Four

36.4K 267 8
                                    

I can't believe that he's here! Paano siya nakapasok dito sa kwarto 'ko? Stalker ba siya?! UGH!


"What the hell are you doing here? Ganyan ka ba ka obsessed sakin?" Napangisi itong lalaking 'to sa narinig niya mula sa akin. Aba, anong akala niya nakikipag laro ako sa kanya? Hell no!


Naglakad-lakad siya na tila ba may hinahanap. Magnanakaw ba 'to? At talagang harap-harapan pa? "Sisigaw ako sige ka! Stop walking around!" Mahina 'kong sigaw sa kanya. Buti nga mabait pa ako at hindi ako agad-agad sumigaw kundi talagang malilintikan 'tong lalaking 'to eh.


"Will you please shut up!?" Sagot niya sa akin. He's looking at me intensely at sa klase nang tingin na yun eh nakakakilabot na tila ba may gagawin saking masama. Ang kapal ng mukha niyang ipa-shut up ako! Sa sarili naming pamamahay? Goodness gracious!


Patuloy parin siya sa ginagawa niya and then finally tumigil na siya at lumapit sa akin. Oh Jeez! I can smell his manly perfume, nakakaakit... But no Artzie. Takpan mo ilong mo!


Tumabi siya sa akin sa kama. Tila ba nanigas yung katawan 'ko, ano bang ginagawa ng lalaking 'to dito? He's acting so weird. Unti- unti siyang lumapit sa akin. He's touching my goddamn hair na para bang sinusuklay niya iyon gamit ang kamay niya then after that he smelled it. I heard him groan. Oh goodness, anong binabalak niya sakin!! Sisigaw na talaga ako!


"Hmm.. smells like strawberries" mahina niyang bulong sa tenga 'ko. Pakiramdam 'ko eh parang nanigas ang buong sistema 'ko at nakiliti yung pagkatao 'ko sa simpleng ginawa niya sa akin. Hindi 'ko alam pero parang foreign sa akin ang ganitong pakiramdam. Nakakatuwa, nakakainis, nakakakilabot, nakakasindak, nakakakilig.. Mixed emotions!


Maya-maya pa ay nilalapit na niya yung mukha niya sa akin. OMYGOD don't tell me he's going to kiss me! NO WAY!! Pero bakit ganun? Tinraydor ata ako ng katawan 'ko, it's not even responding! Gusto 'ko siyang sampalin pero parang napako yung kamay 'ko sa kama. I'm just looking at him, hinihintay 'ko yung gagawin niya then after that nagulat ako dahil hinipan niya yung mukha 'ko. The hell?! Ano yun? Ugh. I thought he's going to kiss me!


"May pilikmata sa mukha mo." Simpleng sabi niya sa akin. Parang gusto 'kong magwala sa sinabi niya! Gosh, bakit ba kasi akala 'ko hahalikan niya ako? Kelan pa ako natutong mag assume!?

Inirapan 'ko nalang siya at tumingin sa ibang direksyon. Grabe nakakahiya talaga 'yun!


"By the way, I'm here because I need to have a place to stay tonight." Nanlaki ang mata 'ko sa narinig. Jusko! Anong pinagsasabi niya?! Dito siya matutulog? Sa tabi 'ko?! Gagawin ba namin yun ngayon?! Jeez! Okay, I need to calm down. Hindi siya tatabi sa'yo Artzie, dito siya matutulog pero sa ibang lugar, at lalong lalo ng walang mangyayari sa inyo okay? 

Humugot ako ng malalalim na paghinga then I closed my eyes and looked at him. He's looking at me like a child asking for a candy. Psh, kabwiset.


"Okay diyan ka sa lapag." Pinanlakihan 'ko pa siya ng mata para naman sumunod siya. Ano siya special para tumabi sa akin? excuse me, he's just a nobody to me.


"Yun na nga eh, kanina pa ako naghahanap ng banig dito sa kwarto mo pero wala! So it means diyan ako sa'yo tatabi tonight...And don't worry, hindi kita gagahasain." Ngumisi siya sa akin pagkatapos ay dali-daling humiga sa kama 'ko. Gosh! Ang kapal ng mukha niya! Hindi ba niya naisip na meron kaming guest room? Sa laki ng mansion na 'to anong akala niya walang bakanteng kwarto? Ugh kainis! 


Pagkatingin ko sa kanya eh yung nakatakip na yung mata niya nung right arm niya. Impossibleng makatulog 'to agad-agad...


Gusto 'ko sanang palayasin siya dito sa kama 'ko o kaya naman doon nalang ako matulog sa guest room pero ewan 'ko. Hindi na kaya ng katawan 'ko makipag away at pagod narin ako kaya naman humiga na ako at pumwesto ako ng nakatalikod sa kanya. 


BUONG gabi akong hindi nakatulog kagabi. Kanina pa ako hikab ng hikab dito sa klase. Feeling 'ko anytime masisiraan nako ng bait dahil sa sakit ng ulo 'ko. Kaninang mga alas singko y media eh naramdaman 'ko siyang umalis at doon sa bintana namin lumabas. I acted as if I'm sleeping when in reality eh buong gabi lang akong nakatitig sa pintuan namin. I can even sleep, ramdam na ramdam 'ko ang presence niya sa tabi 'ko. Yung paghinga niya, yung paggalaw niya, lahat ramdam 'ko. 


"Bes, okay ka lang? Puyat ka ata ah!" Lumapit sa akin ang bestfriend 'kong si Levieza. She tapped my back at napalingon naman ako sa kanya. Napangiti naman ako sa kanya assuring her that I'm okay and there's no need to worry about. Tumabi siya sa vacant seat sa may gilid 'ko at kinulot ako kung ano daw ba ang ginawa 'ko kagabi kaya ganito ako ka antok. Hindi 'ko naman pwedeng sabihin sa kanya na kaya ako napuyat eh dahil katabi 'ko si Lexter matulog kagabi! That's a NO, NO! Baka kung ano pang isipin niya sa aming dalawa. 


"I'm okay Lev, I'm okay.. There's nothing to worry about. Nanood nga lang ako ng movies last night. I can't sleep eh." Pa simple 'kong sagot sa kanya. Ayokong malaman niya na ganun nga ang scenario kagabi kahit wala namang nangyari sa amin. 


Para malihis sa usapan eh kinamusta 'ko siya kung hindi ba siya napagalitan ng mommy niya nung nalamang nag punta siya sa bar at hindi nakauwi sa mansion nila. Oh well, medyo lang naman daw siya napagalitan pero may bakas parin ng pagkagalit si Tita sa kanya. Syempre ba naman malaman mo na yung seventeen years old mong anak nagpupunta sa bar at talagang babae pa. Kung ako yun baka matuktukan ako nila mommy at daddy pag nalaman nila 'yun.


Uwian na at nagulat ako dahil ang daming babaeng tumitili at nagkakagulo doon sa may quadrangle ng school. Teka anong meron? Wala naman akong matandaan na may activity or something ngayon doon. Dahil etchosera itong bestfriend 'ko eh hinatak ako kaya naman nagpatianod nalang ako.


Nanlaki ang mga mata 'ko sa nakikita 'ko ngayon. Si Lexter nandoon at may iba pang lalaki. They were dancing habang yung iba pang lalaki eh may hawak na banner... At nakalagay doon yung pangalan 'ko OH GOD.


"BES! My gosh! May manliligaw ka pala?! wait, si Lexter ba yun? Yung sa mall?" Hindi 'ko alam kung anong gagawin 'ko. Magtatago ba ako? Tatakbo? Pupuntahan 'ko ba siya doon at papatigilin sa ginagawa niya? Sisigaw? Ugh! Ang daming pumapasok sa isip 'ko. Ang daming nagkakagulong mga babae, nagtitili at nagsisigaw doon.  Anong dapat 'kong gawin?


"Nakita n'yo na ba si Artzie? Helloooooo?" Nagsalita si Lexter gamit ang microphone at siya namang tili ng mga babae dito. Ano ba! Kanina pa ako nabibingi sa kanila ah. Biglang may tumulak sa akin mula sa likod 'ko at nagsisisigaw siya na nandito ako sa may malapit sa kanya. Halos lahat ng tao eh tumingin sa akin. Tila ba mayroon akong nagawang mabigat na kasalanan. Hindi ako makagalaw o makakilos dahil sa pagkagulat. Maya-maya pa ay unti-unti nang lumapit sa akin si Lexter, he's smiling so wide. Ang ganda ng mga ngiti niya. Sobrang puti ng ngipin niya na kumikinang na sa puti. Yung ngipin niyang pantay-pantay na para bang perfect teeth sa lahat ng nakita 'ko. 


Lumapit siya sa akin na sobrang lapit pagkatapos ay bumulong siya sa akin. Tila ba naging tahimik ang kapaligiran at yung mahinang boses niya nalang ang narinig 'ko.


"Hey Artzie.. Truth or Dare?" He said then he smirked.

Truth or Dare (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon