Chapter 18.1.2

Magsimula sa umpisa
                                    

          “I-i…”  Natigilan ako at hindi ko alam.  Basta 'di na lang kami nagkibuan and we never contact each other at all.  Haist, ito ba ang karma ko for being such a bitch before?  I never thought that love can be this exasperating.  All along I thought I was a tough person pero pagdating kay Ricky, parang naging cry baby ako.

            “Look, girl.  Ang daming mga lalaki diyan.  You can’t settle for a guy who care less about you.”  May panermong sabi pa niya at hindi ko nagawang makakibo.

            I love him and I think he loves me too… or did he? 

********

RICKY’s POV

            What am I doing?  Gusto ko siyang lapitan kaya lang ay hindi ko alam kung bakit parang may pumipigil sa akin.  I missed her, terribly.  Kausapin ko na kaya siya?  Oh damn it, Ricky!  You should have done it before!  You might lose her! 

            Nakita ko siya sa canteen kasama si Liz.  I saw how sad she is. Alam ko ring namimiss na niya ako.  Masyado nga yata akong ma-pride na tao.  Bakit ba nahihirapan akong ibaba ang pride ko sa kanya?  Pero mahal ko naman siya. Or siguro nga, itong utak ko ang kailangan kong baguhin.  Palagi akong may duda sa patutunguhan ng relationship naming dalawa.  At kahit pa anong sabihin ko sa sarili ko, nand'un pa rin ang takot na baka dumating ang araw, iwanan lang din niya ako at makatagpo siya ng lalaking mas makakapagbigay ng pangangailangan niya.  Mga materyal na bagay na wala akong kakayahang ibigay.  At iniisip ko rin ang sasabihin ng papa niya kapag nalaman niya ang tungkol sa aming dalawa.  Walang katapusan ang mga alalahanin ko.  Masyado na nga yata akong nag-iisip.  Nasasaktan ko lang ang girlfriend ko dahil lang sa klase ng pag-iisip na mayroon ako.  When did you even start being an asshole, Ricky? 

            Okay fine, I’ll make amends with her tonight. Tonight.

~~

            Nasa loob na ako ng mansion nina Katie at hindi ko maiwasan ang  kabahan.  It's been days.  Alam ko namang kakausapin niya ako pero ewan ko ba, I am really overthinking.

            “Ricky,”  shit, ang señor.

            “Good evening po, sir.”  Bahagya lang akong yumuko at kahit naman kasi nagtu-tutor ako kay Katie ay mas madalas naman siyang wala doon at palaging nasa business trip.

            “Good evening, Ricky.  Balita ko hindi ka pumupunta dito the past few days?”  Medyo nakakunot-noo pang tanong niya pero hindi naman din tipong nanenermon.

            “I-i…”  Damn it!  Say something!

            “May LQ ba kayong dalawa?”  Seryoso pang tanong niya at hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

            “S-sir..?”

          “When are you planning to tell this to me huh?”  Seryoso pa rin siya at hindi ko magawang makipagtitigan sa kanya. Ito na nga ba ang ikinakatakot ko.

          “S-sorry, sir.”

          “Hmm, let’s talk.”  Tinapik niya ako sa balikat at nanguna siya sa pag-upo sa malaki nilang sofa.  Sumunod na lang ako sa kanya and I have to admit, I am shaking all over.  What is he going to tell me?  Layuan ko na si Katie?  Damn it! 

            He crossed his leg habang nakasandal nang kuntodo at tumingin nang diretso sa akin.  Nakaupo siya d'un sa pang-isahang sofa at ako naman sa mas mahaba. 

            “So?  Do you really love my daughter?”  Oh jeez, interrogation time.  Sa totoo lang ay mas gusto ko pang mag-speech sa harap ng maraming tao kaysa ganito.

            “I do, sir.”  Matapat ko pang sagot. I love Katie at hindi kayang baguhin ng panahon ang nararamdaman ko para sa kanya.  May mga duda man ako, hindi sa pagmamahalan namin kundi sa pagtingin ng ibang tao.

          “Hmmm…”  Malalim pa siyang humugot ng buntong-hininga at iiling-iling na ngumiti.  Namamalikmata lang ba ako?  Did he really smiled?  “You have a good influence to my daughter.  And, I like you for her.”

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

          “P-po?”  That’s unexpected.  “But how?  Paano n'yo po nalaman, sir?  Sinabi na po ba niya?”

          “No,”  Marahan pa siyang umiling.  “I knew her too well.  Sa tuwing may tutorial kayo, palagi siyang inspired at excited. She’s happy when she's with you.  I only got confirmation when I saw you both kissing on the pool.”  Oh shit.

            “Sorry about that, sir.”  Gusto ko yatang lumubog sa kinakaupuan ko.  Pakiramdam ko kasi ay sesermunan niya ako for touching her daughter.

            “It happens, Ricky.  Couples do that.  No need to apologize.  But please, do not hurt my daughter.”  Seryosong pakiusap pa niya at marahan lang akong napatayo.  Parang ginapangan ako nang hiya bigla.

            “She looked sad lately.”  Dugtong pa niya.  “I’ve never seen her that affected with any guy before.  You’re her first love.  I think you knew that, right?  It’s not like she’s good at handling things about love.”

            Hindi ako nakakibo at nahihiya rin akong magsabi. We both feel forlorn mainly because of my worries.

            “I hope you’ll find a way to settle things between you two.  I just hate to see her sad because it made me sad too.”

            “I understand, sir.”  Bahagya lang akong tumango at pilit na tumitig sa kanya. 

            “You know what, Ricky.  You’re a good man.  Love is the greatest thing that can happen to two people with huge differences.  Even if you’re thinking that you’re on the other side of the world, it’s how you’ll work hard on the differences and be the better person for that someone you love.  At the end of the day, it’s not how much money you can give to my daughter, it's how much happiness you can give her despite of everything.”

            Matipid lang akong napangiti sa sinabi niya.  I never thought that those words will ever come out to such high profile person on the society.  Kahanga-hanga siya.

            “My daughter could be a little harder to handle, but I know that you can work on that, right?”

          “Yes, sir.”  Bahagya pa akong tumango.

          “Ayaw kong magaya siya sa akin. I want to see her happy.”  Humugot pa siya ng isang malalim na buntong-hininga bago ulit magsalita.  “And, please do me a favor.”  Noon na siya tumayo.  “Stop calling me, sir.  You can call me uncle or tito. I’d be cool with it.” 

            Napakamot lang ako ng ulo sa sinabi niya at tumayo na rin.

          “I think she’s on her room.  Alam mo naman na siguro kung saan 'yun.”

            Alanganin pa akong napangiti sa kanya.  After all, pamamahay nila ito at boyfriend pa lang naman ako ng anak niya.

            “Good luck, son.”  Tinapik lang niya ako sa balikat.  “I need to work on something.  Will you be alright by yourself?”

          “Opo, sir.  Thank you po.”  Yumukod pa ako sa kanya.

            Sa halip na magsalita ay tinapik lang niya ako sa balikat at pumasok sa kwartong malapit lang sa sala.  It’s his office kung hindi ako nagkakamali.

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon