Bahagya lang sumulyap si Nero kay Cassidy at tipid siyang ngumisi dito. Good Nero, wag ka masyadong magpahalata. Pero lumukso ang kampante kong dibdib nang nagtama ang mga mata namin. Inilihis ko agad ang mga mata ko sa kanya pero ramdam ko pa rin ang paninitig niya sa akin.

Damn Ferell! Mahahalata kami sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Ashong might notice him!


"I think 6 kids will do.." seryosong sabi ni Nero. Shit! Ferell. Stop staring. Stop staring.

Narinig ko ang hagikhik ni Cassidy at ng mama ni Ashong sa sinabi ni Nero. Cassidy, don't assume too much. He's pertaining to me. Pero halos lagnatin na lang ako sa bigla kong naramdaman. Tang ina ka Nero Ferell!

Can't he stop flirting with me? Hindi niya ba kayang makapagtimpi man lang? Ramdam ko sa ilalim ng lamesa ang gilid ng sapatos ni Nero Ferell sa binti ko. Inilililis nito pataas ang long dress ko. Damn.

Gusto ko siyang murahin sa ginagawa niya. Gusto ko siyang sipain ang sa kalandian niya. Tang ina ka Nero Ferell.

Ramdam ko ang marahang pagtaas baba ng sapatos niya sa binti ko, he's caressing me! Damn. Pakiramdam ko ay pulang pula na ako. Shit!  I can't do anything! Baka mapansin kami ni Ashong.

Halos mapapadyak na lang ako nang maramdaman kong nasa may tuhod ko na siya. Damn Ferell. Damn Ferell. Sinadya kong tabigin ang baso ng tubig na nasa tabi ko. At maagap akong nakatayo para hindi ako mabasa.


"Oh my gosh! Are you okay Florence?" concern na tanong sa akin ni Cassidy. Kung pwede lang kitang basain, hindi lang tubig ang isasaboy ko sayo. Artista.


"Why so careless hija?" sabi naman ng Mommy ni Nero. Agad nakatayo si Ashong na may hawak na tissue para punasan ako.


"It's okay Ashong..hindi naman ako nabasa. I'm sorry, I'm too careless.."


"Are you sure, you're okay hija?" nag aalalang tanong din sa akin ng mama ni Ashong. Tumango na lang ako.

Gustong gusto kong tingnan si Nero. Gustong gusto ko siyang sampalin sa kalandian niya. Gustong gusto ko siyang sigawan sa pumapasok sa mga utak niya.

Maaga kaming mahuhuli sa ginagawa niya!


Narinig kong bigla na lang tumawa si Nero. Shit!


"What's so funny Nero?" natatawang tanong sa kanya ni Cassidy.


"Nothing important Cass, I just remember my cat. Gustong gusto niyang hinahaplos ko siya" halos maningkit ang mga mata ko sa narinig ko. Talaga bang nakikipaglaro ka rin sa akin Nero Ferell?!


"I think we need to go.." paalam ni Ashong sa mommy ni Nero.


"Why so sudden Elias? We haven't talked yet" biglang sabi ni Nero na ikinagulat ko. Ano ba ang problema ni Nero? Mas ginagawa pa niyang komplikado ang mga bagay bagay.


"Do we have something to talk to?" sagot sa kanya ni Ashong. Hearing Ashong's voice, alam kong hindi na maganda ang tono nito. Damn.


"Oh, come on mga hijo. Hindi nyo ba natatandaan na madalas pa kayong magkalarong dalawa? Sa katunayan lagi pa kayong nag aaway sa isang laruan na pinagsasawaan niyo rin naman sa huli" makahulugan akong sinulyapan ng Mommy ni Nero. Tang ina. Hindi ko gusto ang ipinupunto ng mga sinasabi niya.

Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon