OUAT14.

26 2 0
                                    

OUAT14. // Tyrone and Elisa: 2

"Tyrone ! Tyrone ! Tyyyyyy !!!! Tyrone Lim !!!"

Nilingon ko kung sino un paulit ulit na tumatawag sa pangalan ng monggoloid na un at automatic na nawala un ngiti ko nung makita ko un Sophia na classmate niya DAW sa isang subject niya >,<

Tiningnan ko si Tyrone habang naglalakad papunta kay Sophia. Ang lapad pa ng ngiti ng gago.

"Bakit nanaman ? Mangungutang ka nanaman ? Wala akong pera. Namumulubi na 'ko. Wala 'kong panlibre sayo. Sorry Phia." Mukhang tangang sabi sa kanya ni Tyrone.

Parang wala sila sa hallway kung mag usap a. Magaling.

"Grabe ! Ang oa ? Takot na takot mautangan ? Pahiram ng notes ! Nagreview kana sa quiz natin para bukas ?" Maarteng tanong ni Sophia sa kanya.

"Not my thing. Notes ? Wala 'ko nun. Memorize ko lahat ng lecture natin." Mayabang na sagot ng gago -_______-" May bagyo ba ?

"Sige nga. Dikta mo sakin lahat kung talagang totoo."

"Wala 'kong oras para dyan Phia. Busy ako. Bye !"

Biglang lumingon sakin si Tyrone saka nag peace sign.
Tumingin din sakin si Sophia saka ngumiti. I smiled at her FAKELY. I don't like her. I don't know why. Psssh !

"Sige na nga. Damot !" Saka patakbong umalis. Madapa sana siya. Linta -_______-"

Uunahan ko na kayo a. Hind ako nagseselos kung yan un iniisip niyo. I just don't like her guts. Naiirita ako >,<

Napansin kong palapit sakin si Tyrone kaya nagpanggap akong nagbabasa. Nararamdaman ko na ngayon pa lang un habagat. Grabe -_-

"Wow. Marunong kana pala ngayong magbasa ng pabaliktad ? Amazing !"

>///////////< Putangina. Isinusumpa kong nahawakan ko pa 'tong libro na 'to. Hindi rin naman nakisama. Tangina.

Inis na binaba ko un librong hawak ko saka tumingin sa kanya.

"Pake mo ? Edi gumaya ka. O kaya makipaglandian ka nalang dun sa claasmate mo DAW sa isang subject. Malandi ka diba ?"

Bigla na naman siyang ngumiti ng nakakaasar. Ano bang problema niya ?! Nagfifeeling nanaman ba siya ?

"Hindi----"

"Hindi ka nagseselos. I know right !" Pabakla niyang sabi kaya pumasok na 'ko sa classroom ulit para kunin un mga gamit ko.

"My labs ano bang problema ?"

"Stop that Ty."

"Ang alin ?"

"That My labs thingy. Naiirita ako !" Padabog kong nilagay un notebooks ko sa bag habamg sinasabi un.

"Fine. Ano munang problema ?"

Inis na humarap ako sa kanya.

"Wow ! Ikaw pa ngayon un nagtanong niyan ?"

"Ano nga kasi un ? Gwapo lang ako pero di ako marunong manghula. Sabihin mo na !"

Inis na sinukbit ko na un bag ko saka naglakad palabas ng classroom pero hindi pa 'ko tuluyang nakakalabas, may humatak na ng braso ko paharap sa kanya. Tiningnan ko siya ng masama. Saglit na nagulat ako sa seryosong expression niya.

"Let go off me."

"Tell me your problem first before I let you go." Seryoso niyang sabi sakin.

"Walang problema Ty kaya bitawan mo na 'ko."

Once Upon a Time | Book 2 | UNDER MAJOR EDITINGWhere stories live. Discover now