Letters' -Chapter 29-

103 4 1
                                    

CHAPTER 029

Bigo man ako na ngayong prom umamin.. Nakasayaw ko naman si Kimberly. Okay nadin sakin yun. Alam ko naman eh, matagal ko nang nahuhulaan ang mangyayari.

Ngayong prom, sila na ni Jomar at hindi na hula yun. Totoo na.

Pagkatapos namin magsayaw ni Kim, si Jomar naman nag-aya sa kanya. Ako, niyaya ako ni Jamie. Kaya pumayag na ako. Sabay sabay na kami nagpunta ng gitna. Hindi ko alam yung kanta pero may lyrics na nakakaewan.. yung..

♪My friends keep telling me

 That if you really love her

You've gotta set her free

And if she returns in kind

 I'll know she's mine♪

Diba nakakaloko. Haaay.

"Darwin anong problema?" sabi sakin ni Jamie.

♪And all I can do is hope and pray

'Cause heaven knows♫

"Wala.. Uh.. Jam, alam mo ba yung title ng kanta?"

"Ah yan ba. Heaven Knows yan. Nagtataka nga ako bakit yan ang tugtog pangbroken hearted!"

"onga.."

Heaven Knows pala.. Natapos na yung kantang yun kasi naging masigla na. Naupo na ako. Si Jam, Kim at Jomar naiwan don. Ako, mag-isa sa table namin. Medyo nainip ako kaya kumuha ako ng iced tea sa table ng mga pagkain.

Napansin kong may sariling mundo ang mga fourthyear. Buti naman at di na ginugulo ni Justin at ng maarte nyang syota si Kim. Subukan lang talaga nila.

Pagkatapos ay bumalik na ako sa table namin.

Napagisip isip ko yung kanta, only heaven knows nga naman. Walang makapagsasabi kung anong mga susunod na mangyayari.

_____________

Mga ilang araw pagkatapos ng prom, ang mga tao sa classroom namin di makamoveon. Prom parin ang topic.

Nung araw na yun, sinimulan ko nang iwasan si Kim.

Dahil ito ang naiisip kong tamang paraan. Baka kailangan munang mamuhay ako ng hindi sya iniisip o iniintindi.

Ilang taon ko din syang pinangarap. Ngayon, siguro kailangan ko nang ipaubaya sya kay Jomar.

Kung para kami sa isa't isa.. mangyayari yun.

"Malalim nanaman iniisip mo ah." sabi sa akin ni Jamie.

Si Jamie/ Jam.. nirereto sakin ngayong 3rd year. Hindi ko sya masyadong nakakausap. Ngayon lang nung nagprom. Nahihiya kasi ako sa kanya. Mabait yun si Jamie. tahimik lang din. Ayoko nga lang maglalalapit sa kanya kasi nga.. wala lang. ayoko lang.

"Hindi ah. hehe!" sabi ko nalang. nagulat ako nung batukan niya ako. Bigla nalang, narinig ko ang buong klase namin, niloloko nanaman kami. Kaya ayokong tatabi kay Jamie eh.. ayoko ng ganito.. niloloko ako.

Lumabas ako ng classroom, tumayo at sumandal sa pader sa labas. Nababaliw na ata ako.

Kami ang pinagpartner ng teacher ko sa Research. Kami ni Jamie. Bakit ganon. Sunod sunod ata pagpapartner namin ni Jam ngayon. Mga ilang araw lang namin nagawa ang research work dahil konting araw nalang naman ang natitira e practice na ng graduation ng fourth year. Wala nanamang pasok. Haay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 15, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Letters [of a torpe guy] ♥Where stories live. Discover now