Nine

12.7K 124 25
                                    

9.

Note: Wala pa po tayo sa part ng SPG kaya po wait wait muna tayo HAHAHA. Thank you and sorry kung late update! Hope you enjoyed the newest chapter.

---cara xx

--------------------------------------------

"Enjoying the night?" Nabigla ako nang makita 'ko sa aking harapan si Lexter. Hindi 'ko inaasahan na nandito siya sa mga ganitong oras! Mygosh, it's 11:35 pm at nasa play ground ako.

Lumapit siya sa tabi 'ko then umupo siya sa may tabi ng swing na inuupuan 'ko. "Yes, somehow. Look at the stars." I answered. Sabay kaming tumingin sa kalangitan. It's so peaceful. Sobrang sarap sa pakiramdam ng ganito. Malamig ang simoy ng hangin dahil January na ngayon.

"Perfect." He whispered. Napatingin ako sa kanya. Paano ito nangyari? Ayaw 'ko kaya sa kanya. Paanong nangyari na magkasama kami ngayon na para bang hindi ako galit sa kanya.

Tumingin siya sa akin at nginitian nya 'ko. Ginantihan 'ko rin siya ng ngiti 'ko. "So what are you doing here young lady? At this time? 11pm?" Sunod-sunod niyang tanong. I took a deep breath and there tumingin akong muli sa payapang kalangitan.

"Well.. I just want to find my inner peace.. And I think I found it already." Tumingin akong muli sa kanya. He's grinning. Ano kayang tumatakbo sa isip nitong lalaking 'to. Medyo creepy siya ah! "Ako ba yung inner peace mo Artzie?" Humagalpak naman sa tawa itong lalaking 'to. Seriously tho anong problema nitong lalaking 'to?

I made a face. Kung pwede 'ko lang siyang sapakin eh kanina ko pa ginawa. "No way Lexter!" I rolled my eyes.

"Don't deny it Artzie, alam 'ko namang type mo 'ko." Hindi 'ko kinaya ang confidence level niya grabe. Tumayo ako at pumwesto sa may likuran nya. Tinulak ko ng malakas yung swing na siya namang kinagulat niya. "Stop it Artzie!" Sigaw nya habang ako naman eh patuloy lang sa pagtulak ng malakas. That's what you get.

"Tara na, I need to go home. Back to school na'ko mamaya." Sabi 'ko sa kanya. Nauna na ako sa paglalakad. Naramdaman 'ko naman na sumusunod naman siya sa akin and nagulat ako nung nasa tabi 'ko na siya at prenteng naka akbay sa akin. Mygosh isa siyang hokage. "Let's have some lunch later Artzie." Napatingin naman ako sa kanya. Seryoso siyang nagsasalita. Hindi 'ko alam kung bakit hindi 'ko tinatanggal yung kamay nya. Maybe because I feel safe in his arms? The hell Artzie! Kung ano-anong iniisip mo.

"Alright." Hindi naman na siya nagsalita after nun. Ako rin. I just want to seize this moment. Yung tipong payapa at tahimik kami habang tinatahak ang daan patungo sa aming bahay.

"Well, good night Artzie. See you later!"

Kakarating lang namin sa tapat ng aming gate. "Okay, good night din. Ingat." Tumango naman siya sabay alis na. Pinapanood 'ko siya habang naglalakad na siya palayo.. Hanggang sa wala na kong makita. Purong itim. Nagbalik sa akin ang nangyari noon. Ganoon din siya...

*
NANDITO palang ako sa hallway eh rinig na rinig 'ko na ang sigaw ng bestfriend 'ko na tumatakbo papalapit sa akin. "OMG! I missed you Art!" Niyakap ako ng mahigpit ng babaeng 'to. Nakakaloka, Christmas vacation lang naman ang naganap kala mo naman hindi nagkita ng sampung taon.

"Bibitaw ka o dudugo ka?" Agad naman siyang bumitaw at tumawa. "Nako! Meron ka ngayon no?" Pang-aasar niya sa akin. Nagpatuloy nalang ako sa lalakad habang hindi siya tumitigil sa pangungulit sa akin kung ano nga bang ginawa 'ko sa buong Christmas vacation 'ko.

"Uy! Kamusta na pala kayo ni Fafa Lexter?" She wiggles her eyebrows na para bang may gusto siyang iparating sa akin. I shrugged.

"Pansinin mo naman ako Artzie enebe LQ ba tayo?" Nag puppy look pa ang letche. Humarap naman ako sa kanya. "Sssh! Quiet."

Truth or Dare (SPG)Where stories live. Discover now