Chapter 31

24.5K 368 79
                                    

CHAPTER 31

 

 

[Emieleen’s POV]

 

 

 

Nandito ako ngayon sa kwarto namin (ni Marvelous), nag-iimpake na. Mamaya kasi ng gabi, aalis na kami dito sa resort. Malapit na kasing matapos ang Sembreak eh.

Haaaay. ‘Bat parang ang bilis masyado?

Narinig ko ang pagbukas ng pinto, kaya naman tinignan ko kung sino yung pumasok. “Marvs…” sabi ko.

Hindi niya ako pinansin at seryoso siyang naglakad papalapit sa akin. Nagulat nalang ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit.

“A-anong meron…”

Hindi niya nanaman ako sinagot pero nanatili siyang nakayakap sa akin. Ano ba talagang meron? Bakit siya ganito?

“Wala naman,” kumalas na siya sa pagkakayakap. “Alam ko lang kasi na kailangan mo talaga nun ngayon.”

Ngumiti nalang ako, “Salamat.”

So, ibig sabihin, alam niya na yung nangyari? Alam niya na kaagad yung tungkol kay Nathasia? Alam niya na kaagad yung nangyari sa amin ni Kean?

Teka? Asan pala si Kier?

** 

[Kier’s POV]

 

 

Mabilis akong naglakad papunta sa kung nasaan si Kean ngayon. Wala na akong pakelam kung sinong mga kasama niya o ano. Basta ang kailangan ko lang ngayon ay si Kean.

Pagbabayaran niya ‘tong pananakit niya kay Emi.

 

 

Nang makita ko na siya, agad akong lumapit sa kanya at hindi na nagdalawang isip pang suntukin siya sa kanang pisngi niya. Napa-upo siya sa sahig, dahil na rin siguro sa biglaan kong pagsuntok sa kanya.

Napatingin siya sa akin ng gulat na gulat. “K-Kier…”

Virginity ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon