Eight

18.3K 146 20
                                    

8.

A/N: Slow update po talaga ang story na 'to, busy po si author kakabasa ng mga kaso so please maging matiyaga nalang po tayo. Pero it's okay kung wala naman nang nagbabasa haha! Thanks for reading :)

-----------------------------------------

"Handa ka na ba?" As I heard his voice para bang kinilabutan ako sa tanong niya. Handa na nga ba talaga ako? Eto na ba talaga 'yun? Parang hindi pa 'ko handa eh!

Magkasama kami ngayon. Yes, nandun na kami sa getting to know each other stage para sa "friends". We usually hangout pero walang malisya yun. Alam naman niyang hanggang friendship lang ang kaya 'kong ibigay sa kanya.

"Huy, natulala ka diyan. Ano ready ka na ba?"

Napalunok ako at tumingin ng diretso sa kanya.

"I'm not yet ready.." Sabi 'ko sa kanya. Natatakot kasi ako sa maaaring mangyari. Sa pagkakaalam 'ko kasi ay bawal 'to.

"Ano? Wag nalang? Sayang naman! Mag n'new year na oh! Artzie naman.."

Nag pout at nagpa cute pa ang loko. Hay, tsk.

"Sige na nga!"

Kinuha na niya yung fireworks na binili namin kanina. Yung mga five star at kung ano-ano pa. Sa pagkakaalam 'ko kasi bawal na 'yun gumamit kasi maraming naaaksidente doon. Tsaka masakit pag naputukan ako sa kamay.

Sinindihan na niya ito at agad-agad na binato ito palayo sa amin.

"Putukan naaaaaa!" Masayang sigaw ng lokong 'to. Nandito kami ngayon sa may plaza nakatambay lang. Mamaya ay new year's eve na kaya naman excited na ako para sa panibagong taon na darating.

Masaya 'ko siyang tinitignan, para siyang bata. Tuwang-tuwa sa pagpapaputok ng mga kung ano-anong fireworks na binili niya.

"Hey Artzie why don't you try this, dali!" Bigla ba naman akong hinatak at kinuha yung palad 'ko. Naglagay siya doon ng maraming pop-pop.

"Tss! Ilang taon ka na di ka pa ba nakakapag paputok ng pop-pop?"

"Eh pakialam mo ba! Paano ba 'to?" Inis 'kong tanong sa kanya. Kahit kailan talaga bwisit 'to sa buhay 'ko eh! Sarap isabit ng patiwarik sa puno ng saging. Tangina.

Tinuruan niya ako kung paano gumamit nito. Siguro ay mga after five minutes ay na gets 'ko na kung paano 'to paputukin. Tawa lang siya nang tawa habang nag aattempt ako kanina, puro ba naman kasi fail. Bwisit.

"Dalian mo na dyan. Ubusin mo na yang mga pop-pop na yan para maihatid na kita sa mansion niyo. Sabi 'ko sa kasambahay niyo iuuwi kita before nine pm eh."

Napasimangot ako sa narinig 'ko. Hindi naman kasi masaya ang celebration ng new year sa bahay eh. Wala naman kasi doon ang parents 'ko. As usual busy nanaman sila. Para ngang wala silang time for me eh. Yung mga kasambahay at mga trabahador lang namin sa mansion ang kasama 'kong mag celebrate ngayon. Hindi naman kasi pwede si Levieza because may sariling celebration ang family nila. I want to go there pero nahihiya ako. Ewan 'ko ba.

"Okay sige teka lang Lexter."

Inubos 'ko na yung laman nung box ng pop-pop then agad agad na akong tumakbo papalapit sa kanya.

Truth or Dare (SPG)Where stories live. Discover now