Chapter 03

50K 512 23
                                    

Emieleen

Biglang umukit ang isang ngiti sa mga mukha ni Kean nang marinig niya ang mga sinabi ko. “Really? That's nice!”

Ano bang nakakatuwa sa sinabi ko? I mean, ano bang nakakatawa tungkol dito sa ginagawa namin? Bakit ang saya-saya niya? Seryoso ako dito.

“You know what? You're funny.” sabi ni Kean. “Pinag hintay mo pa ako ng halos isang linggo tapos bibigay ka rin pala.”

Oo na, sige na, ako na ang nag-inarte. Pero ayoko namang mag-feeling ‘tong lalaking ‘to na gustong-gusto ko makipag-ano sa kanya ‘no! Ginagawa ko lang ‘to para kay Mama, mahal ko kasi siya to the point na gagawin ko to sa sarili ko. Para lang makumpleto pa ang buhay niya.

“Pero bago lahat ng yan, eto.” inbot ko sa kanya ang isang papel.

“What's this?”

“Aba eh ‘bat di mo kaya tignan?”

Binuksan ni Kean ang papel at binasa ang nakasulat dito. Bigla namang kumunot ang mga noo niya nang mabasa niya ito. Alam niyo ba kung ano ang nakasulat dun? Syempre ang Virginity List ko na naglalaman ng:

The V List:

1. Get drunk.

2. Kiss someone under the pouring rain.

3. Ride on a Roller Coaster.

4. Be the school veledictorian.

5. Have a dinner date on a very special and unique place.

6. Go to camping with someone.

7. See my mother's very sweet smile.

  

“Para saan naman ‘to?” naguguluhang tanong ni Kean.

“A-ano kasi, out of nowhere, nung bata pa ako, nagawa ko ‘yan. May mga goals kasi ako sa sarili ko at sabi ko, gusto kong bago mawala yung ano ko, nagawa ko na muna lahat ng bagay na gusto kong gawin. Ayoko kasing may pagsisihan ako.” paliwanag ko naman.

Korni na kung korni, pero sorry naman. Lahat naman tayo ay j3j3 nung mga bata pa tayo diba? 

“Eh anong gusto mong gawin ko dito?”

“Well, since pumayag na ako sa gusto mong makipag-ano sayo, sana naman mapag-bigyan mo ako sa hiling ko.”

Umaabuso na ba ako? Sana naman hindi pa masyado. Kasi naman, masyadong malaking bagay yung hinihingi niya sakin eh. 

“Oo nga. Ano nga kasing gusto mong mangyari? Just get to your point!” naasar na tanong niya.

“P-puwede bang bago ko gawin lahat ng inuutos mo, eh i-accomplish ko muna yang Virgjnity List ko?” pagpapaalam ko. “I mean, puwede bang gawin ko muna lahat ng nakasulat diyan bago ako makipag-One Night Stand sayo? Please?”

Tinignan niya muna ako ng mabuti. “Whatever.” Inirapan niya nalang ako.

Nakahinga naman ako ng maluwag doon sa sinabi niya. “Oo nga pala, pwede bang tulungan mo ako dito? Like, tulungan mo akong i-accomplish lahat ‘to.”

 Natigilan siya sa sinabi ko. 

Umaabuso na nga yata ako. Una, kailangan ko ng pera. Pangalawa, tatapusin ko muna ‘tong list ko. Third, magpapatulong ako sa kanya sa pag-accomplish nito. Sobra na ba?

“Sorry, alam ko makapal mukha ko kasi ang dami kong request, pero....please?”

Tumingin siya sakin at halatang naiirita na siya. Napakamot siya ng ulo niya at sinabing, “Ano ba ‘to ha? Hay nako!” Kinuha niya yung papel at binasa ito.

“Get drunk?” binasa niya yung number one. “Hindi ka pa nalasing?”

“Ah-hehe. Hindi pa.” nahihiya kong sagot. “Hindi ko ugali ang mga ganung bagay. Mabait kasi ako.” at nagpaliwanag pa ako sa kanya.

Inirapan niya na lang ako. “Number 2. Kiss someone under the pouring rain? ‘Bat naman? Ang korni!”

“Eh sorry naman. Kasi nga bata pa ako nung sinulat ko pa yan diba? Tsaka, nakakapanood ako ng ganyan sa TV. Parang ang sweet tignan.” paliwanag ko habang naka-ngiti. Oo nga, alam ko ngang korni ‘yon. Pero halos lahat naman yata ng babae ay gusto yung maranasan di’ba?

Naiirita akong tinignan ni Kean at ibinalik ulit yung tingin sa papel. 

  

“Number 3. Ride on a rollercoaster? Di ka pa nakasakay dun?!”

“Hindi pa. Kasi takot ako sa heights. Yung number 4 naman, Be the school Valedictorian, eh kasi palagi nalang akong Salutatorian eh nakakasawa na. Tsaka mas proud sa akin si Mama kapag naging Valedictorian ako ‘no!”

Pinaliwanag ko sa kanya ang bawat number sa list ko. At sa buong pagpapaliwanag ko, hindi nawala sa mukha niya ang naka-kunot na noo. Sobrang naguguluhan siya, hindi ko alam kung bakit. Naipaliwanag ko naman lahat ng maayos eh.

“Ang dami mo rin palang alam na arte, ‘no?” sabi ni Kean.

Halatang-halata sa mukha niya na naiinis na siya. Joke lang, ako yata yung mas naiinis sa kanya eh. “Ang yabang mo alam mo ‘yon?”

“Hoy, ikaw na nga ang may kailangan tapos ikaw pa ang may ganang magreklamo? Wow lang ha!”

“Hoy din. Malaking bagay ang kukunin mo sa akin kaya dapat madaming kapalit!”

“Aba. Malaking bagay ang kukunin ko sayo? Tch. Eh sa’kin? Malaking halaga ang kukunin mo sa akin! Isang daang libo at buhay ng nanay mo ang ibibigay ko sayo, ineng!” pinitik niya ako sa noo at naglakad na papalayo at iniwan ako doong nakatunganga.

Teka, gagawin niya ba yung list ko o hindi? Huhu, hindi ko tuloy alam kung ano ba yung sagot niya. Hindi kasi kami nagkakaroon ng matinong usapan eh!

Virginity ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon