CHAPTER 2

55.2K 1.4K 25
                                    


Abandoned House

Ayanah POV

Nang marinig ko ang school bell napadilat na ako. i let out a heavy sigh dahil nakita Kong naguunahan na naman sa paglabas ang mga kaklase ko.

Nang mapansin kong kaunti nalamang kaming natitira dito sa room ay naisipan ko na ding lumabas. Papunta ako ngayon sa alam kong lugar na makakatulog ako ng matiwasay at hindi pinapagalitan.

Nang makarating ako sa office ng mabait kung pinsan ay hindi na ako kumatok pa. For what? sanay naman siya sa akin kaya okay Lang.

Ng makapasok ako ay nakita ko siyang maraming pinipirmahan na papeles.

"Hindi kaba marunong kumatok?" Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Hindi ko alam na required na pala ako kumatok sa sarili kong paaralan?" Sagot ko na ikinalingon niya sa gawi ko. This time mukhang alam niya na kung sino ang kaharap niya.

"Ikaw pala, sorry... busy lang ako" paumanhin niya sa akin. Tinanguan ko Lang siya dahil halata namang busy eh. Hindi nga ako napansin.

"Matutulog Ka?" Napangisi nalang ako dahil alam na alam niya talaga ang gusto ko. I nodded my head and I saw he let out a heavy sigh. Frustrated na yan?

"Wag ka na munang matulog. Sign this papers. Tutal nandito kanaman tulungan mo na ako..and in the first place obligation mo to at hindi akin!" Napangiwi ako ng ituro niya sa akin ang kabundok na papeles.

Mabilis akong umiling sa kaniya. "No way! Hindi ko pepermahan yan!" Inis na sagot ko sa kaniya. Pero halos mapanganga ako ng kunin niya ang kamay ko at lagyan Ng sign pen.

"Sign it..my dear cousin" sinamaan ko Naman Siya ng tingin.

" ayaw ko!" At tinapon sa kaniya sign pen at tumayo.

"Hoy! Tulungan mo ako dito" dinig kong utos niya. Pero kinawayan ko Lang siya nang patalikod at inihiga ang sarili sa couch niya. 

"Sarap" bulong ko Ng maihiga ko na nang tuluyan ang kawatan ko.

"Mareresign na talaga ako dito"napangiti naman ako sa narinig ko.

"Ok. Madali akong kausap and madali lang din kausap si tita" pagpaparinig ko sa kaniya habang nakapikit ang dalawa kong mata.

"Hey! Gising na. Uwian na" napamulat ako Ng marinig mo ang boses ng pinsan ko.

"What time is it?"

"7:00 pm" sagot niya. Tinanguan ko naman siya at tumayo na. Tinignan ko ang mga papeles at halos nakakahalati palang siya.

"Keep up the good work cuz" pangaasar ko, sinamaan niya naman ako ng tingin na ikinatawa ko.

"Layas na!!" Pagtataboy niya sa akin. "Okay Ito na lalayas na" sagot ko at lumabas na nang tuluyan sa office niya.

Napailing nalang ako at umuwi na. Habang nasa daan napatigil ako nang may mapansin akong abandonadong bahay. Kinakalawang na ang gate at may mga halaman na ding tumutubo sa bawat pader.

Kakaiba ang pakiramdam ko sa bahay na to. Bumaba ako sa scooter ko at tahimik na lumapit sa gate, but wrong move dahil bigla nalang may liwanag na sumalubong sa akin na ikinapikit ko.

Nang pakiramdam ko wala na ang liwanag ay dumilat na ako. Ngunit ganon nalang ang ikinataka ko dahil ngayon nasa loob na ako nang bahay. Napatingin ako sa labas ngunit nakasara na ang pinto.

Shit!!.. I'm trap!..Nilibot ko nalang ang paningin ko at hindi ko alam kung bahay pa ba to o garden. Halos mga halaman ang nakikita ko dito sa loob at hindi mga lumang gamit.

Who own this house? why they abandoned this place. Mas pumasok pa ako sa loob at napansin ko ang makapal na halaman na nakasabit sa pader. Ngunit may naaninag akong liwanag sa kabilang bahagi.

Tinabig ko ang halaman at ganon nalang ang gulat at pagkamangha sa mukha ko dahil sa nasaksihan.

"H-ow come?" Bulong ko at pumasok Ng tuluyan. Hindi ko aakalain na may ikagaganda pala ang lugar na ito.

Napansin ko ang lumang fountain sa gitna. Kulay puti Ito ngunit kitang kita na ang pagkaluma dahil ang ibang parte ay may mga marka na nang itim.

Pero ang ikinataka ko dahil umaagos doon ang tubig. Paanong gumagana ang fountain na to Kung abandonado na ang lugar na to. Is there someone who's taking care of it in here?

Nilibot ko pa ang paningin ko sa paligid at halos grabeng pagkamangha ang naramdaman ko dahil ang ganda talaga nang paligid. Napangiti ako dahil mukhang may bago akong tatambayan.

Nagtagal pa ako dito nang isang oras bago magpasyang uuwi na.

Kinabukasan pagkababa ko sa hagdan napansin ko sila Dad at Mom na kumakain ng tahimik. It's now new after all, sanayan nalang talaga.

Nagpaalam lang ako sa kanila na mauuna na ako at sa school nalang ako kakain. Nawalan ako ng gana.

Nadaanan ko naman ulit ang bahay kaya imbis na sa school ang punta ko nag stay nalang ako dito. Mas maganda pa ditong tumabay kaysa sa office ng pinsan ko na halos araw araw papeles ang kaharap.

-------------------------------------------------------------

The Lost Powerful Goddess Of The Lost MertrinizWhere stories live. Discover now