Letter's -Chapter 24-

119 4 0
                                    

CHAPTER 024

Umupo na ako. Si Kim, nakaluhod padin. Taimtim na nagdadasal. Tahimik kong binuksan yung zipper ng bag ko. Kinuha ko dun yung sobre. tinitigan ko to. nagdadalawang isip ako kung ibibigay ko ba kay kim o hindi.. Buksan ko kaya?

tama! 

Binuksan ko ang sobre. Sulat. Pinunit lang sa notebook yung papel. Tss.. si Jomar talaga, ang yaman yaman, punit sa notebook lang ang papel na pinagsulatan. eh daig ko pa pala! napailing ako habang napapatawa ng mahina.

may nakalagay na date don. Ngayon ang date. January 10. 5:00pm sa tapat ng gym ng school namin. ("Please kim, punta ka, may surprise ako. :) Love, Jomar")

Napatingin ako sa relo ko. Aba! Ala-sinko na. tamang tama. "ano yan??!" biglang bulong sa akin ni kim. Bigla akong nagitla. at nalukot ko ng bahagya ang papel.

"ano nga yan?!" patuloy padin ang pagbulong ni Kim. teka.. sasabihin ko ba? eh pano to.. ngayon pa ngalang kami mapapagisa ulit ni kim eh, tapos ano, maeextra nanaman si Jomar? Nakakabadtrip naman oh!

"dun tayo sa labas, sasabihin ko sayo." bulong ko sa kanya. Nag-aya na din sya sa labas at ako naman, napabuntong hininga. Nauunang naglalakad si Kim, samantalang ako, nagdadalwang isip padin.

"oh ayan, nasa labas na tayo, ano ba yan? yan ba ang wishes mo?"

biglang lumakas ang simoy ng hangin. Haaay.. sasabihin ko na nga.. hayaan na.

"pinabibigay nga pala ni Jomar sayo. dapat kanina ko pa yan ibibigay kaso nakakalimutan ko eh. haaay. sorry ha. nalukot ng konti."

"ah."

nagtaka ako sa reaksyon ni Kim. ah? anong ah?..

"hehehe. ano pupunta kaba?"

"nako, hayaan mo na si jomar don."

"huh? kawawa naman yun no! puntahan mo!"

nagumpisa maglakad si kimberly. "ayokong puntahan don si jomar." sabi ni niya.

Ano kaya yun? iindiannin nya si jomar? hala baka magalit sa akin si jomar neto eh. Patay talaga ako neto sa amo ko. wew. paano kaya to?

"Huy darwin, bakit? Ayokong pumunta don, hayaan na natin si jomar don hahaha"

Napakamot ulo ako. Baliw talaga tong babaeng to. Hindi nya ba naisip na parehas kaming mapapahamak kay jomar neto. haha! Ahhhh. bahala na nga lang. sasbihin ko nalang hindi ko naibigay kay kim ang sulat o di kaya, sasabihin kong naibigay ko pero hindi ko na nakausap ng husto si kim about dun kasi inutusan ako ng teacher. argh. bahala na nga. kahit anong dahilan nalang. mahalaga kasama ko si kimberly ngayon. Ang aking kimberly :)

"anong nginingiti ngiti mo dyan silvestre?"

"ehehehe.. wala kim, oh ano na, ano nabang gagawin natin ngayon?"

--

Letters [of a torpe guy] ♥Where stories live. Discover now