OUAT27

17 3 1
                                    

Chapter 27- Bastard

It's hard to express your feelings to someone lalo na pag alam mong wala silang pakealam. The only thing you should do is to shut up.- Aila Lorenzo.

--

Naalimpungatan ako nang marinig kong panay ang tunog ng phone ko kaya kinuha ko agad yun at tiningnan kung sinong tumatawag.

Melo Santillian
calling ...

Napakunot ang noo ko saka ko ito sinagot.

"Hey finally you picked it up. How are you? Bakit hindi ka nagpapakita sa'kin?"

Napabangon ako bigla habang hawak ang ulo ko saka sumilip sa wall clock. 8:00 am pa lang. Bakit ang aga mambulabog ng isang 'to.

"S-sorry. Busy lang. Alam mo kung anong trabaho ko hindi ba?" I utter saka ako lumabas ng kwarto ko.

Muntik ko nang mabitawan ang phone ko nang makita ko ang taong nakaupo at nakadekwatro pa sa sofa sa sala habang nakatingin sa'kin.

"Punta ako diya--"

"I'm sorry Melo. I'll call you later." paalam ko at mabilis kong in-end ang tawag at nagmadaling maglakad papunta sa sala.

"Good morning Ms. Beautiful." bata niya sa'kin saka ngumiti ng malapad.

"W-what are you doing here ng ganito kaaga?" tanong ko sa kanya.

Lalapit na sana siya kaya itinaas ko agad ang kamay ko sa harapan niya para senyasan siyang huminto.

My god. Ni hindi pa ako nakakapaghilamos.

"I.. just want to.. Well, gusto kong ikaw ang una kong makita pagkagising ko." He said at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko kung anong suot ko.

Shit! Naka-night gown lang akong manipis na above the knee ang haba. Putek!

"Fuck." bulong ko at agad na tumakbo papunta sa CR habang dinig na dinig ko ang pagtawa niya.

Binilisan ko ang pag aayos sa sarili ko saka ako lumabas para harapin si Bryan.

"Sinong tumawag sa'yo kanina?" salubong niya agad sa'kin.

Napakunot ang noo ko saka ako naglakad papunta sa kitchen para maghanda ng almusal ko.

Narinig ko ang mga yabag niya papunta sa akin kaya nagsalita na ako.

"It's Melo."

Halos magkandatapon tapon na ang kape at asukal nang maramdaman kong nakatitig lang siya sa akin.

"Ng ganito kaaga?"

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Saglit ko siyang tiningnan at nakita kong nakatitig pa rin siya sa akin.

"Why? What's wrong? Ikaw nga nandito na ng ganito kaaga e. Siya tumawag lang."

Dapat ko bang pagsisihan na sinabi ko yun sa kanya o dapat akong matuwa dahil bigla kong naramdaman ang braso niyang pumulupot sa bewang ko at ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko.

"Baby.."

Biglang kumalabog ang puso ko nang marinig ko na naman yun mula sa kanya.

Hearing that endearment from him is heaven. Parang gusto kong manatili na lang kami sa ganito. Na sana hindi na matapos 'to.

"Don't force me to show you my jealousy." bulong niya ulit sa'kin.

What's our status? I don't know. Pwede bang sabihin ko na lang na masaya kami. Na kinikilig pa rin ako hanggang ngayon? Na sana wala nang katapusan 'to?

Once Upon a Time | Book 2 | UNDER MAJOR EDITINGWhere stories live. Discover now