Chapter 12

119 1 0
                                    

Hindi talaga ako makapaniwala na sakop pa rin nila yung malawak na garden na dinaanan namin pati yung mga pools na to. Sa di kalayuan, matatanaw mo rin yung mansyon nila na parang palasyo sa laki. Grabe. Ang taas na talaga ng tingin ko sa lalaking to. Di na ma-reach.

Sa ngayon, papunta na kami sa kanilang ubod na laking mansyon para magpalit ng pang swimming outfit namin.

Mamaya ko na rin pala itatanong kay JD yung tanong na pinaplano kong gawin ngayong araw. Naba-bother kasi ako. At the same time, naiinis. Eh kasi naman, di ba sabi niya dati na mayroon siyang girlfriend, ewan ko lang ah pero feeling ko nilalandi niya ako and it's bad. Diba may girlfriend siya? Grrrrr. Ano yun? Two-timer siya? Porket gwapo, mayaman, at charming, ganyan na siya? Di yata maganda yun. Grrrr.

Papasok na sana kami ng napakalaking main door nila na gawa yata sa diyamante nang may nakita akong nakatalikod na babaeng parang familiar. Pagkatalikod naman niya, OMG!

"IKAW!?" sigaw ko nung nalaman kong siya yung babaeng sinabi ni JD na girlfriend niya. Aba! Anong ginagawa ng hinayupak na to dito sa pamamahay ni JD?! Huwag mong sabihing live-in sila ni JD? Ohmayghad. Ayoko namang maging kabit noh! Ang ganda ganda ko, magiging pangkabit lang ang feslak ko? Jusko namn Lord! Tas tingnan mo naman yung itsura niya, ang pangit, napakapangit. Grrrrrr. Naiinis ako ah. Naiinis talaga. Di man lang sinabi ni JD na nandito rin yung girlfriend niya? Grrrrrr. Naiinis ako ah. Tounge in a lung.

"Kuya, who's she?" teka, wait. Ano daw? Ku-kuya? Oh May Ghad. Kuya niya pala si JD? Pero a-akala ko, girlfriend niya to? Ano to? Incest lang ganun? Baka niloloko lang ako nitong lalaking to? Pero, WTF? Nakakahiya, nasigawan ko pa yata kapatid niya. Jusko. Sinabihan ko pa sa isip kong pangit. Sorry na. Maganda naman talaga siya eh. Hehe.

"H-hi!" sabi ko na nahihiya. Kasi naman eh!

"Ynna, she's Kaitlyn, my little sister. Kaitlyn, she's Ynna, kaibigan ko."

ouch.

Ang sakit.

Kaibigan?

Oo nga naman.

Ano nga ba kami?

Di hamak na magkaibigan lang kami.

Pero kailangang ipamukhang magkaibigan lang talaga kami? Dapat, she's Ynna na lang ang sinabi niya. Bwiset. Nakakasakit na to si JD ah.

Okay, tama na Ynna. Magkaibigan lang naman talaga kayo. Iyon lang. Hanggang doon lang.

"Uhhmmm, okay." sabi ng kapatid niya sabay ngiti kay JD at umirap naman sa akin, at umalis na.

OMG.

Nainis yata sa akin. Nakakainis. JD kasi eh!

Nang umalis na nang tuluyan ang kanyang kapatid,

"Hoy! Akala ko ba girlfriend mo iyon!? Di mo sinabing kapatid mo pala yon?" sabi ko habang nakatingin sakanya ng masama at nakataas ang isang kilay. Huwag kayo, mataray mode ako ngayon. Hmph!

"Ayaw mo yun? Nalaman mong single pa ako, para masolo mo na ako." sabi niya pero hindi ko na narinig yung huling sinabi niya kasi pabulong niyang sinabi, at umalis na. Pero may point siya, nakahinga ako ng maluwag. Single pa siya. Hihihihihihi. Kinikilig na naman ako. Hihihi. Emeghed. Nakakaloka lang.

"Hoy! JD! Hintayin mo ko!" sigaw ko nung umalis siya. Hala! Baka maligaw ako dito. Ang laki kaya ng bahay nila. Jusme.

At ang nangyare ay nandito kami sa 3rd floor ng mansion nila. Jusme. Ang haba ng nilakad namin. Kawawa naman ako, pero mas kawawa si JD ko. AHAHAHAHAHAHAHAHA! May 'ko' talaga eh noh! Pero seryoso, kawawa na siya, kasi naman, dala dala niya yung bag ko, eh ang bigat bigat nun. Nakakahiya tuloy. Ilang beses ko na ring sinabing ako na ang magdadala kaso ilang beses niya na ring sinabing siya na raw. Nata-touch ako na nakukunsesisya.

Didn'tTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon