C H A P T E R [24]

13 1 0
                                    

C H A P T E R [24]: A Moment With Her

[Luhan's P.O.V.]

"Bakit ka ba sunod ng sunod saakin ah?" Tanong nya na nakataas ang kilay. Kita mo to, ang taray talaga. May itataas pa kaya ang kilay nya? -_____-

"Wala akong magawa kaya sasamahan na lang kita." Sabi ko na nakangisi kaya inirapan nya na lang ako. Totoo yun. Kaya nga umalis ako sa bahay kasi wala akong magawa. Rest day namin ngayon e.

"Iba na lang samahan mo. Puro kalokohan at pangaasar lang ang natatanggap ko sayo e." Inis na sabi nya. Natingilan sya at maya maya, she grinned. Ayoko ng grin na yan, mukhang may binabalak e. "O sige. Samahan mo ko. Ikaw magbitbit ah." Nakangising wagas nyang sabi.

"Kapal naman ng mukha mo. Artista ako hindi tagabuhat ah. Sumama lang ako kasi wala nga akong magawa. At least, may nag titiis sayo diba?" Pang aasar ko pa.

"Mas makapal ang mukha mo. Sino ba kasing may sabi na samahan mo ko? Ang kapal talaga." Bulong nya through, rinig ko pa rin.

Actually, kailangan naming lumabas ng subdivision para makabili nung paint na kailangan nya. Wala kasi nun sa loob. Kaya may naisip ako para mapabilis kami at the same time, enjoy the moment.

"Ano yan?" Takang tanong nya matapos kong humiram ng bike doon sa nagpapa-rent.

Napangisi ako. "Bike. Hindi mo alam? Wala ba nito dun sa bansa nyo?" Pangaasar ko kaya sinamaan nya ako ng tingin.

"What i mean is anong gagawin mo dyan?"

"Sasakyan?"

"Bopols! Ang hirap mong kausap noh?" Asar na sabi nya kaya tinawanan ko sya. Asar talo talaga sya. Napaka-pikunin pa.

"Hindi ako mahirap kausap. Sumakay ka na dyan sa bike ng mabili na natin yung paint na kailangan mo." Sabi ko at sumakay na sa bike.

Nagtaka naman ako kasi hindi pa sya sumasakay at nakatitig lang dun sa bike. Tumingin sya saakin na magkasalubong ang kilay. "Hindi ako marunong nito."

"Eh?"

"I said i don't know how to use this."

"Aish. Sumakay ka na nga lang dito sa likod ng akin. Iaangkas na lang kita para mabilis tayo." Sabi ko at pinasakay sya sa likod. May upuan naman doon at kasya sya kaya okay lang yan. "Kumapit ka at baka mahulog ka dyan. Kargo de konsensya ko pa."

"Oo na." At sumakay na nga sya. I winced when i felt her arms around me. Sht. Anong ginagawa nya?

"H..hey! What are you doing?" At hinawakan ko yung braso nya at pilit na tinatanggal sa pagkayakap saakin. Pero hinigpitan nya lang.

"Ayoko nga! Mamaya mahulog ako dito tapos hindi mo tulungan. Alam ko yang nasa isip mo ah. Mamaya ihuhulog mo lang dito! Ang sama mo talaga!" Protesta nya at lalo pa akong niyakap.

Hindi nya ba naiintindihan?! She's giving me discomfort for what she's doing! Jeez. Hindi lang sya bitter, napaka-manhid nya rin para hindi mapansin yun.

Wala na akong nagawa dahil nakasakay na kami pareho kaya nag-pedal na lang ako. Tinuro nya iyong daan kung saan bibili sya ng paint. Naiilang pa rin ako sa ginagawa nya kasi naman, nakayakap sya tapos nakapatong yung ulo nya sa likod ko. Tss.

"Bakit ang bilis ng tibok ng puso mo? May sakit ka ba?" Sabi nya kaya muntik na kaming ma-out of balance . Buti na lang at naitukod ko yung paa ko. "Hoy! Anong ginagawa mo?! Kung gusto mong mamatay sabihin mo lang saakin ah. Nang masamahan kita. Chos! Ayoko pang mamatay noh!" Sabi nya. Hindi ko alam kung nagbibiro ba isang to o ano e. May sayad sya, walang duda -_____-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Most Precious TreasureWhere stories live. Discover now