Ang Pang-Labing Walo

Depuis le début
                                    

Wala akong karapatang tumanggi, ngunit kahit na wala naman ito sa aking harapan ay napaiwas ako ng tingin. Sa hindi malamang kadahilanan ay bumagsak ang aking mga balikat.

Hindi ko na pinatagal pa. Kawawa naman ang balat nitong mala-prinsesa. Iniisip kong hindi naman ako ang unang tumawag kung hindi siya. 

Ibig sabihin ba noon, nagpunta pa ito sa kataas-taasang lupa para magkaroon ng signal? Hindi ba't walang masyadong signal sa mga hacienda...o mali lamang ang aking inaakala?

"Sige---"

Hindi pa man ako natapos magsalita ay naputol kaagad ang tawag. Niyakap ko na lang ng mahigpit ang aking unan. Mayroong puwang sa aking dibdib na pinapahirapan akong huminga.

Inilayo ko na ang cellphone sa text. Umilaw ito kaagad at pinakita sa akin ang mga messages ni Jerard. Pikit-mata ko iyong pinagbubura lahat. Ang message ni Mirna na lang ang aking binuksan.


Mirna:

Tara absent. Tara club.


Mabilis akong nag-type ng reply habang gumagayak na. Malapit na rin ang aking shift. Nanlumo nanaman ako dahil parang lantang gulay nanaman ang aming bistro.

Kailan ba kasi iyon uuwi? Tsk. Hindi naman para sa akin, hindi magiging akin, kung hindi ay para sa bistro mismo. Walang buhay ang crew. Walang disiplina at mga tinatamad.

Nag-type ako ng aking reply.


Ako:

Huwag ka ng dumagdag pa sa mga absent. Bahala ka sa buhay mo!


Dumating naman ang reply nito kaagad.


Mirna:

Boo. Bahala ka sa buhay mo. Mag-mop ka d'yan mag-isa.


Naglakad na ako patungong bistro. Sa ilalim ng gabi ay nakikita ko ang mga nagkikindatan na mga bituin. Bilyon-bilyon.  Sana ay d'yan na lamang ako nakatira. Sana ay pinanunuod ko na lamang ang mga tao at tinatawanan ang kanilang mga kamalasan sa buhay. 

Nang marating ang bistro ay kaunti nanaman ang tao. Parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha nila. Ito ang bersyon ng bistro na gloom and doom.


"Nakita mo si Mirna, Royette?" Luminga-linga ako sa paligid pero ang mala-pansit canton na buhok ni Royette lang ang umalingawngaw sa akin, at si Japeth na text ng text.

Siguro ngayon ay wala pa kami sa kalahati.  Wala si Jamel, ang kalahati ng entertainers pati na rin si Janina sa reception. Walang mga bitch ngayong gabi!

"Nasa reception at naglalandi..." Pahikab-hikab si Royette.

Salamat naman at pumasok ang isang iyon. Tsk.

"At bakit ka aantok-antok? Pinagod ka ng jowa mo kagabi?" sabi ko at na inaayos ang menu.

 "Hindi, ano! Nag-review kaya ako!"  

Lumaki saglit ang mga mata ni Royette. Sumingkit ang mga mata ko rito. Masyado na akong batak sa kaniyang ekspresyon na ganyan. Ganyang-ganyan din ako noon.

"May boyfriend ka, ano?" mabilis kong tanong.

Pumula ang pisngi ni Royette at ngumuso sa akin. Inirapan ko ito. So, what kung may boyfriend? Masasaktan lang siya. Lahat ng bagay ay nakatakdang maghiwalay. Iyon lang iyon.

The PristineOù les histoires vivent. Découvrez maintenant