Iniwan ko si Royette doon upang siya ang mamahala sa mga customers. Tumungo ako sa reception kung saan ko naabutan si Mirna na nakapangalumbaba at tamad na tamad mag-text.


"Mirna!" 


"'Tangina! Ay, fuck! Ang gago mo naman, Chrissy?" Sa gulat nitong ekpresyon ay humagalpak ako. Sinisilip ko ang kaniyang ka-text ngunit pilit niyang tinatago ang cellphone. 

Tsk, ang dami namang nag-te-text ngayon! E, ako? Kahit isa ay wala, sus!


Kinabukasan sa university ay hindi pa rin nagtatapos ang Intrams. Nakataas pa rin ang iba't ibang flag na nagsisilbing representasyon ng bawat colleges. Required kami sa bleachers manuod kaya naman si Lucy ay todo hiyaw.

"Go, Isidro! Sige pa, sige pa!" 

Ramdam ko ang lakas ng enerhiya ng halu-halong estudyante sa aming school. Magbibitak kaya ang bleachers at grand stand dahil sa sari-sari nilang mga pakulo.

"Arangkada! Inhinyerya!" buong pwersang sigaw ng kolehiyong iyon at sabay-sabay na pinatunog ang kanilang air horns. 

Maagap na hinanap ng aking mga mata ang maputi, matangkad at singkit na pigura noong basketball na. Nang mahanap ang hindi nagbabagong numero sa kaniyang jersey ay parang kinuryente ang dulo ng aking mga daliri.

Ngayong todo cheer ang kaniyang mga ka-departamento ay wala akong ibang naririnig na hiyaw kung hindi ang pangalan niya lamang.

"Tan for three points!" anang commentator.

Napatayo sa kilig ang mga babae at ang kaniyang mga ka-brod ay napahiyaw. Pumutok nanaman ang kanilang mga airhorn  sa buong campus.

Sa sobra kong pagkaasiwa ay binunot ko ang cellphone. Dali-dali kong dinutdot ang keypad at nag-send ito kaagad.


Ako:

Hello, Sir! May ginagawa ka?


Napamura ako sa aking isip-isip. Tinakpan ko ang aking tainga. Sa ibaba ay sumulyap sa akin si Jerard pagkatapos mag-shoot.

Shit lang, ano ba itong napasok ko?

Pagkatapos ng mahigpit kumulang sampung minutos ay dumating ang reply ni Sir Ram.


Sir Ram:

I'm checking the annual reports of our crops. 


Wala sa sarili akong nag-send.


Ako:

So, busy ka nga?


Hindi ko na rin naiiintidihan ang sarili. Matagal muli ang sumunod na reply.


Sir Ram:

Very.


Halos iuntog ko ang ulo sa bakal sa aking likuran. Nahihilo ako dahil lunod na lunod ako sa adrenaline ng tao rito sa bleachers. Pinipigilan ko ang sarili ngunit wala akong nagawa. Tuloy-tuloy ang aking paghahanap ng distraksyon.


Ako:

Hmm. Okay. Kailan ka, uhmm, matatapos?


Parang nadinig ang aking panalangin. Medyo mabilis ang sumunod nitong reply.


Sir Ram:

I'm working. Matatagalan.


Kinagat ko ang labi. Ayaw ko na ngunit, sige. Nag-type pa rin ako.


Ako:

Kapag tapos ka na, tawagan mo ulit ako? :)


Nag-ta-tap ang mga daliri ko sa ibabaw lamang ng keypad. Pasulyap-sulyap ako sa langit, sa game at kay Lucy na hindi magkamayaw. Hindi ako mapakali.


Ding!


Agad kong binuksan ang text!


Sir Ram:

I'm very busy at the moment. Stop texting me.


Para akong kinidlatan sa tuktok nang mabasa ang reply. Pakiramdam ko ay mayroong nang nagbitak sa aking pagkatao. Manhid ang buo kong katawan. 

Kahit pa ganoon, nagtagumpay ako. Nawala ang pagsigaw ng mga tao rito sa bleachers at ang focus ko sa game. Sa manhid at sa sakit ay iyon ang aking inintindi. Hindi ang laro, at ang partikular na manlalaro sa ibaba.


Pagkatapos ng game ay niyaya ko nang umuwi si Lucy. Kahit pa gusto niyang manuod ng championship at makisali sa open jam ay hindi ko ito pinakinggan. Kung gusto niya ay siya na lang mag-isa.


"Uy, Lucy! Punta ka, ha? Victory party mamaya..." Sumalubong sa amin ang kaibigan ni Lucy.

"Sige, Paco! Sama ko siya, ah?" Dinuro ako nito. Hindi nakita ni Lucy ang pag-asim ng mukha ng Paco kaya ako na lang ang nag-iwas ng tingin. Hindi na kailanman mababago ang reputasyon ko.



Tinatamad na akong magluto nang dinner nang nasa apartment na. Diretso kama ako saka hinagis ang mga sapatos sa kung saan. Sinilip kong muli ang cellphone.

Kailan ka ba tutunog? Ipukpok ko kaya ito sa pader? 

Tumihaya akong higa. Hindi ako papasok ng bistro. Bukas na. Wala rin lang kwenta ang pagpasok ko. Sumama na lang kaya ako kay Mirna? Yayain ko ito, mag-club kami kahit pipitsugin.

Pinagdikit ko ang mga labi. Hindi ko na natiis ang pagkalabit sa keypad.


Ako:

Hindi ka na ba busy ngayon? 



Niyakap kong mahigpit na mahigpit ang unan. Kumalabog na ang dibdib ko. Nagmamanhid nanaman ang buo kong katawan. 

Ding!

Binuksan ko kaagad ang mabilis na reply nito.


Sir Ram:

A little.


Tipid na tipid talaga itong mag-reply. Hindi na ito busy. Wala na siyang ginagawa. E, ano?


Ako: 

Tawag ka ulit.


Natulala akong muli sa kisame. Cream ang original na kulay nito. Pero dahil sa mga matinding bagyo at napakainit na araw na kinakaharap ay naluluto ito at nagiging brown. Inaamag na ang ibang gilid. Pumikit ako at naghintay.


Labinlimang minutos bago dumating ang ringtone sa cellphone ko kapag may tawag. Naroon kaagad ang ginhawa sa aking dibdib. Binukas ko ang mga mata upang tingnan ito.


Sir Ram calling...


Siniksik ko ang ulo sa unan at ngumiti. Binura ko kaagad ang ngiti sa labi. Pinilit kong maging seryoso ang mukha dahil ito ang tamang paraan. Ang paraan ng pagkalimot at ang paraan kung saan walang sakitan.

The Pristineजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें