Chapter 30.1

27.2K 332 83
                                    

CHAPTER 30.1

 

 

 

[Emieleen’s POV]

 

 

 

“Kailangan ko pa ba talagang manligaw?” tanong ni Kean.

“Oo nga sabi eh.” Sagot ko naman. “Hindi naman porket gusto na natin ang isa’t-isa ay pwede na maging tayo agad-agaran.”

Naglalakad kami ngayon sa may beach nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

Kinilig ako, konti lang. Pero hindi ko pinahalata. First time ko lang kasing maka-experience ng ganito eh. XD

“Tsaka isa rin yun sa mga way para ipakita mo sakin yung effort mo noh.” Tuloy ko pa.

“Hmm, sige na nga,” sabi niya. “Liligawan na lang muna kita. Pero  hindi yun dahil sa gusto kong maging tayo. Liligawan kita kasi gusto kong ipakita sayo kung gaano kita kamahal. Mag-effort lang ako para mapasaya kita.”

“Sus, eh paano kung mainip ka sa kakahintay sakin?” tanong ko.

Posible naman yun diba? Lahat naman ng tao hindi kayang maghintay forever. Kaya ang kadalasan ng nangyayari, bumibitaw sila.

“Kahit gaano pa katagal, Emi, okay lang. Liligawan pa rin kita. Kahit tayo na, liligawan pa rin kita.” Nakangiti niyang sabi.

“Talaga lang ha?” pabiro kong sabi. “Eh…paano kung magsawa na ako sayo?”

“Edi, sabihin mo sakin kaagad. Para alam ko kung kelan kita liligawan ulit.

“Eh paano kung, may mahal akong iba?”

Sobra na ba akong magtanong? XD Feeling ko kasi, masyado na ako madaming tanong. Baka makulitan na siya sakin.

“Edi ile-let go kita. Pipiliin ko kung saan ka masaya, kahit na masakit para sakin.”

Napangiti ako.

Sana nga totoo yung mga sinasabi niya.

Virginity ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon