"Wait. Paano na si Sandara?"

"Buti naman at may balak palang mag-asawa si Suho. Hahaha. Akala ko eh tatandang binata yun eh. Hohoho."

Hindi ko alam kung mapapangiwi ba ako o matatawa sa kanila eh.Si Sica ay napangiti dahil sa mga pinagsasabi nila.

Pero napansin ko na seryoso ang mukha ni Tiffany.

Napag-usapan namin na bukas din ay bibisita sila sa mansyon.Nagpaalam na rin ako sa kanila at aalis na sana nang may binulong sakin si Tiffany.

"Totoo bang huli na ako kay Suho?"

Tinignan ko sya at binigyan nya ako ng isang malungkot na ngiti.

Ugh. Okay?

---
Chanyeol's POV

Nakatingin ako kila Suho hyung at prinsesa Ezhraika na nag-uusap sa sala.

Success naman ang pag-amin ni hyung. Pfft. Nautal nga lang at nasampal ng malakas ng prinsesa.

Hahahaha. Nag-alala daw kasi ito dahil hindi kinausap ni hyung buong araw.

Lahat naman yun ay base sa plano. Alam naming lahat bukod sa kanya. Ilang araw nga kaming ginugulo ni Suho hyung para dito eh.

Kaya ayun,pagod silang lahat at nagsi-tulogan na.Pfft. Kami na lang ang gising.Pati na rin si Kai na nasa kusina pa rin at uubusin ata lahat ng fried chicken. Hahahaha.

Hay. Ako kaya. Paano ang gagawin ko?

"Yeol."

Napalingon ako at nakita sila Sehun at Kris hyung na kadarating lang. Kamusta na kaya ang ginagawa nila?

"Hyung,nandito na pala kayo. Ano nang balita."

Naglakad si Kris hyung papunta sa sala kaya naman sumunod kami ni Sese.

Umupo sya sa kaharap na couch ng inuupuan nila Suho hyung. "Palaging kasama ni Buen ang mga kaibigan nya dito kaya naman hindi madaling mapasama sya nang hindi nagkakagulo. "

"Kung humingi kaya tayo ng tulong kay Aubrey? ",suhestyon ni prinsesa Aika.

"Make her tell Buen that there's a gathering at her boyfriend, Lay's house, and she need Buen to come with her. Siguradong sasama yun dahil alam nyang ayaw ni Aubrey sa mga handaan at kailangan sya nito."

"Sige.We'll do that. Kausapin natin sila Yixing mamaya.",sabi ni Kris hyung at tumingin kay Suho hyung.

Pero may nag-iba sa ekspresyon nya.

"Anong balita kila Jessica?",diretsong tanong nito kaya naman parang nanlambot ang mga tuhod ko.

A-Alam na nila? Pero kalmado si hyung.Hindi ba sya galit? O ayaw nya lang masira ang mood dito sa bahay ngayong gabi?

Tinignan ko si Suho hyung pero normal lang ang reaksyon nya.

"Wala pa,hyung.Hindi alam ni Yoona kung kailan sila pupunta dito sa pinas."

Natahimik ang lahat at dun ko lang naisipang maupo. Hehehe.

"Hyung,paano na si Seohyun? Kasama daw ba nila sya? Naikwento ko naman sa inyo nung nakaraan na nakita ko talaga sya."

Hindi agad nakasagot si Suho hyung dahil wala naman syang isasagot.

Napansin kong napaayos ng upo si prinsesa Ezhraika at namilog ang mga mata na parang may naalala.

"Sehun. Ano ulit ang pangalan ng sinasabi mong babae?"

Napatingin sa kanya si maknae na bakas ang pagtataka sa mukha. "Seohyun. Seo Juhyun."

Ngiting ngiti sya at tumayo saka lumapit kay Sese. Parang proud na proud pa ito sa sarili nya habang tinatapik ang balikat ni Sehun. Pfft.

"Good gracious. Huhuhu. I know her."

Napakunot ang noo nila habang ako naman eh natatawa.

"Si ate Hyun na maganda at matangkad na sobrang galang. Yung nakatira sa next apartment na tumulong sakin dati."

"Ezhraika,seryoso ka ba?",tanong ni Suho hyung na ayaw pang maniwala kaya sinamaan ng tingin ng prinsesa.

"Guys!!! May good news ako!"

Lahat kami ay napalingon at nakita si Xiumin hyung na sobrang saya.

---
Tao's POV

"Prinsesa,uwi na tayo at inaantok na ako.Tsaka gusto ko nang kumain~",ungot ko kay Irish.

Huhuhu. Buong araw naming pinuntahan lahat ng posibleng lugar kung saan nandun ang prinsesa Tasha pero wala pa rin.

Napalingon ako ng marinig ko ang malakas na buntong hininga nya. "Sige. Ang hirap naman kasing hanapin ng mushroom na yun!Bwisit. Nakita ko na nitong nakaraan, nawala na naman.Tsk."

"Ituloy na lang natin bukas, dear."

Napatingin sya kay Chen hyung kaya naman napaatras ako.

Hehehe.Okay.Wala akong kasalanan.

"Namumuro ka nang camel ka ha! Manahimik ka kung ayaw mong kurutin ko yang dimples mo." Umirap pa ang prinsesa.Pfft.

Nauna na syang maglakad papunta sa sakayan kaya naman sumunod lang kami ni hyung sa kanya. Mukhang suko na rin si hyung sa pang-aasar eh.Hehe.Yun nga lang, parang malungkot sya.

Napadaan kami ulit sa mga nadaanan naming bars kanina.Yun daw ang tawag sa mga lugar na puro alak at sayawan sabi ng prinsesa. Nagtataka nga ako kung bakit kailangan ng ganung lugar eh.

Napakunot ang noo ko nang makitang wala na ang prinsesa sa harapan namin.Lumingon ako at nakitang may tinitignan sya habang si Jongdae hyung ay nakikiramdam sa nangyayari.

"Irish.Anong meron?",tanong ni hyung pero hindi pa rin kumakalas ang prinsesa sa tinitignan nya.

"Si Buen."

"Huh?" Ano ulit?

Ilang sandali pa ay namilog ang mga mata nya na ipinagtaka namin saka tumakbo papunta sa isang eskinita.

"Irish! "

"Mahal na prinsesa!!!"

Kamote! Ano ba ang nangyayari!?

[2] Adventures of Exo: The ProphecyWhere stories live. Discover now