CHAPTER 33 ~ Huehuehue ~

Magsimula sa umpisa
                                    

Naiiling na hinayaan ko na lang siyang alalayan ako hanggang makarating kami sa dining area. Lumipat muna kasi kami ni Andreige sa kwarto dito sa baba para hindi na ako mahirapan mag akyat panaog.

Tumaas ang kilay ko ng makita ko ang hinanda niyang breakfast. Simple meal lang iyon pero malaking improvement na pagdating kay Andreige. Walang tiyaga yang taong yan sa mga ganitong bagay eh.

Magaang hinalikan ko siya sa pisngi bago ako umupo.

"Gusto kong lumabas mamaya."-me

"Dear-"

Tinignan ko siya ng masama. Napakamot siya sa batok niya at napabuntong-hininga na lang. Though I really love him minsan talaga tinatamaan ng pagiging overprotective iyan. I understand...it's just that gustong-gusto ko na kasing lumabas.

Ilang araw narin akong hindi nakakakita ng ibang tao maliban kay Andreige...not that I'm complaining. Nabuburo lang ako masyado dito sa bahay.

"Saglit lang tayo."

I beamed at him. See? Hindi ako matitiis niyan.

Ngiting-ngiti na sumubo ako ng pancake na nasa lamesa. Napangiti narin si Andreige na hinawi pa ang ilang hibla ng buhok ko na tumatabing sa mukha ko.

"Pretty."

"You know..hindi mo na ako kailangan bolahin. Hindi ako maganda...not when I look like a bloated fish."

Hindi natatanggal ang ngiti na pinunasan niya ang crumbs sa gilid ng labi ko. I rolled my eyes at him. The way he looks at me, its like he's telling me that I'm the most beautiful woman in the world.

"You're beautiful then...but you're beyond extraordinary now. You have a lovely flush on your cheeks, your skin glows beautifully and you're carrying the greatest gift a woman can give to his man."

Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang mga luha ko.

Stupid tears.

Pregnancy will do that to you. Lagi na lang akong emotional and most of the time irritational. But Andreige was with me through it all. Hindi niya ako pinabayaan kahit na sobrang sungit ko na sa kaniya.

"Kain na. Sayang ang extrang kagwapuhan na ibinigay ko sa pagluluto ng mga iyan."

The Camp: He's My Secret Agent Bodyguard (Book 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon