Ang Pang Labing-Anim

Start from the beginning
                                    

Mahinang napamura si Sir Ram at mabilis na binaba ang kaniyang mga hawak. Dumiretso ito sa makina upang hinaan iyon.

"Is this okay?" Malalim ang kaniyang boses.

Tahimik lamang akong tumango. Nagtungo na rin si Sir Ram sa aking pwesto. Nilapag nito ang tray at kit sa kaniyang desk habang siya'y nakaupo sa katapat kong sofa. Mayroong kumalabog sa loob ng aking dibdib.

"Kumain ka na ba ng dinner?" tanong nito habang tinitingnan ang aking pasa sa labi.

Kung paano mag focus ang mga mata nito sa isang bagay ay nakakanginig. Mariin itong nakatingin sa aking mga labi habang dumidilim ang mga mata. Napalunok ako at tumango.

"You don't look like it, then. You're very pale and you look weak. Like you could snap in two."

"Huh?" naguguluhan kong sabi.

Mabilis itong nag-angat ng tingin sa aking mga mata. Napigil ko ang paghinga.

"Never mind. Just eat and drink these. I hope you like steak..." Matipid na umangat ang sulok ng kaniyang mga labi. Sa bilis ng pagkawala nito ay aakalain kong hindi naman talaga iyon nangyari.

Tumango ako rito. Nang harapin ko ang pagkain ay hindi talaga siya nagbibiro. 

"Steak?" nagugulantang kong tanong. 

"Why? You don't like it?" Napanguso ito.

Sa kaniyang maliit na simangot ay gusto kong ngumisi. Ngunit, nang tingnan kong muli ang pagkaing nakaharap sa akin ay pinigilan ko ang pag-awang ng bibig. Steak itong talaga at hindi isang mainit na soup o mas madaling kainin na pagkain para isang may sakit.

"Hindi naman sa ganoon..."

"Tell me what do you want to eat. Ipapatawag ko si Mirna para kumuha--"

"H-Hindi! Okay lang ito!" mabilis kong putol.

Kung ipapapalit niya pa ay mas lalo lamang akong kakainin ng hiya, at isa pa, lalong magsususpetsa sina Mirna.

Habang kumakain ay hindi ako mapakali. Malilit na hiwa lamang sa steak ang aking ginagawa sa takot na mabilaukan. Kahit mahirap at nakakatamad itong nguyain ay kinain ko pa rin para hindi masayang ang effort ng aking boss. Hindi ko alam kung paanong pagsubo ang aking gagawin dahil nasa harapan ko lamang si Sir Ram.

"I'm sorry for what happened the other night..." anang baritono niyang boses.

Napatigil ako sa aking pagkain. Unti-unti akong nag-angat dito. Hindi tulad kanina ay seryoso na ang kaniyang mukha. Palipat-lipat ang kaniyang mga mata sa aking mukha. Kumalabog ang aking dibdib sa kaniyang malalim na tingin.

"I'm sorry for saying those things to you. I am sorry for losing my control..." 

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Kahit na nagso-sorry ito ay hindi pa rin umaamo ang kaniyang mukha. Patuloy pa rin ang pagdidikit ng kaniyang mga kilay at pagkunot ng kaniyang noo. Mas lalo lamang nadepina ang kaniyang panga.

"Uhhmm..." Hindi ko alam ang aking sasabihin. Hindi ko naman pwedeng sabihing okay lang iyon dahil hindi talaga iyon okay! 

Pero ngayong ang isang katulad niya ay humihingi ng tawad...

"Ang sakit mo magsalita, sir. Pero sana ay wala ng next time," mahina kong sabi. Naging isang diretsong linya ang aking mga labi.

Kahit na tumango ito ay hindi pa rin ako makahinga ng maayos. Patuloy pa rin ang mabilis na pagkalabog ng aking dibdib.

Pagkatapos kong kumain ay ininom ko na ang gamot na katabi. Naroon pa rin si Sir Ram sa aking tapat ay maingat na pinanuod ang aking bawat galaw. Tingin niya ay mababasag akong bigla dahil lamang sa kaunting hilo ko.

The PristineWhere stories live. Discover now