01 | Light Blue

2.4K 65 9
                                    


"I told you, 'wag ka nang mag-effort pa sa kaniya Te. May girlfriend na 'yang si Blue." Babala sa akin ng kaibigan kong lukaret. Ang sarap din niyang isampal sa poste eh, hindi niya siguro alam na wala na si Blue at ang girlfriend nito, on-off na nga sila eh.

Beep.

"May nagtext!" Sigaw ko kay Venice. Nabigla naman siya sa turan ko, kaya tiningnan niya ang text sa akin. "Si Blue Ven!" Dagdag ko pa atsaka ako na sana ang magbabasa ng text pero sinabayan ako ni Venice Enrique.

"Wala akong load." Sabi namin ni Venice sabay-sabay sa pagbasa ng tinext ni Blue sa akin. Natawa ang gaga. Pero ako naman ay agad nasiyahan, kasi finally nagreply na rin siya. After waiting for almost three days, may practice kasi si Blue at ang buong Basketball team ng school namin for one week eh. At hindi ko na rin 'to nakikita sa school kasi paminsan minsan lang siya pumapasok gawa ng busy sa school. Kaya naman namimiss ko na siya.

Hindi naman kami ni Blue Sarmiento, wal kaming relasyon (pero how I wish we have). Pero parang kami nga kasi mabait at sweet naman siya sa akin, at ako naman syempre palaging kinikilig sa kaniya. So, 'you can say that I'm an assumer sobra assumera. Correct ka diyan. Pero 'wag niyo akong isisi, si Blue ang may kasalanan ng lahat lahat, everyday I fall deeply into his spell, into his charm. At mas lalong lumala-lala araw-araw.

And that's how I am crazy in love with Blue.

"Amega, paload na tayo!" I yelled out, napatakip naman si Venice ng kaniyang tenga.

"Nakakabingi 'yang bunganga mo!" Sigaw ni Venice sa akin. Napatawa naman ako sa reaksyon nito. Pero hindi na ako naghintay pa atsaka hinila na siya papunta sa labas ng school ground dahil magpapaload kami para kay Blue.

At dahil nga suki na kami sa maliit na tiangge sa labas lang ng school ay alam na ni Manang kung sini ang papaloadan ko. "Siya na naman?"

Manang hayaan mo na. Mahal ko ang tao eh.

Sumimangot si Venice sa akin atsaka tumingin kay Manang. "Oo nga manang. Hindi pa nga nakaka-isang taon na magkakilala sila pero ayan na ha? In love na naman siya." Sabi pa ni Venice.

Oo nga, ang bilis lang ng panahon. Last June ko lang siya nakilala. Actually 'di ko naman talaga siya kilala eh sa una palang, kasi bingi akong klaseng bata. Kaya paminsan 'di ko pala alam na nay nag-uusap sa akin.

At 'yon nga, nang una kong makita si Blue kinakausap niya pala ako nun. Hindi ko rin nga alam na nasa tabi ko siya at may kinukwento, bigla lang siyang tumawa nun at tinanong ko naman siya kung bakit pero ang sagot niya. "Wala."

Well, back to reality. "Terrence, tulala ka na naman?" Tanong sa akin ni Venice, may dala pa itong pitik sa noo.

Napasapo ako ng noo ko.

"Awtch." Inirapan ko lang siya habang tiningnan kung may text na naman ako mula kay Blue.

At Oo nga, may diyan.

got my load na. Thank you. :)

Napasigaw ako, literally. Napasigaw ako sa loob ng siomai-yan sa tapat lang ng school. Libre ko kasi si Venice eh, kasi tinulungan niya akong magpaload haha.

"ANG BUNGANGA." Sigaw ni Venice sa akin.

"ay, sorry." Sagot ko dito. Inirapan niya ako. "Eto naman, kinikilig lang eh." Sabi ko pa kay Venice.

Kumunot ang noo nito, "Eh ano naman ang kinikilig mo diyan? Dahil may smile lang na emoticon kilig ka kaagad?" Mas kumunot ulit ang noo nito.

"Simple things Ven." Pagmamaktol ko pa dito habang nakangiting sibuyas.

"Simple things, simple things." She snorted. Ako anman inirapan siya ulit. "Osya, uwi na nga tayo." Yaya nito sa akin.

"Hintay muna tayo ng text niya." Pangungulit ko kay Venice sapagkat gusto na nitong umuwi, kahit na ang malapit lang naman ang bahay niya dito.

"Bakit naman?"

"Kasi walang signal sa bahay!"

"Paano?!" Nagtatakang tanong ni Venice sa akin.

Tumikhim ako, "Alam mo namang dead spot ang barangay namin diba?" Sagot ko ulit dito.

"Oo nga pala." She retorted then snorted again. I rolled my eyes atsaka hinampas ng mahina ang braso nito. "Aray."

There was a minute of silence. But my phone started ringing like an idiot.

Beep

"AYAN NA!" Sigaw ko na naman sabay hampas-hampas kay Venice.

"Ano ba 'yan?" pagmamaktol nito sa akin. In-open ko na ang message ni Blue sa akin.

Busy ako ngayon. Text ka lang bukas.

Masaya akong tumingin kay Venice. Tumingin din siya sa akin, pero parang wala lang sa kaniya ang nabasa nito. "Anong masaya diyan? Te, halata namang wala siyang modo makipagtext sa'yo." Sagot nito sa akin.

"Ikaw talaga. Syempre busy din 'yong tao." I tried defending Blue from her accusations.

"Seriously, kelan ka ba susuko sa kaniya Terrence?" Nakita kong nag-aalala si Venice sa akin, so I tapped her shoulder softly.

Tumingin ako sa kaniya ng seryoso. Seryosong seryoso talaga.

"Never."

"Gago ka." Irap niya sa akin, isang irap nakabg talaga mula kay Venice magiging Queen of Iraps na 'to eh.

Tumawa ako, nakita kong Tumingin ito sa relo niya. "Te, uwi na ako." Sabi nito sa akin. "Papagalitan na anma ako mamaya eh." Dagdag pa nito.


"Uuwi ka na?" Nalungkot ako bigla. Pero di ko pinahalata sa kaibigan ko. "O sige Ven! Ingat!" Pagpapa-alam ko sa kaniya, naglakad na ito papunta sa street kung saan ang bahay nila.

"Gaga. Ikaw ang mag-ingat." Sabi pa nito sa akin. Ngumiti langa ko sa kaniya atsaka naglakad narin.


Ganito palagi ang ginagawa naming magka-ibigan ni Venice, palaging nagyayayaang kumain kahit saan. Kahit na siya lang ang kaibigan ko, kuntento na ako dahil pareho kaming may topak. So relate na relate kami everyday sa usapan namin. Sabi nga ng mga kaklase namin palagi kaming tutok sa sarili naming mundo na nalilimutan na pala naming may mga nag-uusap na tungkol sa aming dalawa. Tungkol sa pagiging indifferent, paki-alam ba nila? Wala naman kaming tinatapak na tao ah. Masaya kaming magkasama ni Venice, at wala naman kaming sinisiraan. Pwera nalang kung may sisira sa aming dalawa. Sisiraan din namin.


Sumakay na ako ng tricycle papunta sa aming barangay, tahimik dito palagi. At sa dulo nito, nakatayo ang malaki naming bahay. Pagkababa ko mula sa aking sinasakyan, biglang umulan ng todo. Hindi pa nga ako nakakapasok ng bahay pero basang-basa na ako.

Papasok na sana ako sa loob ng bahay nang bigla kong narinig na may nabasag na naman na vase sa loob ng bahay.

Nag-aaway na naman sila.

Eto palagi ang nadadatnan ko tuwing umuuwi ako ng bahay, away, kaya nga ayaw kong umuwi, mas masaya nang sa school nalang ako palagi. Kasi at least kahit walong oras lang nakakatakaw ako mula sa realidad na ito. Na kapag uuwi ako araw-araw ito ang sasalubong sa akin.

Masaya naman ako eh, sa labas pero sa loob-looban ko, hindi ko alam kung masaya parin ba talaga ako. It's always the physical of me, nit the emotional. Pero at least masaya parin diba? Sa labas. Sumisikip palagi ang puso ko kapag iniisip ko, so better not to think about these things.

Haysss. Kelan kaya ako makakatikim ng kahit pag-aaruga man lang sa loob ng bahay?

© 051316

BLUE (boyxboy)(bromance)Onde histórias criam vida. Descubra agora