OUAT25

11 2 0
                                    

Chapter 25- Bitchslap

You're stepping in a wrong way, bitch. - Aila Lorenzo.

--

Ayoko na. Ayoko nang uminom. Ayoko nang magpaka-bitch. Ayoko na ulit maging wild.

"Stop that Aila."

Tiningnan ko si Sam ng nakakunot ang noo.

"What?"

"Tigilan mo ang pag untog mo sa sarili mo or else ako ang mag uuntog sa'yo at sisiguraduhin kong makakatulog ka." sagot niya ng hindi tumitingin.

Tiningnan ko lang siya ng masama. Napailing ako sa kawalan at inalala ulit ang mga nangyari kagabi.

"Shit. Ano ba kasing ginawa mo? Stupid!" bulong ko ulit sa sarili ko at naiuntog ko na naman ang ulo ko sa table ko.

Bukod sa sobrang sakit ng ulo ko dahil sa hang over at puyat, naistress din ako sa ginawa ko kagabi. That's ridiculous! Nakakahiya sa kanya.

Anong pumasok sa utak ko at nagawa ko ang bagay na yun?

"You know what Ai? You should take a break. Tara punta tayo sa pantry."

Nagpahila na lang ako kay Sam papunta sa pantry. Pagdating namin dun, walang gana akong umupo sa couch dun at tumingin sa labas ng building.

How stupid I am for doing that kind of shit. Ano nang gagawin ko ngayon pag nagkita ulit kami?

"You just have to be yourself. Hindi naman nakakahiya ang ginawa mo. Hindi mo lang talaga napigilan ang sarili mo."

Nakatingin pa rin ako sa kawalan habang sinasabi yun ni Sam. Minsan gusto ko nang pagdudahan ang babaeng ito. Minsan kasi may pagka-conyo siya, may times na masungit at ngayon naman matino. Abnormal ba siya? Psycho?

"Come on! Fix yourself. Hindi ka dapat pumapasok nang ganyan ang itsura mo. Paano na lang kapag pumunta yun dito?"

Naalarma agad ako sa narinig ko. Automatic na napatayo ako.

"Punta lang ako sa washroom."

"Ngayon ka lang yata na concious ng ganyan."

Hindi ko na siya pinansin at dali daling bumalik sa working office para kunin ang pouch ko at dumiretso na ako sa washroom.

My god Aila. What's going on with you? Bakit naging ganyan bigla ang kilos mo?

Humarap agad ako sa salamin pagkapasok ko pa lang dun. Napangiwi ako nang makita ko ang itsura ko sa salamin.

Maiitim ang ilalim ng mga mata, walang kaayos-ayos kahit pulbo at nag o-oily pa. Shit! Bakit ganito ang ayos ko ngayon?

Naghilamos agad ako at nagpatuyo ng mukha. After that, naglagay na ako ng light na foundation at light din na lipstick. Inayos ko din ang mahaba at wavy kong buhok then I look at the mirror again.

"You are damn gorgeous still." bulong ko at napangiti na lang ako sa kalokohan ko.

Lumabas agad ako ng washroom pagkatapos kong mag ayos at bumalik na sa working office.

"Hoy kanina pa may tumatawag sa phone mo." salubong sa akin ni Sam.

Napakunot ang noo ko at agad na pumunta sa cubicle ko at kinuha ang phone ko.

10 missed calls at galing lang lahat nang yun sa kanya. Wow ah!
Habang nakatitig ako sa phone ko, may nag pop up na messag sa screen kaya binasa ko agad.

Please answer my call. I miss you!

Napaupo ako bigla sa swivel chair ko dahil feeling ko nanghina bigla yung tuhod ko.

Once Upon a Time | Book 2 | UNDER MAJOR EDITINGWhere stories live. Discover now