Chapter 6 (Dahon)

Start from the beginning
                                    

"So, bukod sa pagbabasa. Ano pang ginagawa mo sa buhay. Napansin ko kasi sa tuwing dumadaan ako, laging may binabasa kang libro. Well, I was just trying to find out kung ano pang pinagkakaabalahan mo sa buhay."

Ibinaba ko na ang libro tutal hindi na rin naman ako makakapagbasa ng maayos.

"Ahm, watching romantic movies, playing badminton, nagpapractice din akong kumanta, nagsusulat ng kung ano-ano, researching,eating, sleeping and etc."

"Every day, ginagawa mo ang lahat ng 'yun?" Tanong niya

"Hindi naman. Depende kapag bored na bored ako pero 'yung pagpractice ng kanta ay tuwing Monday, Wednesday and Friday."

"So, may lesson ka pa rin kahit bakasyon na?" Tanong niya ulit at umiling-iling ako.

"Wala ka naman na palang masyadong gagawin ngayong bakasyon. Ang panonood mo ng romantic movies, pwede mo naman ipagpaliban 'yun. Ang paglalaro ng badminton, kahit tuwing weekend nalang. Ang pagsusulat at researching kahit minsan mo nalang gawin. 'Yung eating and sleeping daily routine naman na natin 'yun. Kaya..bakit hindi ka mahilig sa out of town? Travel? " Napangiti ako sa tanong niya. Isang napakagandang tanong na naitanong niya sa akin.

"It's not that, going out of town doesn't want me. It's just that, me who doesn't want to."

"Mahilig akong magpunta sa kung saan-saan. Adventurer akong tao at kapag nakatahan lang ako sa bahay, para akong pinapatay." Sagot niya.

"Gusto ko ngang malibot ang buong mundo kasama siya." Dagdag pa niya at napakunot naman ang nook o. Hindi ko nagets ang sinabi niya.

"Siya?" Tanong ko

"'Yung babaeng ibibigay sa akin ni God na mamahalin ko habam-buhay." Sagot niya. He was serious while saying that line. At ngumiti lang ako. Ako din naman, naghihintay sa lalaking ibibigay niya na mamahalin ko din buong buhay ko.

Napahaba ang kwentuhan namin ni Jake at inabot na kami ng hapon. Sa coffee shop nalang kami nagtanghalian, umorder siya sa labas. At pagkatapos ay nagkwentuhan ulit kami ng kung ano-ano. Minsan ang nonsense ng sinasabi niya at hindi ko magets. At pagkatapos ay umuwi na rin siya. May pupuntahan pa daw kasi siya kaya nauna na siya. Samantalang ako, maghapon akong nandito nakatahan pero hindi man lang dumating 'yung Jake na totoong hinihintay ko.

"Hindi 'yun darating. Pagkabukas palang ng coffee shop ay umorder na agad siya." Napakunot ang noo ko sa sinasabi ni Darren. Si Darren, kaibigan ko siya dito sa coffee shop. Nakita ko siya sa school noong nagseminar kami. Food technology ang course niya at siya at ang mga kaklase niya ang nagseserve ng mga pagkain namin. Mandatory yata sa school na sa tuwing may magaganap na seminar o kung anong okasyon ay ang mga Food tech. student ang magseserve ng mga pagkain sa mga guests at sa mga kapwa nila estudyante, who else was dahil sila lang din naman ang may pinag-aralan sa pagseserving o kung ano pang may kinalaman sa pagkain. At nag-apply siya dito sa coffee shop namin dahil nangangailangan kami ng waiter. Ako ang pinaghandle ni mama sa mga mag-aapply at hindi ko na siya pinagsubmit ng resume dahil alam kong may experience naman na siya at medyo kilala ko na siya at same school lang din naman ang pinag-aaralan namin kaya may tiwala na ako sa kanya. Tinanong ko lang siya kung anong dahilan kung bakit nag-aapply siya. Ang sagot niya, ay dahil wala ng sapat na pera ang kanyang mga magulang na pag-aralin siya kaya magtatrabaho daw muna siya. And 'yun, almost two years na siyang nagtatrabaho dito at hindi ko pa siya natatanong kung bakit hindi pa rin siya nag-aaral hanggang ngayon. At..wag niyo ng isipin na may gusto 'yan sakin dahil ang girlfriend niyan ay 'yung cashier ng coffee shop. Hindi alam 'yun ni mama, ako lang ang nakakaalam. Hindi lang sila nagpapahalata kapag nandito si mama pero kapag ako lang ang nakakakita, grabe sila maghalikan sa harap ko, kung alam niyo lang.

Bale may apat na staff kami dito sa coffee shop ngayon. Dalawang babae at lalaki. Si Sam na girlfriend ni Darren at si Lyza at 'yung isa namang lalaki ay si Bobby. Walang namamagitan kay bobby at lyza dahil si bobby, nasa labasan ang girlfriend niya samantalang si Lyza naman, carreer daw ang priority niya sa buhay, hindi ang lalaki. Nagpapart time job lang dito si Lyza, si Mimi talaga ang nasa pwesto niya kaso si Mimi nasa bakasyon kaya si Lyza muna, pansamantala. Back to reality, tinanong ko siya.

"Sinong tinutukoy mo?"

"'Yung lalaking nakasumbrero. Tinitigan ko nga siya kanina kaso hindi makatingin ng diretso sakin. "

"Hindi ko siya hinihintay." Sagot ko.

"Gusto mo siya?" Tanong niya at mabubulunan pa ako ng aking laway sa tanong niya.

"Bakit mo naman naitanong sa akin 'yan?"

"Gusto ko lang makita kung paano mainlove ang anak ng Boss namin." Sabi niya at tinuktukan ko ng libro ang ulo.

"Parang 'yan, sa gitna ng paglalakad mo ay biglang humangin ng malakas at naglaglagan ang maraming dahon sa iisang puno at may isa kang nasalo sa iyong palad. Dahan-dahan mo siyang inilapit sa iyong mukha at hinalikan. 'Yun ang summary kung paano kami nainlove ni Sam sa isa't-isa." Sabi pa ni Darren

"Pero alam mo kung paano malalaman kung siya na ang tamang dahon para sa'yo?" Tanong niya at napakunot ulit ang noo ko.

"Kapag humangin muli ng malakas..siya na ang gagawa ng paraan para makakapit sa palad mo."

-----

Just A KissWhere stories live. Discover now