CHAPTER 33 ~ Huehuehue ~

Start from the beginning
                                    

I chuckled. 

At syempre...hindi mawawala ang ever famous niyang kayabangan. Parte na ata ng mga BHO at CAMP agents ang pagiging super HUMBLE nila.

"So..nabawasan na pala ang kagwapuhan mo."-me

"Hindi din. Binawasan ko lang ng konti kasi after a blink madadagdagan na naman ang katangi-tangi kong kagwapuhan."

Tumango-tango na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko bago pa ako tuluyang matawa. Magtampo pa yan eh mukhang seryoso siya sa sinabi niya.

Mas lalo atang lumalakas ang kahanginan niya sa kakatambay kasama nila Wynd at Ice. Pinaglihi ata sa hangin ang dalawang iyon eh. Bilib din ako kay Tita Kat at sa mga asawa nila sa sobrang dami nilang pasensya sa kambal na iyon.

"TAO POOOOOOOOOOOOO!"

"TAO POOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!"

"TAO POOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!"

"Mas mahaba yung akin! TAO POOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!"

"Gaya gaya!"

Kulang na lang ispinin ko ng tinidor si Andreige na napangiwi habang sinusulyapan ang kabibili niya lang na halaman na hindi ko alam kung gaano pa katagal ang ilalagi sa mundong ito dahil murderer ng halaman ang taong to na hindi parin sumusuko sa pag tatry na makabuhay ng halaman.

I dont have any doubts kung sino ang nasa labas dahil kasabay ng ingay ng dalawang tao sa labas ay may nagsalita sa isang aparato na malamang ay mega phone ni Craige. Yep...may mega phone na sila ni Warren para sa makukulit na agents. Yung whistle na lang daw ang para sa mga chikiting.

"SCATTER AWAY TWINS. IM WARNING YOU. ISASAKAY KO KAYO NG EROPLANO AT IHAHAGIS SA KUNG SAAN MANG PLANETA."

"Cool!"

"Sky diving, bro!"

"Tongek ka Ice, Planet Diving ang tawag don. Huehue."

"Ang corny mo, bro. Tigilan mo nga yang kahuhuni mo."

The Camp: He's My Secret Agent Bodyguard (Book 5)Where stories live. Discover now