Chapter 34

79.6K 1.3K 70
                                    

34.

Nung umalis siya, umiyak ako. Napaupo na lang ako sa sofa at nakatulala. Nadatnan ako ni Eris sa ganung sitwasyon.

"Anong nangyari?"  Kinuwento ko sa kanya ang pagpunta ni Johann sa apartment at lahat ng napag usapan namin.

"It's okay! Masyado lang siyang nasaktan. Babalik din yun. At kung hindi na siya bumalik, ikaw na ang pumunta sa kanya. You both deserve to be happy. Kayo ng anak niyo. Saglit ikukuha lang kita ng tubig."

"Ako na" Inunahan ko na siya sa pagtayo at pumunta sa kitchen. Parang ngayon ko lang naramdaman ang sobrang uhaw. Nilagyan ko ng tubig ang baso and I was about to drink it nung dumulas ito sa kamay ko at nahulog.

I looked at the shattered pieces of the glass. Kinabahan ako bigla at bigla kong naalala si Johann. Hindi ako mapakali. Ni hindi ako makakilos para pulutan ang mga nabasag sa sahig.

"Fille, ano ang nangyari?" Nagmamadaling pumunta sa akin si Eris. I looked at her for a while.

"W-wala!, Nabitawan ko lang ang baso"  Lumuhod ako para pulutin ang piraso ng baso and I noticed that my hands are trembling. Eris might have noticed it kasi pinatayo na niya ako at siya na ang nagligpit.

"Ako na ang bahala dito. Doon ka na lang sa sala. Aftershock lang siguro yan dahil sa mga nangyari." Sinunod ko na lang siya at pumunta ng living room. Pero hindi ko pa rin maipaliwanang kung bakit ganito na lang kabilis ang tibok ng puso ko.

Binuksan ko ang TV to have some distraction pero natulala ako sa nakita ko sa TV. PInapakita ang isang itim na kotse na iniaahon sa isang bangin. When the camera focused on the car, it is awfully familiar at lalong lumakas ang tibok ng puso ko.  ANd I pray to God na sana hindi totoo ang isang bagay na unti unting bumubuo sa isip ko.

Then the camera zoomed on the driver na hindi na makikilala dahil sa dami ng dugo pero nanayo ang balahibo ko when I noticed the shirt and the pants.

"ANg driver ng naturang sasakyan ay si Johann Phoebus Zamora na agad na dinala sa pinakamalapit na ospital." Parang nanlaki ang ulo ko. Namanhid ang buong katawan ko.

I automatically grab the key ng kotse ng Foundation na nilagay lang ni Eris sa center table and hurriedly opened the door.

"Fille, saan ka pupunta?" Eris run after me.

"Eris, naaksidente siya." I almost choked at my words dahil sa pagpipigil na mapahagulgol.

"Teka, sasamahan kita. Ako na ang magdadrive." SHe took out the keys from my trembling hands and sumakay na sa driver's seat. SUmakay na din ako sa passenger seat and we went to a nearby hospital. Yun lang naman ang pinakamalapit na hospital dito na pwedeng dalhan ng mga naaksidente.

Pagdating namin, may bigla ding dumating na ambulance. I looked as the medical team unloaded the passenger at halos manlaki ang mga mata ko when I saw the same shirt and pants as the one I saw on tv.

Tumakbo ako palapit sa stretcher pero pinigilan akong makalapit sa victim.

"Miss, hindi ka pwede dito." Sabi nung isang doctor  while he is trying to stop me na lumapit sa biktima. Yung ibang kasamahan nila dali dali  pinasok sa emergency room ang stretcher.

Pero bago pa nila maipasok sa loob ng ER ang pasyente I saw his face. Despite na ang daming dugo, hindia ko maaring magkamali.

My eyes could betray me, but my heart just couldn't.

"Johann...." I said softly.

"Johann!!!!" I shouted and run towards the stretcher only to be stopped again. Pero wala na akong pakialam. Hinawi ko ang mga pumipigil sa akin. Hindi ko na maaninang ang mga pagmumukha nila kasi hindi na din tumitigil ang mga luha sa mga mata ko.

"Johann!!!" I managed to get close to him pero di ko siya mahawakan dahil pinipigilan nila ako. This is all so unreal. So surreal. This can't be happening to him.

Hindi pwedeng may masamang mangyari sa kanya.

Hindi niya akong pwedeng iwan.

Dahil pag nagkataon, hindi ko kayang patawarin ang sarili ko.

It's as if I saw the scene flashed before me.  Parang pinapanood ko lang ang eksena na umiiyak ako habang nagpupumiglas sa harap ng walang malay at puno ng dugo na katawan ni Johann. It's like I'm only watching a movie scene.

I can't even barely see and hear the people around me. All my senses are only focused to the one that is being wheeled to the ER.

I stopped struggling nung maipasok na siya sa ER. Napatayo alng ako at doon umiyak ng umiyak.

"Fille..."I looked at Eris na nasa likuran ko. I saw horror in her eyes.

"Fille.....you're bleeding."

Tears of Angel by BlackLilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon