ASKTP [5] - My Girl.

1.9K 75 1
                                    

Salamat po sa support. Sa readers nito, salamat po. Malapit nang mareach ang 100 reads haha! Enjoy po. XOXO.

IT'S been a week since that incident. It was awkward of course. Hindi ko nga magawang titigan sya sa mata eh. Hindi ako makasalita sa kanya nang hindi nauutal. Parang bigla na lang na may kung anong nagbago sa akin. May sakit na din ata ako sa puso, basta katabi ko si James. Titibok iyon ng mabilis. Kunwari hindi sinasadyang magtama ang tingin namin, titibok muli nang mabilis. Pag hindi sadyang nagtama ang balat namin, nagha-hyperventilate ang sistema ko.

Ilang beses ko nang inumpog ang ulo ko sa locker. Nababaliw na ako! Hindi nyo ba napapansin! I'm doing my stupid mistake again! Argh! Hindi maganda to! Hindi talaga! Ang pagkakamali hindi na dapat inuulit, nasaan ang lesson doon kung uulitin ko lang din? Masasaktan lang din naman ako pero itong puso ko tanga. Sumusubok nanaman!

"Nadine! Ano ka ba? Para kang ewan dyan. Iyong mukha mo problemado, inuuntog-untog mo pa ang ulo mo sa locker mo, mag-wa-walling ka na ba?" Agad kong matalim na tinignan si Izzy. "Peace, babe." Sabi nya bago nag-peace sign. Tumitig sa akin si Tom kaya umayos ako nang tayo.

"Napagtanto nya na kasi ang dapat noon nya pa nagpagtanto. Ayan umaarte ngayon, hindi nya matanggap na nararamdaman nya iyon kay James. Nakaw, Nadine. Kung may gusto ka din sa tao, umamin ka na. Kelan ka aamin? Pag huli na-" Hindi nya natapos ang sasabihin nya dahil tinakpan ko ang bibig nya bago matalim na tumitig sa mata nya. Magkalapit ang mukha namin kaya inumpog ko ang noo ko sa kanya. "Aray!" Tss.

"Manahimik ka! Gusto mo ilaglag kita sa taong gusto mo! Tss. Tumigil-tigil ka. Wala akong hindi matanggap noh! Ako? Magkakagusto kay James? Di oy! Ok nalang na wala akong magustuhan wag lang ang lalaking iyon." Umiwas ako nang tingin sa kanila. Hanep ang Tom na to. Masyadong maalam, ang daming napapagtanto. Napapansin nya kaya ang kinikilos ko. Aish!

"Kung hindi mo matanggap na nararamdaman mo iyon para sa kanya, ibaling mo sa iba. Maghanap ka nang mapagtutuonan mo nang pansin. Doon mo ibaling ang nararamdaman mo. Ayaw mo kay James diba? Maghanap ka nang iba. Simple lang iyan, Nadine eh. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo kakaisip sa mga pagbabago sa nararamdaman mo. Eventually, kung ibabaling mo sa iba. 50/50 chance na maibaling iyan." Tumitig ako kay Tom. Eto naanman tayo sa talking nyang may sense.

"Kung titig ko ang lahat. There will be 45% chance na maibaling mo sa iba iyan. Bakit? Well, syempre hahanapin mo ang nakita mo sa una sa pangalawa. Iyon ang magiging dahilan para mahirapan kang mag-move on." Nanahimik ako don. "There will be 55% chance na hindi mo maibaling sa iba. Bakit mas malaki ito? Simply because, there's no one that's ever the same. James will always be one. Ikaw, ako, si Izzy. Isa lang tayo. There's no other copy of us." Napatitig ako kay Izzy at Tom.

Tama sya, sobrang tama.

"Kaya kung gusto mo pang maagapan iyan? Collect and collect then select. Mamili ka sa lalaking nakikita mo sa paligid, saka ka pumili nang isa." Ngumiti si Tom sa akin. "Saving your heart from heartbreak will be easy for you, but if you fell already... Everything's too late. You won't be able to save yourself from drowning and drowning into the pitch black hole. Only you, yourself can save you from your misery." Tumunog ang bell, sakto sa pagtatapos ng linya nya.

"Tara na." Yaya ni Izzy bago kami hinila papasok sa classroom. Buong klase wala ako sa sarili. Ilang beses akong tinatapik ni Izzy para lang mabalik ako sa kanila. Break time noon hinila ako ni Izzy papuntang Canteen, kasama si Tom na nakasunod lang.

Nakaupo na kami noon ng ilibot ko ang paningin ko sa lahat ng tao. Una kong tinitigan si Tom. Tom is actually good looking. Matalino ito. Package na din sya pero off-limits dahil in love kay Izzy. Nilibot ko muli ang tingin ko sa lahat ng lalaki. Wala sya...

A Simple Kiss to Pay. [JaDine]Where stories live. Discover now