Pakiramdam niya siya lang ang may karapatan na humawak dito dahil siya ang first kiss ni Zabby. Yeah, that's a lame excuse; you can do better than that, sabi ng isang bahagi ng utak niya.

     Inaamin naman niyang hindi niya sinasadya ang nangyari, he was caught off guard. Hindi siya halos makatulog gabi gabi dahil sa tuwing pipikit siya, mukha ni Zabby na umiiyak ang nakikita niya and tear his heart out. Nakikita niya sa mga mata nito ang galit, pagkalito at pagkapahiya. huli na ng maisip niya na sana hindi na lang niya inisip ang reputasyon niya bilang hearthrob na hindi pumapatol sa isang nerd na katulad ni Zabby.

    Gagawin ko ang tama

Hindi na alam ni Zabby kung ano ang una niyang poproblemahin, maraming gumugulo sa isip niya. Nasira na ang pananawa niya sa pag-ibig, na lahat may happily ever after kahit hindi siya mala prinsesa. Hindi na niya kayang maniwala na ang pag-ibig ay makapangyarihan  at wagas.

Akala ni Zabby magiging okay na ang lahat, akala niya titigil na ang mga bulong blungan tungkol sa kanya. Pero ang laki ng pagkakamali niya...

   Habang si Zabby ay nasa washroom at inaayos ang kanyang sarili para sa susunod na klase, bigla bigla ay sumara ang mga ilaw at pinto. Agad siyang nag panic at hindi alam ang gagawin.

"May tao pa dito! Buksan niyo na ang pinto parang awa niyo na!" sabi ni Zabby habang naglalandas ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Diyan ka nababagay!" isang pamilyar na boses babae ang kanyang naririnig.

"Kayo na ang bahala sa babae na yan ha!" sabi pa nito sa kausap.

Ilang minuto pa at umawang ang pinto at may pumasok na dalawang lalaki. Naramdaman niya ang mha kamay ng mga ito na humahawak sa kanya, naramdaman niyang napunit ang kanyang pang itaas na blusa at tila may sinulat ang mga ito sa bandang likod at mga braso niya.

Huli nang mapag tanto niyang nasa kalagitnaan na siya ng ground nila, nakahilata sa damuhan ang kanyang katawan at halos lahat ng mga estudyante ay nakatingin na sa kanya ngunit isa lang tanging nakilala niya...

Galther

Bakas dito ang pagka diri at galit sa mga mata nito, ngunit bakit?

Sinubukan niyang igalaw ang brasong namamanhid at sa kanya niya nakita ang nakasulat doon na "SLUT".

May mga nakita din siyang ilang litrato niya na walang malay at nasa hindi kanai nais na posisyon kasama ang isang lalaki na malabo ang mukha.

May mga ngilan ngilan din siyang naririnig na bulong bulungan.

"Ganyan pala siya eh! Kadiri, nakakahiya siya!"

"Ganyan kasi ang mga poor eh!"

Kaya pala...

A Promise of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon