ASKTP [13] - Complicated.

1.4K 63 2
                                    

[Short]

MARIIN akong pumikit. Nakahiga ako ngayon sa kwarto ko. Hindi ako makatulog dahil nandito mismo si James. Sira ulo ata ang lalaki ito. Dito talaga sya natulog, sa tabi ko. Bukas daw kami aalis ng maaga. Ilang beses ko syang tinanong kung saan kami pupunta. Ang tangi nya sagot.

"You'll know tomorrow."

Ilang beses na akong nagpaikot-ikot dito sa kami. Hindi ako mapalagay. May harang na unan sa gitna namin, sa talikod sya sa akin. Kanina pa hindi kumakalma itong puso ko dahil first time naming magtabi sa iisang kama.

Yes! First time! Alam nyo iyong pakiramdam na sasabog na iyong puso ko sa sobrang kaba. Nahihirapan akong huminga. Hindi ako mapanatag. Napapatulala ako sa kawalan pero hindi ako makatulog. Noong nais na talaga ako, mabilis akong tumayo at naglakad papunta sa balcony. Magpapahangin muna ako hanggang sa antukin ako.

Nakapangalumbaba ako doon. Nakatitig sa dagat. Maingay ang hampas ng alon, nakakarinig lamang ako ng ibon. Malamig ang hangin, sumasabay sa alon ng hangin ang buhok ko kaya agad ko itong hinawakan gamit ng isang kamay. Ilang beses akong bumuntong hininga bago kumalma ang sistema ko.

Napapapikit na ang mata ko pero sa tuwing naaalala kong hindi ako nag-iisa, unti-unting nagigising ang diwa ko. Yeah right. Nakakainis. Paano na ako bukas? Mukha na akong tanga. Panigurado ang laki ng eyebags ko bukas.

Napatalon ako sa gulat ng maramdaman ang brasong pumulupot sa bewang ko. Isang yakap mula sa likod. Hinila nya ako papalapit sa kanya. Muling tumibok ng mabilis ang puso ko kaya nahirapan nanaman ako. Hanep na James to oh. Hindi na pinanatag ang puso ko. Ang bilis nanaman.

Naramdaman ko ang hininga nya sa may tenga ko kaya naestatwa ako. Oh hell. Anong gagawin ko? Kinagat ko nang mariin ang ibabang labi ko. Naikuyom ko ang kamao ko. Pumikit ako nang mariin ng bigla syang magsalita.

"Anong ginagawa mo dito? You know you should be sleeping." Napalunok ako bago sumagot.

"Hindi ako makatulog. I-it's my first time sleeping with someone else... In bed." Mahina kong saad. Naramdaman kong pinatong nya ang baba nya sa balikat ko kaya lalong akong hindi mapanatag. Oh sheez. What to do?

"You should have told me." Natigilan ako. "I'll help you fall asleep." Hindi na ako nakasalita. Humigpit ang yakap nya kaya tumitig na lamang ako sa dagat. Seriously, James... What the heck, are you doing? Are you making fun of me? You make me feel uneasy.

Naramdaman ko ang kamay nya sa baba ko bago ako hinarap sa kanya. Nagkatitigan kami kaya dumoble ang kaba ko. Oh bloody hell. Ano na? Sheez. Namamawis na ang palad ko sa sobrang kaba. This is making me feel so uneasy. Nakakainis tong lalaking ito.

Naramdaman ko ang labi nya sa pisngi ko. Nagpakawala ako ng buntong hininga. Sunod nyang hinalikan ang gilid ng labi ko. Lumayo sya bago tumitig sa mata ko. Kinagat nya ang ibaba nyang labi habang nakatitig sa labi ko. What are you doing, James? Lumuwag ang kapit nya sa akin bago ako hinawakan sa may pulso.

"Let's sleep. We need to leave early in the morning." Para akong nadismaya na ewan, I shouldn't be thinking about that. Iyon mismo ang hindi ko maiwasan. Tuwing kaming dalawa lamang, all I can think about is just simply us. Iyong walang Celine, walang ibang tao. It just like before, kung ano ang dati, iniisip kong ganoon din ngayon kaya hindi ako nasasaktan.

Nahiga kami sa kama, nakaulo ako sa braso nya at magkatitigan kami. "Sleep. I'll watch you sleep. Then I'll sleep." Hindi ko alam pero sa puntong iyon, parang ayaw ko nang matulog. Pwede bang magtitigan nalang kami buong magdamag? It's alright, right? Wala naman Celine dito. Walang makakakita. Walang makakaalam.

A Simple Kiss to Pay. [JaDine]Where stories live. Discover now