Chapter 6

193 3 0
                                    

So. Uhmmmmm. DI. AKO. NAKATULOG. NA. NAMAN. DAHIL. NABABALIW. NA. AKO.

Huhuhuhuhu. Ano ba kasi nangyare kanina. Anong babe? Huwaaaaaaaah! Naalala ko na naman. Ano ba?! Bat di ka maalis alis sa isipan ko? UTANG NA LOOB! Ala-una na ng madaling araw dito sa Perlas ng Silanganan! Grrrrr. Huhuhuhuhu. May pasok pa ako bukas ng 8AM. Ay! Mamaya na pala yun. Huhuhuhu. What to do? Nakakainis lang. *hikab* ayan! Tinatamaan na ako ng antok.

Kinaumagahan...

*hikab* Nagising na lang akong maganda pa rin ang mukha. Pffft. Ahaahahahha. Charot lang. Friday na rin ngayon. Sa wakas, magweweek end na ulit. Yes naman! Lahat naman yata ng nag-aaral, gusto magweek end, am i right? Hahahahahahaha. Okay! Andami kong satsat ngayong umaga. Umagang umaga, nagmomonologue ako. Jusme naman. Okay, back to the rude and unfair reality of my not-so-awesome life.

Shempre as always, naligo ako, nagtoothbrush, gumayak, bumaba, kumain ng breakfast, at niready na ang dadalhin at niready na ang sasakyan ko para umalis na. Oo nga pala! Naayos na ang aking cutie patootie na sasakyan. Minor damage lang pala ang nangyari sa aking sasakyan. Kaya kagabi, nalaman ko na ayos na ang aking car. Speaking of kagabi, naalala ko na naman. Grrrrrrrr. Bat ba hindi maalis alis sa isipan ko yun. Ugh! Please help me. Nakakainis na siya! Speaking of "siya", nasaan na ang sasakyan niya? O_O

Kinabahan ako bigla.

OMG

"Manang, nasaan na po yung isang sasakyan na nakaparada dito?" tanong ko kay Manang habang tinuturo yung place kung saan nakapark kahapon ang sasakyan niya. Halatang kinakabahan ako eh. Kasi naman! Nasira ko na nga, na-car napped pa! Double Kill ang abot ko nito. Double Dead na rin.

"Aaahhh, ma'am kinuha na po yata ng may-ari kagabi. Naku po ma'am, napaka-gwapo naman nung lalaki. Bagay nga po kayo eh."

Ahhh, kinuha na pala niya. Nakahinga naman ako ng maluwag, pero WHAT?

Like seriously Manang? Ewan ko kung maniniwala, kikiligin, maiinis, o makakapatay ako sa sinabi ni Manang.

Pumunta na agad ako sa kotse ko at pumasok sa driver's seat at patabog na sinara ang pinto ng sasakyan. Di naman yata halata na naiinis ako noh? Di naman DIBA?! Grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr. Nakakainis na talaga ang lalaking yun, di man lang kasi nagpaalam. Kinabahan tuloy ako ng super duper to the highest level. Tas isa pa si Manang, sinabi ba namang bagay kami. Ughhhhh! Pero somehow, kinikilig ako. Ano ba naman kasi to si Manang, diretsahan kung magsalita. Kinikilig tuloy ako. Ahe!~ We-WAIT? WHAT? NO. Hindi ako kinikilig for Pete's sake! Nakakainsulto nga eh. Nakaka-degrade ng pagkababae. Bwiseeeeeeeet! Ano na ba nangyayari sa akin?!

Di ko namalayan na nasa University na pala ako. Parang ambilis naman yata? Pinaharurot ko ba naman ang sasakyan. Hayst. Bumaba na ako ng sasakyan ko. At bumalandra sa akin ang napakaraming estudyante. Ano ba naman yan. Crowded na school namin. Ano bang meron ngayon?

Natanaw naman agad ng aking mata si Kyra sa di kalayuan at papunta siya sa aking direksyon. Ano na naman kaya ang chika ng babaeng ito?

"YNNNAAAAAA!!!!" sabi niya sabay hug sa akin. Uggghhhhhh! Napakaingay talaga nitong babaitang to. Tas malaman laman ko, napaka-nonsense ng sasabihin niya. Hay nako ah. I don't need nonsense people around me. Joke! Shempre. Best friend ko yan si Kyra. Kahit ganyan yan. Kahit martyr at tanga sa pag-ibig, mahal ko yan. Siya lang kaya nasasandalan ko bukod sa relatives ko. Okay na. Stop na. Cheesy na masyado.

"Ano na naman ba Kyra ang gusto mong sabihin? C'mon, spit it out!"

Tas dumura naman siya sa tabi ko.

"Ang galing mo naman Ynna! Paano mo nalaman na kanina pang may namumuong plema sa bibig ko?"

Tounge in a lung.

Napangiwi ako sa sinabi niya. Nakakadiri talaga to!

Pooh-Tounge in a lung talaga.

Like seriously? Ano na naman ba ang nakain ng impaktitang to? Ni-literal niya ang sinabi kong spit it out? Aba? Niloloko ba ako nito?

"Nasaan na naman ba napadpad utak mo?"

"Huh? Di kita gets Ynna." See?

"Kababaing tao, ganyan umasta." pabulong kong sabi.

"Huh??? Ano Ynna? May sinasabi ka ba?"

"Wa-wala! Oo nga pala, anong meron at marami ng tao ngayon? Parang naging palengke ang university natin eh. Nakakapanibago lang."

"Ah! Yun nga rin ang dapat sasabihin ko kanina sayo eh. Kasi ganito yan, may bagong pakulo na naman ang ating university. May ginawa silang new extra-curricular activity. Yun ay ang Sports Festival. Doon, kailangan mo sumali ng atleast 1 sports. May grade rin to kaya para sa maraming estudyante, importante to lalo na sa mga magagaling sa physical activities pero bokya naman sa academics. Sabi rin ay mas maraming sports, mas mataas ang grade na makukuha. Pero hindi ko alam kung ano ang makukuha mo kung wala kang makuhang sports o di ka sumali sa Sport Festival na to. At, oo nga pala. 50% po ng ating grade ang malalaan dito. Kaya ano? Sasali ka ba?"

"Shempre! Oo naman noh! Napakalaki kaya ng 50% pero pinoproblema ko ay kung anong sports naman ang sasalihan ko."

Ugggghhhhh! Kailangan ko ng kahit iisang sports man lang. Geeeeez!

"Ako kasi nagfill up na ako ng form para sa Volleyball eh."

Oo nga pala, volleyball player to si Kyra. Magaling yan eh. Nakakainggit. Napakagaling as in to the highest level. Kaya nga kapag kinikilig yan lumalayo na ako, kasi malakas yan manghampas. Kapag nahampasan ka niya, tiyak baldado na buong katawan mo.

"Uhhhhmmmmmm, sasamahan na lang kita. Ikot na lang tayo dito para naman makapili ka ng bonggang bongga."

Minsan napakabait talaga ng bestfriend kong to. Gusto kong sumali kahit isa man lang na sports, kasi napapansin ko, humihirap na ang mga lessons namin, although kaya ko naman, gusto ko lang i-maintain. Gusto ko rin makasubok ng isang sport kahut papaano. Last year na namin to eh. At, hindi ako sporty. Wala ako ni isang alam na sport noh! Pero alam ko lang ang mga definition, trivias, founder, country at marami pang ibang kaalaman all about sports. Nerd na kung nerd! Pero hindi ko alam kung paano GAWIN O MAGLARO ng mga sports. Hanggang acads lang kasi ako.

Ang dami nang booth ang napuntahan namin. Bawat sport kasi, may booth tas magfifill up ka ng form para maging member ka na nang sport na yun. Ang dami na naming narating na booth, puro puno na. Nawawalan na ako ng pag-asa. Nakakainis.

Nakakainis na talag-

"AAWWW!" sabi nung babae.

"Sorry miss!" sabi ko naman.

Pagtingin ko sa mukha niya.

"IKAW?!" pabulong kong sabi.

Didn'tTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon