Chapter 3

131K 2.2K 68
                                    

3 Still Angela

Simula noon hindi na ako binangga ni Amie so balik na naman ako sa dating routine ko.  And as usual nag iisa na naman ako. Pero hindi pa rin ako nagsisisi kasi nga I enjoy my solitude.  Katulad ngayon, naglalakad akong mag isa sa corridor pababa  ng building ng college namin kasi uuwi na ako. Paliko na ako nung bigla may nakabangga sa akin kaya nahulog ang mga dala kong libro.

Sorry, I’m so sorry! Sorry talaga. Nagkatinginan kami. Tapos nagulat ako sa ginawa niya kasi pinagtapat niya ang dalawa niyang palad at nagbow ng tatlong beses habang nagsasabi ng sorry. Hindi ko alam kung matatawa ako or maiinis sa ginagawa niya. Kaya tinaasan ko lang siya ng kilay. Kinamot niya ang ulo niya and smiled at me reluctantly. Lumabas ang dalawang dimples niya. Ang cute!

Sorry talaga miss….

Pick it up.

Huh?

I said pick it up. Dahil sayo kaya nalaglag ang mga yan kaya pulutin mo. HE smiled again at me at pinulot ang mga gamit ko. Pagkatapos niyang pulutin, he handed it to me.

Okay na tayo?

Sure. Inabala mo ako, inabala rin kita so quits na tayo. I smiled at him too at naglakad at nilagpasan siya na nakatayo pa din sa corridor. After 5 steps I heard his voice again.


Miss…
Then I saw him again in front of me.

May kailangan ka pa? I maintained my smile para ipakita na hindi ako nabadtrip sa pagkakabangga niya sa akin.

I am Johann. You are? He extended his hand at me.

Angela. I shook his hand and we both smiled at each other.

I am Johann. Still shaking my hand

Still Angela. Can I have my hand back? Napakamot siya ng ulo. Siguro napansin niya ang katangahn niya. I feel like smiling pero pinigil ko ito. Baka kasi isipin niya na pinagtatawanan ko siya.

Maganda ka pala sa malapitan. I heard him say softly.

Ano?

Sabi ko, nice meeting you Angela. Lumawak ang ngiti ko. So he is talking to himself now in front of me.

Nice meeting you too Johann. Bakit pangit ba ako sa malayuan? Nakangiti pa din ako and he looked shocked. And I saw how his face turned from white to pink to red. Napakamot ulit siya ng ulo. Must be his habit or baka madami lang talaga siyang kuto.

Bye Johann. At I left him there again. Nung lumingon ako, I even saw him slapped his face twice at umiling iling as if shaking his head para gumana. Napatawa ako bigla kaya tumingin siya sa akin and again namula siya nung makita niyang nakita ko ang pinaggagawa niya sa sarili niya. 

I went home with a smile on my face and his image printed on my mind.

Tears of Angel by BlackLilyWhere stories live. Discover now