Ten

10.8K 93 30
                                    


Chapter ten. 

Sorry for the long wait. -CQ

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Napatigil ako sa pag nguya ng kinakain 'ko dahil sa narinig 'ko. Anong sabi niya?!

"what did you just..."

"did you just.."

Mahal niya raw ako?

Tumawa siya ng malakas kaya naman nakuha niya ang atensyon ng iba naming kasabay dito. Hindi niya naman ata napansin na pinagtitinginan na kami rito.

"Just kidding Artzie." Umayos na siya mula sa kanyang pagkaka upo at sumubo ng kanyang inorder na food. Ewan 'ko bakit ganito yung pakiramdam 'ko. Bakit feeling 'ko na disappoint ako na sinabi niyang joke lang yun.

Nagkaroon na ng awkward silence kaya naman tinuloy 'ko nalang ang pagkain 'ko. Siguro ay nahiya rin siya sa sinabi niya.. May parte sa isip 'ko na nang hinayang. Diba sabi nila jokes are half meant?

"Mamaya pala I'll be at the bar. Gusto mong sumama?" Napatingin ako bigla sa kanya. Sa bar? Kung saan kami unang nagkakilala? Kung saan niya 'ko tinanong ng kabastusan niyang tanong? Sa lugar na una akong nainis sa kanya? Doon? Seriously, fuck boy ba talaga 'tong isang 'to?

"It's okay, hindi nga pala yun ang mga tipo mong lugar." Bago pa ako makasagot ay nasabi na niya yun kaya di nalang ako umimik at tinuloy 'ko nalang ang paglantak dito. Bahala siya diyan.

"Artzie after mo diyan ihahatid na kita pabalik sa school niyo so that hindi ka ma late sa next class mo." Cold niyang sabi sa akin. Teka ang bilis naman mag shift ng mood nito. Parang kanina lang eh okay pa siyang kausap at makulit pa. Kala mo naman babae 'to, ugh kaasar. "Alright, patapos na 'ko." Sagot 'ko sa kanya. Hindi naman na siya sumagot pa at kinuha ang kanyang phone mula sa bag niya. Hindi 'ko alam kung anong ginagawa niya pero parang ang seryoso ng tinatype niya. Ano kaya 'yun?

My inner voice is calling out for me. Tatanungin 'ko kaya siya? Ano kayang nangyari sa kanya.

"Just wait here okay? I'll just go to the washroom." Paalam niya sa akin. Teka parang napapansin 'ko na kanina pa ako hindi nagsasalita. Ano na kayang nangyayari sa isang 'yun at nagkakaganun. Agad-agad 'kong kinuha ang phone 'ko mula sa pocket ng skirt 'ko at agad na tinext ang bestfriend 'ko.

[To: Levieza]

Friend! Help me out. Please do a research about Lexter. ASAP. Thank you!

Message sent!

Sakto naming after 'ko itago ang phone ay siya naming balik ni Lexter sa aming table.

"I'm done na. Let's go Lexter?" Inayos 'ko na yung bag 'ko then tumayo ako agad. Ayoko nang magtagal dito. Feeling 'ko lalamunin ako ng lupa dahil sa sobrang awkward.

PAGKATAPOS akong ihatid sa aming school ay dali-dali na akong bumalik sa classroom naming. Sakto naman at nag ring na yung bell hudyat nang pagbabalik ng mga classmates 'ko patungo sa aming silid. Agad naman akong nilapitan ni Levieza at mayroong kakaibang ngiti doon. Umupo siya sa may side 'ko then she was wiggling her eyebrows. Seriously, may sapak na ata talaga 'tong babaeng 'to eh.

"What?!" Then I rolled my eyes.

Tumawa naman siya sa naging reaksyon 'ko then she grabbed her phone from her bag. Medyo patago niya itong kinuha dahil baka ma-confiscate ito ng aming nagmamagaling na president na si Katarina Rozalez. Mayroong hinahanap si bes sa kanyang phone kanina pa. The hell, pwede bang bilisan na niya at baka dumating na yung susunod naming teacher?!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 11, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Truth or Dare (SPG)Where stories live. Discover now