C H A P T E R [15]

50 5 5
                                    

C H A P T E R [15]: Cool Off, Best Friends

[Ryo's P.O.V.]

"Calm down, Yuzuki." I said seriously. Sinubukan nyang sampalin si Skye pero pinigilan ko sya. Alam ko kasing magsisisi sya sa huli kapag tinuloy nya iyon.

"What are you even doing here?" Inis na tanong nya at binawi ang kamay nya na hawak ko. Tss. Tigas talaga ng ulo nila.

"I was just passing by nang marinig ko ang sigawan nyo galing sa baba." Sabi ko at pinaupo silang dalawa sa maglabilang upuan. Mamaya magsapukan ang dalawang to e.

Actually nyan, pumunta ako dito kasi gusto kong makikain. Muntik na kasi akong malason sa ginawang dinner ni Fureia kaya tumakas ako sakanya. Seriously, nagprito sya na tubig ang gamit? Nagtimpla sya ng juice na may halong asin? O diba? Sinong hindi mandidiri dun?

At nung nakapunta ako dito, kumakain ang mga kapatid nya at sabi ni Nate ay naguusap daw sila in privately. Hihintayin ko sana silang matapos ng makarinig ako ng sigawan. Sabi ko kina Layla na kahit na anong mangyari, wag na wag silang susunod. Umakyat ako papunta sa office ni Skye hanggang sa narinig ko na kung anong pinagaawayan nila.

Sa ngayon, galit din ako e. Tinago nya saamin ang isang napakahalagang bagay na pwedeng pumatay sakanya. Kalmado lang ang itusra ko pero sa loob ko, kumukulo na ang dugo ko. Pero sabi nga nila, there's a reason behind everything. "Why, Skyler." I camly said. Simple lang ang tanong ko pero alam kong alam na nya ang ibig sabihin nun.

Napayuko sya, pero gaya ng dati, hindi nanaman sya umiiyak. Kailan ko ba to nakitang umiyak? Ewan ko na e. "A...ayoko kasi kayong magaalala saakin. Busy kayo sa own buissness at career natin tapos dadagdag pa ako? Naramdaman ko to matapos ang pagkamatay ni D...Dad nun. May mascular weakness akong nararanasan, hindi ako makahinga, sumasakit ang mga joints and bones ko. At minsan, dumudugo na lang ang ibang parte ng katawan ko sa di malamang dahilan. Kaya ang ginawa ko, pumunta ako kay Dr.Hirano para itanong kung anong nangyayari saakin. Hindi ako sayo lumapit kasi alam kong magaalala ka lang sa kung ano man ang maging resulta ng mga gagawing tests. " sabay tingin nya kay Yuzuki na seryosong sakikinig sakanya. "At... at iyon nga ang resulta. Namana ko ang Lukemia ni Mom. Nakaramdam ako ng takot, but at the same time, tuwa. Naisip ko kasi na konting panahon na lang, makakasama ko na rin sina Mom and Dad. Kaya yung mga unang binigay saakin na gamot, hindi ko ininom. He suggest na magpa-bone marrow transplant daw ako para mas malaki ang chance na mabuhay pa ako. Pero sabi ko, ayoko. Natatakot akong magpaopera. Ganun din kasi ang nangyari kay Mom diba? Pero anong nangyari? Akala natin maililigtas sya ng operation, pero sa huli, wala pa ring nagawa. Kinuha pa rin sya. Sinabi pa nya na sabihin ko daw sainyo pero sabi ko, wag muna. Hindi pa ito ang tamang panahon since nagluluksa pa kami sa pagkawala ni Dad nun. Dadagdag pa ba ako? Pumayag naman si Hirano-sensei sa gusto ko basta daw alagaan ko ang sarili ko at inumin ang mga gamot na binibigay nya." Mahabang paliwanag nya.

"Ininiinom mo naman ang gamot diba?" Pakiramdam ko kasi hindi e. Umiling sya habang nakayuko pa rin.

"Sht naman, Skyler! Hindi basta basta yang sakit mo! Ano?! Kaya ba hindi mo iniinom ang gamot mo para makasama mo na sila?! Sa tingin mo ba natutuwa sila sa pinaggagawa mo?!" Galit pa rin si Yuzuki.

"Y..yun na nga e. Na-realize ko naman yun e. Nagbalak na talaga akong sabihin sainyo kaso naunahan na ako ni Dr. Hirano. Last month lang, sinabihan nya ako na dahil hindi ako nakakainom ng gamot sa tamang oras at panahon, baka 9 months na lang ang itagal ko. At tanging  Bone Marrow Transplant na lang ang pag-asa ko para mabuhay. But i will never take it."

Napapikit ako ng makarinig ako ng malakas ang malutong na sampal. Hindi ko ma pinigilan pa si Yuzuki dahil alam kong deserve naman na yon ni Skye. Masyado syang selfish. Tanging ang tunog na lang na iyon ang maririnig mo sa buong kwarto. Napahawak pa sya sa pisge nyang namumula at nanalalaki ang mata nya.

"You deserve it. Baka matauhan ka kapag natanggap mo yan." Mariin na sabi ni Yuzu at padabog na lumabas ng kwarto.

"I didn't stop her kasi alam kong tama sya. You deserved that slap more that anyone else. Napaka-tanga mo! You are such a heartless person, Skyler. Hindi mo man lang kami naisip bago mo naisipang patayin ang sarili mo. Sa tingin mo ba magiging masaya kami kapag nawala ka? Jeez. You're thingking that you'll give us such a burden kapag hindi mo sinabi? Paano pa kaya ngayong alam na namin? Ano sa tingin mo?" At tumawa ako. "Oo nga pala. You are a heartless person. Wala kang pakialam kung ano man ang maramdaman namin." At lumabas na rin ako ng kwarto. Leaving her alone in that cold room.

[Skye's P.O.V.]

I deserved that one...

I deserved being slapped...

Not only slapped...

I deserved to die...

Pero bakit hindi pa rin nabawasan ang sakit? Akala ko, kapag may nakaalam, mababawasan kahit paaano. Pero bakit parang lalong lumala?

Hindi ba nila naiintindihan ang gusto kong mangyari? Oo. Ginusto ko na mamatay nung una. Pero nung naalala ko sila, ang mga kapatid ko, ang mga bago kong kaibigan. Nawala yun. Natakot ako bigla.

Nung una, hindi ako takot mamatay. Kasi may motto ako sa buhay ko. Lahat ng tao ay mamamatay. Una una lang yan. Makakasama ko rin sila. Pero sa pinapamukha nila saakin, kasalanan ko ang mamatay? Ganun ba yun? Lahat naman tayo dadaan dun e. Una una nga lang yan. Pero bakit ganun sila kagalit? Nasampal pa ko.

How the hell i will tell this to Niisan kung ang expression pa lang nina Yuzuki kanina, kinabahan na ako? I signed at lean on my chair. How should i face them tomorrow? And Fureia? My bestie. Paano ko sasabihin sakanya?

My Most Precious TreasureWhere stories live. Discover now