OUAT6.

20 3 0
                                    

OUAT6. // Rivalry

Aila Lorenzo.

Sa buhay natin, hindi maiiwasang magkaroon ng kontrabidang magbibigay satin ng problema. Pero kung magpapaapekto ka sa kanila, hindi mo mahahanap ang solusyon sa ganitong sitwasyon.

Maaga akong gumising para asikasuhin si Papa. Ilang araw na rin simula nung nagsimula akong magtrabaho as personal assistant ni Bryan. Kasama niya ko palagi sa mga photoshoot niya at sa mga shooting niya. Marami ring activities sa school kaya naman minsan ko nalang makausap si Papa.

Pinuntahan ko siya sa kwarto niya para dalhin un breakfast niya. Nung makita kong tulog pa siya, ginising ko na agad kasi may time limit un pag inom niya ng gamot.

"Pa ? Gising na po. Pa ?"

Maya maya, minulat na niya un mga mata niya saka tumingin sakin.

"Anak ikaw pala. Bakit ? May problema ba ?"

Tinulungan kong makaupo si Papa saka ko siya hinalikan sa forehead niya.

"Wala po. Kakain na po kasi para makainom na rin po kayo ng gamot." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Napansin kong kahit nakangiti si Papa, malungkot pa rin un mga mata niya kaya naman tumabi nako sa kanya.

"Pa ? Bakit po ? May problema po ba ?" Tanong ko sa kanya.

Tumingin sakin si Papa.

"Wala ka bang pasok ngayon nak ? Baka ma-late ka. Si Beth nang bahala dito. Sige na."

Bigla akong nalungkot sa sinabi niya. Alam kong nagtatampo si Papa dahil halos hindi na niya ko nakikita. Pag umuuwi kasi ako tulog na siya kaya naman hindi ko na siya nakakausap hindi gaya ng dati na halos hindi na kami mapaghiwalay.

Niyakap ko si Papa ng mahigpit. Humiwalay din naman agad ako.

"Pa ? Alam ko pong nagtatampo kayo sa maganda niyong anak kaya sorry na po. Kahit hindi niyo po sabihin nararamdaman ko po. Kitang kita ko po sa mga mata niyo oh."

Nakatingin pa rin siya sakin kaya nagsalita na ulit ako.

"Sorry po ah. Alam niyo naman po un reason kung bakit diba ? Para po sa inyo 'tong ginagawa ko. Para po sating dalawa." Nakangiti kong sabi sa kanya kahit deep inside, masakit na.

"Anak sabi ko diba hindi mo naman kailangang gawin 'to para lang sakin. May sarili ka ring buhay. Lagi nalang ako un inuuna mo. Pano ka naman ?"

Alam niyo na naman siguro kung kanino ako nagmana ng kabaitan. Umagree nalang kayo para wala nang masyadong satsat. Totoo naman eh >/////<

"Joker ka talaga kahit kailan Pa. Pag hindi ko ginawa 'to, san tayo kukuha ng pambili ng gamot niyo ? Pambili ng pagkain natin ? Pambayad sa renta ng bahay natin ? Baka po pareho tayong mamatay pag hindi ako kumilos niyan. Kaya 'wag na po kayong mag alala sakin ah. Gagawin ko po lahat para sa inyo."

"Pero Aila-----"

"Wala nang pero pero Pa ! 'Wag na po matigas ang ulo. Kumain na po kayo at iinom pa po kayo ng gamot okay ? Mamaya po tatawagin ko na si Aling Beth para bantayan po kayo. Don't worry Pa, maaga po akong uuwi mamaya. Ipagluluto ko po kayo ng favorite niyong ulam. Ayos ?"

Matagal bago sumagot si Papa pero ngumiti naman agad siya saka tumango.

"Good. Sige po kain na po kayo. Kukuha lang po ako ng tubig."

Nilapit ko un pagkain ni Papa sa kanya bago ako lumabas ng kwarto niya.

Pagkalabas ko, tiningnan ko muna siya mula sa pinto kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.

Once Upon a Time | Book 2 | UNDER MAJOR EDITINGWhere stories live. Discover now