Napatingin ako sa tinuro niya. Puno!! Kakainis!
"Oy, crush mo din ako. Ikaw ha, Love."
"Tigilan mo nga ako. Natigilan lang ako kasi akala ko naman kahit papano natututunan mo na maging loyal tapos konting rejection lang susuko ka na."
"Kasi Love, you have to understand that there are a lot of girls na papatay maligawan ko lang."
"Oo, madami ngang babae patay na patay sa'yo... Pero meron pa ring isang babaeng dapat seryosohin mo. Dahil hindi naman lahat ng babae pwedeng mahalin mo. Ano ka restaurant? Open to all?"
"Eh paano ko naman makikita yung babaeng yun?"
"Gusto mo ba talagang makita? Eh hindi ka naman naghahanap eh."
"Hanap kaya ako ng hanap."
"Oo, hanap ka ng hanap sa lahat. Tingin ka ng tingin sa marami paano ka naman magfofocus eh distracted ka?"
"Aish.. I don't know anymore. If she's gonna come she's gonna come. Yolo."
"Hay naku, pikit ka nga."
"Are you gonna kiss me, Love? Because if you will I don't have to close my eyes--"
"Hindi! Ipikit mo tapos imaginin mo yung dream girl mo. Yung ideal girl mo."
"That's stupid, Love."
"Wala namang mawawala hindi ba? Pipikit ka lang. Tapos iimaginin mo yung babaeng gusto mo."
"Fine. Porket Love kita."
O///O Ano ba yun! Kahit papaano nakakakilig pa din 'tong si Bryle.
Pumikit siya..
2 seconds..
Tapos..
"Ikaw nakikita ko eh."
"Di yan uubra! Pumikit ka na!"
"Oo na po."
BINABASA MO ANG
100 Steps To His Heart [Published Book]
RomanceNow a published book under Pop Fiction || Summit Media ♥️ Go grab a copy! Si Hope ay isang simpleng babaeng may gusto kay Enzo, part ng TRES GWAPITOS na kinabibilangan nina Enzo, Mico at Bryle. Isang araw, nakuha niya ang planner ni Enzo kung saan n...
[25] Miss Red Umbrella <3
Magsimula sa umpisa