kong tutuusin hindi naman tirik na tirik ang araw.

"Ayanah!" Napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Lily kasama si Sheena. Napansin ko ding nakasunod sa kanila si Bryle napakunot ang noo ko dahil hindi ko kilala ang isa nilang kasama.

"Anong nangyari sayo? Okay kalang ba?" Alalang tanong ni Lily ng makalapit siya sa akin. Umiling naman ako sa kaniya dahil hindi ko din alam.

"Mukha kang bruha ngayon.. natulog Kaba?" Pagtatanong ni Sheena.

"What do you think?"pambabara ko. Mabilis naman siyang umiling sa akin kaya napasimangot ako. Tinignan ko ang kasama nilang hindi ko kilala at mukhang napansin din nila.

"Ah. Ayanah this is Walter.. Walter si Ayanah..cousin nila Lily at Hance" pakilala ni Sheena sa akin.

Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Walter habang nakatingin sa akin. "Pinsan?..may pinsan ba sila Hance?" Napabuntong hininga naman ako dahil mukhang nagtataka na din sila.

"A-h oo pinsan namin siya...malayong pinsan" pagdadahilan ni Lily. Napansin ko naman ang mapanuring mata ni Walter kahit tumango tango

"Wala namang sinabi si Queen Eloisa na may kamag-anak pa pala kayo" napailing nalang ako ng palihim dahil mukhang hindi talaga naniniwala si Walter. "Wag ka nalang magtanong pa. Pinsan nga namin Siya.. Sabi eh!" Bweltang sigaw ni Lily sa kaniya.

"Prrftt .easy! Oo na! Pinsan niyo na nga!" Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Bryle sa kilid.

"Tigil niyo na yan! samahan niyo nalang ako." Agaw ko sa pansin nila.

"Saan ba?" Kuryusong tanong ni Lily.

"Library"...

Walang ganang nakatingin ako sa mga taong nasa harapan ko ngayon. Ang sabi ko kanina sa Library ako pupunta but I just found my self sitting here inside of cafeteria.

Bigla nalang kasi namin silang nakasalubong at dahil dakilang masunurin ang mga kasama ko isang salita lang ni Headmistress sumama na. Aalma na sana ako ng walang mudo akong hinila ni Lily at Sheena.

At ang mas kinaiinisan ko pa dahil kasama namin ngayon ang Headmistress. Nasa tabi niya si Hance at parang may sarili silang buhay na dalawa.

Halos agaw pansin naman sila dahil lahat ng estudyante nagsisimula nang magbulungan.

"Wag masyadong tumingin" I just rolled my eyes to Lily dahil sa binulong niya.

The Lost Powerful Goddess Of The Lost MertrinizWhere stories live. Discover now