TFG 21: The who?

3.1K 102 16
                                    

My only way to forget and live free from all my problems is to write stories. You'll forget about those shits and you'll start imagining fictional things.

***

The Fearless Gangster- Chapter 21

WAYN's POV

Maaga akong pumunta sa Cabin ni Devon atsaka siya binulabog. Nagdala na din ako ng breakfast naming dalawa. Sabay kaming kakain sa cabin niya.

"Diba sabi ko sayo wag ka ng pupunta dito?!" Sabi ni Devon na kabababa lang. Umupo siya sa harap ko tsaka kinuha ang nakaplastik na pagkain.

"Salamat ha? Dinalhan pa kita ng pagkain oh." Sarkastikong sabi ko at inirapan lang niya ako.

"Tss." Singhal niya haha.

Kumain na kaming dalawa at ngayon ko lang napansin ang maliit na sugat niya sa leeg.

'Wala pa yan kagabi ah?!'

Seryoso ko siyang tinitigan. At pinasadahan ang buong mukha niya kung may pasa o sugat ito ngunit wala naman. Tanging leeg lang niya ang may bahid na konting sugat.

Nung maramdaman niyang nakatitig ako sa kanya ay taka siyang tumingin sakin.

"Bakit?" Tanong niya.

"Sugat ba yang nasa leeg mo?" Tanong ko.

"Hindi, wag mo na lang pansinin. Bilisan mo na lang dyan, may kukunin lang ako sa kwarto." Nagtataka akong tumingin sa kanya dahil iba ang naging kilos niya.

Tinapon ko na ang mga pinagkainan namin tsaka naglakad papunta sa labas. Nang may mapansin akong kakaiba sa gilid ng pintuan ay marahan ko itong tinignan.

'Isang patak ng dugo.'

Nang maramdaman kong paparating na si Devon ay agad akong pumunta sa labas tsaka hinintay siya duon na makarating.

Walang ekspresyon ang mukha nitong tumingin sakin at tumingin lang ako sa kanya ng seryoso.

"Tara." Aya ko at naglakad na kami sa campus. Hindi ko maiwasang mapaisip sa mga nakita ko ngayon.

'Anong ginawa mo kagabi devon?'

***

DEVON's POV

Tahimik kaming naglalakad sa quadrangle kahit na madaming mata ang tumitingin samin. Marami ang nagbigay daan at marami ang nakayuko, na parang iniiwasan ako.

Hindi na ako magtataka kung bakit tahimik si Wayn, alam ko na kung bakit siya nagkakaganyan. At wala akong pakialam.

Malayo pa lang ay nakita ko na ang Black-G, Red-G at sila Anpa at blake.

Sa mga nangyayari ngayon, ito lang ang masasabi ko....

'You can't fool Blaze Devon Sy.'

***

BLAKE's POV

"Paumanhin blake, pero nanggigil ako kapag nakikita kong kasama ni Devon yang lalaking yan." mahinang sabi ni Venom sakin.

"Hindi ka nag-iisa bro." Sagot ko naman dito.

"Keith!" Tawag ng mga myembro ng Red-G sa kanya.

"Good Morning apo." Nakangiting bati ni anpa kay blaze ngunit laking gulat ko nung tinignan siya nito ng malamig.

"Morning... Royal Master" nakakapangilabot ang tinig nito na bumalot sa katawan ko. Medyo nagulat pa si Anpa dahil 'Royal Master' ang tinawag sa kanya ni Devon. Tsaka lang namin siya tinatawag na Royal Master kapag galit kami sa kanya, or may ayaw kami na kontra siya.

Kahit kakambal ko siya ay may takot din naman ako sa kanya. Tsk!

"Master! Master!" Napatingin kaming lahat sa tauhan ni anpa.

"Ano yun rex?" Tanong ni anpa.

"Natagpuan po NG mga tauhan natin ang mga sugat sugat na katawan sa labas ng bahay nila Mr. And Mrs. Sy." Hangos at diretsong sabi ni rex.

Nagugulat akong napatingin kay anpa. "Anpa! What's this?!" Malakas na tanong ko.

Mabilis pa sa alas kwatro kaming bumyaheng lahat papunta sa bahay namin. At sinalubong ko agad ng yakap sila mom at dad.

Halos masuka ako dahil nagkalat ang mga dugo dito sa labas ng bahay.

"Buhay pa sila!" Sigaw ni dara dahil tinignan nila ang mga nakahandusay na katawan.

Ayon sa myembro ng Red-G na si Third ay walang namatay. Lahat ay sugat lang ang tinamo ngunit unti-unti na silang nawawalan ng dugo.

"Ipinadala sila upang salakayin ang daddy at mommy mo." Bulong sakin ni anpa at NAINTINDIHAN ko naman agad kung bakit niya ito binulong.

"Pero salamat sa gumawa nito sa kanila. Kung hindi dahil sa kanya ay nakuha na nila ang nga magulang mo." Dagdag ni anpa.

"Ngunit ang tanong ay, sino nagligtas kila mommy?" Tanong ko kay anpa.

"Yun ang hindi ko alam sa ngayon." Sabi ni anpa tsaka tinawagan ang mga tauhan niya na linisin ang mga nandito.

"Mom, dad are you okay?" Tanong ni devon na nasa tabi ko na pala.

"Yes, omygod. This is so hilarious!" Naguguluhang sagot ni mommy tsaka niyakap si devon. Tsk.

"Kailangan niyo na pong lumipat ng bahay, Mr. Sy." Sabi ni Dara kay daddy.

"Kailangan din po magdobleng ingat." Sabat naman ni Wayn.

"Nasaan po ba kayo nung naganap ito?" Narinig kong sabi ng red-g na si Von.

"Hindi ko alam na may tao pala dito kagabi. Mahimbing kaming natutulog ng asawa ko." Sabi ni daddy.

We all sighed at pinanuod ang tauhan ni anpa na kunin ang mga sugatan pero walang malay. At tila palaisipan sa'min kung anong nangyari dito.

***
To be continued...
VOTE COMMENT AND SHARE ❤️

The Fearless GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon