CHAPTER 11

36.5K 1.2K 6
                                    

Start of the Class

Ayanah POV

Do you know where we are heading? Papunta lang naman kami sa Headmaster Office. Sinabi sa akin ni Lily na kailangan ko daw makuha ang schedule and ID ko.

Huminto kami sa isang malaking pinto. Napansin ko naman ang dalawang kawal sa labas ng pinto.

"Hi Po!" Bati ko sa kanila pero ganon nalang ang pag-asim ng mukha ko ng hindi man lang nila ako pinansin.

"Snobber ang lintik!"bulong ko pero narinig yata ni Lily dahil napansin ko ang mahinang pagtawa niya sa tabi ko.

"Hindi Ka talaga papansin ng mga yan Ayanah. Naka on Duty sila Kaya being a professional kailangan nilang magbantay buong araw" pagtuturo sa akin ni Lily. Napatango naman ako dahil akala ko sinadya talaga nilang wag akong pansinin.

Sa ganda kong to? Hindi ako mapapansin? Aba bulag lang--

"Tara na" napatigil ang pagdadaldal ko sa isipan ko dahil narinig ko ang boses ni Hance. Ayan na naman siya napaka seryoso niyang boses.

"Mapanis sana laway mo" bulong ko. Napansin ko naman napatingin siya sa akin.

"Anong sabi mo?" Pagtatanong niya. Mabilis naman akong nagtakip ng bibig at umiling.

"Wala ah!" Sigaw ko sa kaniya.

"Prrftt ... Halika kana Ayanah. Wag mo nang pansinin si Kuya" bigla naman akong hinila ni Lily at hindi pa siya nakakatok ng buksan niya ang pinto.

Ay bad manners si ate niyo. Bumungad sa amin ang isang magandang babae. Hindi pa siya katandaan. I think nasa 20's pa siya.

"Headmistress Jessica!" Biglang sigaw ni Lily at nagulat nalang ako nang magyakapan silang dalawa

"Prinsesa Lily...I'm glad you came back" kahit boses ang hinhin. Tahimik lang ako sa tabi at masayang nakatingin sa kanilang dalawa nang maramdaman kong may tumabi sa akin.

Nakita kong nakatingin na din sa akin si Hance. Pinanlakihan ko siya ng mata.

"What?"I mouthed pero napakurap nalang ako ng hindi niya ako pinansin at tinuon ang tingin sa dalawang nagdadaldalan parin hanggang ngayon.

"Ehem.. Jessica" nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Tama ba yun? Walang Headmistress ang tawag niya. First name basis yan?

Napabaling sa kaniya ang babae at maslalo itong natuwa.

"Hance!" Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Napanguso ako dahil pati ang babae hindi siya tinawag na prinsipe. Seguro ganon talaga dito kapag mataas at angat ka kahit hindi kana gumalang pa sa iba okay lang.

Nakita ko namang lumapit yung Jessica at niyakap si Hance. Pero halos mapanganga ako dahil nakita kong nakangiti ngayon si Hance dahil sa babae.

Parang na out of place yata ako dito. Akala ko ba dahil sa akin kaya kami pumunta dito? Bakit pakiramdam ko na etchapwera ako ng wala sa oras.

"Ehem" pag-agaw ko sa atensyon nila. Napatingin naman silang lahat sa akin lalo na yung Jessica.

"Oh! Siya ba yung sinasabi mo sa akin. Hance?" Hindi ko alam pero naiinis ako kapag naririnig kong tinatawag niya sa pangalan si Hance. Anong nangyayari sa akin?

"Yes...Where here to get her schedule and ID" Napa cross arm ako sabay tingin nang diretso sa Jessica. Nakita ko naman ang pag ngisi niya habang nakatingin sa akin.

"Is that so..sandali lang kukunin ko lang" paalam niya kay Hance at bumalik sa table niya kanina.

Naramdaman ko namang may sumiko sa akin at sumalubong ang mapanuring mata ni Lily.

The Lost Powerful Goddess Of The Lost MertrinizTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon