Chapter 20

115 1 0
                                    

Nandito na ako sa ako sa designated room ko for this day. Ewan ko, pero naba-bother ako sa balita ni Mama kaninang umaga. Hayst.

"AY NIREGLANG PALAKA!" sigaw ko sabay takip ng bibig gamit yung dalawa kong kamay, kasi napatingin lahat sa akin dahil napalakas nga yung sigaw ko. Jusko Lord! Kahihiyan na naman ba yung ibibigay mo sa akin ngayong araw?

Tumawa na lang ako ng mahina sa kanila, sabay aura ng mukha para cute.

Jusko! Sino ba kasing timawa yung gumulat sa akin?! Mapapatay ko talaga yun! Pagkatingin ko sa likod ko, tumingin agad ako sa lapag kasi nakikita ko si Kyra na humahagalpak sa tawa. Loka-loka talaga tong demonyitang to! Nakakabwiset! Tumayo ako sa upuan ko at pumunta sa kung saan si Kyra tas kiniliti ko naman siya. Bwiset siya! Bagay to sakanya! Sigaw lang siya nang sigaw at parang di na makahinga dahil sa pagkiliti ko sakanya. Siya naman ngayon yung pinagtitinginan at pinagtatawanan. Bwisit tong Kyra Demonyitang ito! Bagay lang sakanyang pagtawanan. Paano ba naman kasi? Tumulo yung laway kakatawa sa pagkiliti ko sakanya. AHAHAHAHAHAHA.

"Y-Y-Ynna! T-tama na!" sabi ni Kyra habang tumatawa nang napakalakas.

"Ayoko!" pagtanggi ko naman.

"Y-Ynna! Puh-lease!" sabi niya naman ulet habang tumatawa na parang wala ng bukas.

"SO, WHAT'S WITH THE COMMOTION!?"

Bigla kaming natauhang lahat nang makapasok at sumigaw ang aming striktong Genetics professor. Tsk. Tsk. Maganda sana siya. Kaso parang may regla rin araw araw.

Umupo na kami nang mabilis sa sari-sarili naming mga upuan. Nag-ayos ng buhok. Nag-ayos ng uniform. Nilabas na yung mga gagamitin para sa Genetics.

Then, the rest is history. Dejoke lang.

Katabi ko si Kyra ngayon, ay hindi pala. Palagi kaming magkatabi kaya hindi lang ngayon kasi always kaming magkatabi. Gets? Sa isang upuan sa left side ko naman, bakante. Napansin ko ring yun lang yung bakante. Hala?! Natatakot ba yung iba sa akin? Di naman ako nangangain ng tao eh. Depende lang kung yummy yung guy, kasi kakainin ko talaga siya. Hehehe!~

Pero kahit na! Wala namang gwapo dito sa room eh. Pero okay, seriously, gwapo sila, kaso hindi pumapasa sa standard ko eh. Oh diba! Toroy! Mataas kaya mga standards ko sa mga bagay bagay. Tingnan mo si JD, diba? Hindi na siya mareach sa taas ng standards. Ganun kasi ako eh, mataas yung standards sa mga lalaki, kasi para rin sa mga lalaki, dyosa na ako. Ganun yun. Ipag-connect niyo na lang. Hakhakhak. Basta, dyosa ako! Period.

hashtag humble.

Napansin ko rin na si Kyra, mukhang seryoso sa discussion ni Ma'am. Pero...

OwMayGhad!

May Himala!

May Himala!

May Himala!

Si Kyra! Nakikinig! Tas seryoso pa siya! WOAH! Himala talaga to. Ano kayang nakain niya? Kinapa ko naman gamit yung likod ng palad ng right hand ko yung noo at leeg ni Kyra. Ay. Bakit ganun? Wala naman siyang lagnat, pero nagkakaganyan siya?

"Ano ba Ynna?! Makinig ka na nga lang!"

AYWOW! AYSHT!

/tumambling/ /nag-budots/ /nag-nae nae/

Oh diba, galing kong sumayaw. AHAHAHAHAHAHAHA!

Charr lang.

Eh kasi naman! First time to! Yung nagseseryoso siya! Tas nakikinig ng maigi sa prof. Woah! Amazing!

Pero, pagpasensyahan niyo na ako ah! Ganun lang talaga ako kapag Genetics. Hindi ako nakikinig kasi, nakakabaliw. Sorry ah! Sorry na agad. Hayst, bwisit yan si Gregor eh! Pasimuno ng kabuwisitan. Lahat ng mga pilosopong Griyego. Mga bwisit. Kung nabuhay lang ako noong unang panahon, binomba ko na yung Greece noon eh. Ay hindi! Buong Europe na lang. Para mabawasan naman kahit papaano yung mga subject ngayon. Hayst. Nakakabwisit.

Tamo! Lumilipad na naman yung utak ko. Napunta na sa Europe. Hayst.

/boogsh!/

Nagulat na lang kami kasi sa gitna ng pagdi-discuss ni Ma'am, may humabol pang estudyante. At gumawa pa yata ng iskandalo dito sa room, kasi naman, tinulak niya yung pinto. Aba p*ta! Naninira pa ng gamit dito sa campus. Tsk. Tsk. Bawal yan!

Sa ngayon, speechless ang lahat habang nakatingin dun sa guy. Maging yung guy speechless kasi hingal na hingal siyang dumating dito sa room. Kaya yung dalawang kamay niya, nakahawak sa dalawang tuhod niya. Aw. Kawawa naman siya.

"Why are you late Mr. Lumaban?!" sabi ng aming prof habang palapit na sakanya. Patay! Mado-double kill na siya. Tsk. Tsk.

Kawawa naman siya, hingal na hingal na mahahalatang pagod na siyang dumating dito sa room tas mapapagalitan pa siya. Aw. Kawawa naman. Pero, wait! Ka-apelyido niya si ano. Ano. Basta, si ano! Pabayaan niyo na nga.

Pero, napaka-surly naman ni prof dahil parang tatlong ubo na lang yung lalaki. Ang bilis kaya ng paghinga niya! Dat pinaupo man lang or what.

Pabayaan ko na nga lang yan. Mag-usap sila kung gusto nila! Wala akong paki!

Pero, bat ganun? Naka-airconditioner na nga yung room namin, napaka-init pa rin. Nakakainis ah! Binabayaran namin sila nang tama tas hindi enough yung ibabalik. Hayst. Unfairness nowadays.

"Okay then, sit on that chair beside Ms. Park, Mr. Lumaban." pagkarinig ko sa prof namin. Ka-apelyido niya talaga si ano eh. Nakakainis. Naaalala ko na naman si ano tuloy. Buwiset. Pero makakatabi ko raw yung guy! Inayos ko naman yung sarili ko para magmukhang decent and normal yung itsura ko sa mga mata ng ibang tao. Charr!

Kunyare hindi ko alam na sa tabi ko uupo yung lalaki kaya tumingin naman ako sa right side kasi nga diba, sa left side kong upuan siya uupo. Pademure muna. Tumingin na lang ako sa bintana sa right side ko. Para magmukhang effective talaga yung acting ko. JD lang ang peg.

"Miss, may extrang papel ka pa?" sabi ng katabi kong lalaki sabay kalabit sa akin. Pero, bat ganun?! Kaboses niya rin si ano. Ano ba yan! Palagi ko na lang iniisip yung manlolokong yun! Iniwan ka na nga eh! Kinalimutan ka na rin! Dapat mo na ring kalimutan, Ynna!

Pero, watdapak?! Estudyante ba siya? Bat wala siyang papel? Nakakalurkey ah. Pero, parang si ano talaga eh. Hindi kasi yun nagdadala ng papel. Palaging umaasa sa akin. Nakakainis. Naalala ko na naman. Kinuha ko na lang yung papel sa bag ko then binigay ko sakanya. Pagkakuha niya ng papel sa kamay ko, nahawakan naman niya yung kamay ko nang hindi sinasadya.

Tumingin naman kami agad sa mukha ng isa't isa...



































































"Y-Y-Ynna?/K-K-Kyle?" sabay naming sabi sa isa't isa.

Didn'tTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon