C17- A DATE WITH JSEN (1)

3.9K 98 14
                                    

Paolline's P.O.V


"Huy, Ian. Saan ba talaga tayo pupunta?" Kinukulbit ko pa si Ian habang nagda-drive siya. Tumingin siya sa'kin saglit at mabilis na binalik ang tingin sa kalsada. Tinititigan ko lang si Ian habang hinihintay ang sagot niya sa tanong ko. Kasalukuyan pa rin akong kumakain ng kitkat, marami kasi siyang binili. Naka-indian sit ako sa passenger's seat habang nakaharap kay Ian. 

Kakaalis lang namin galing sa Hotel na in-stay-an namin kagabi. Bigla kasing umulan ng malakas kagabi habang pabalik na kami. DIBA NGA SA IBANG WAY KAMI DUMAAN NUNG NILIPAT AKO NI IAN SA KOTSE NIYA!. Ewan ko ba diyan sa lalaking 'yan at bigla nalang nagpakalayu-layo, 'yun pala gusto niya lang daw akong makasama para makabawi daw siya sa'kin nung nawala siya  -_-. 

At dahil umulan kagabi ay hindi na kami naka-byahe dahil delikado, kaya no choice kami kun'di mag-stay muna sa hotel na malapit. Tapos ngayon naman sabi niya may pupuntahan kami kaya heto imbis na umuwi na kami ay kung saan-saan na naman ako dadalhin ni Ian.

Kumagat ako sa chocolate na hindi inaalis ang tingin kay Ian, "Umm. Ano--kasi, na-naisipan ko lang kasi na--" Nakita kong gumalaw ang adam's apple niya, sign na lumunok siya. Kinakabahan ba si Ian?. "--na mag-maggala?--Oo, tama! Maggagala tayo ngayon!" Awkward siyang ngumiti na parang pinilit pa niyang ngumiti sa'kin para kunyari hindi siya nate-tense. 

Napakunut-noo ako dahil sa ina-act niya ngayon. Talagang maraming nagbago kay Ian pagkatapos niyang hindi magpakita kahapon sa school at sa concert. Masyado na akong naku-curious sa pinagkaaabalahan ni Ian, ha.

"Are you asking me for a date?" 'Yan agad ang unang pumasok sa isip ko at hindi ko naman alam na nasabi ko na pala.

Napanood ko ang mabilis na paglaki ng mga mata ni Ian. "Ian--ARAY!" 

Nabangga ang tagiliran ko sa drawer ng kotse kaya agad sumuporta ang kaliwang kamay ko para mailayo ko ang sarili ko. Umayos ako ng pagkakaupo sa passenger's seat habang uma-aray pa rin. 

"WHAT?!--" Nakakunut-noo na lumingon sa'kin si Ian ngunit mabilis na napalitan iyon ng pagkagulat nang makita niya ang kalagayan ko. Parang naulit na 'to?, "Mich!--Sorry!" Natataranta siya sa kung ano'ng gagawin sa'kin at nagso-sorry pero hindi ko siya pinapansin at napapapikit kasi ako sa sakit ng tagiliran ko, "Putahamnida ka kasi! Bakit ka ba kasi bigla-biglang pumepreno, ha?!--Tyaka anong WHAT?!"

Kahit na nahihirapan ako ay nagawa ko pa ring murahin si Ian at sigawan. 

'ABA SYEMPRE! SIYA MAY KAGAGAWAN KUNG BAKIT SUMASAKIT ANG TAGILIRAN KO NGAYON!'

"Nagulat lang ako sa sinabi mo. Sorry! sorry! sorry!" Patuloy lang siya sa pagso-sorry sa'kin habang hindi naman niya malaman kung saan niya ako hahawakan kaya naman binatukan ko siya.

"Letse ka, Ian! Kung gusto mong magpakamatay--'wag mo naman akong idadamay! Gusto ko pang mabuhay 'no!" Napabuntung-hininga ako pagkatapos kong sigaw-sigawan ulit si Ian. Nauubusan ako ng lakas -_-. 

Nagkakamot ng ulo si Ian habang nakalip bite siya. Mukhang nagsisisi talaga siya sa ginawa niya. "Mag-drive ka na ulit, Ian. Baka hulihin tayo ng pulis dahil nasa gitna pa pala tayo ng daan" Hindi na naman masakit 'yung tagiliran ko kaya pumikit nalang ako. Naramdaman ko namang umaandar na ulit ang sasakyan. 

"By the way" Napadilat ako nang magsalita si Ian. Tumingin ang mga mata ko sa kaniya pero nakaharap pa rin ang mukha ko sa harapan ko kaya magmumukhang nakatingin ang mga mata ko sa gilid. "I am asking you for a date" Madiin ang pagkakasabi niya, parang bang walang makakatibag sa sobrang tigas. Parang final na 'yon at wala ka ng magagawa pa.

Ang Boyfriend kong SikatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon