Chapter 14

38.4K 354 25
                                    

-       Emieleen’s Point of View - 

Nagising akong bigla dahil sa liwanag na galing sa bintana. Umaga na pala. Bumangon ako sa pagkakahiga at kinusot ang mga mata ko para mas makakita pa ko. Ansakit ng ulo ko.

 Teka? Ano palang nangyari kagabi? Wala na akong maalala. Ang alam ko lang, kasama ko si Kean. Nag-usap kami, nalasing ako....at boom. Hindi na ko virgin.

Wait, sa totoo lang, yung part na lasing lang ako lang yung naaalala ko. After nun....wala na. 

Pero kahit anong isipin ko....wala na.

Wala na yun eh. Wala yung pinaka iingatan kong bagay. Yung big V. Pero sa totoo lang, sinadya kong malasing bago niya gawin yun eh. Para wala akong maalala. Para kahit papano, mawala ako sa sarili ko at, basta.

Nasa kwarto pa rin pala ako ni Kean. Himala, may damit pa rin ako. Hmm? Binihisan niya ba ako? Eh? Hindi naman siguro?

Dumiretso agad ako sa CR para maghilamos at mag-toothbrush. Oo, nahihilo pa rin ako pero syempre kailangan ko ring pumunta sa banyo! Nung naghihilamos ako, napatingin ako sa reflection ko sa mirror.

 Kahit ako, iba na ang tingin ko sa sarili ko. Kahit ako, nawalan na ng respeto sa sarili ko. Wala na eh. 17 years kong iningatan, mawawala lang din pala ng ganun.

Nung makalabas na ako sa Cr, napansin kong may pera dun sa side table ng kama na hinigaan ko kanina. Kahit papano, napangiti pa rin ako. Tinupad niya nga yung deal namin.

Teka, nasaan na pala siya? Nasaan na pala si Kean?

Niligpit ko muna yung kama bago bumaba sa labas para hanapin siya. Syempre nakakahiya naman, nakitulog na nga ako dito tapos hindi man lang ako maglilipit. Nung tapos na kong magligpit, bumaba na ako.

“Ate,” tawag ko dun sa maid nila. “Si Kean po?”

“Ahh eh...” hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Parang nag-aalangan siya. “Umalis siya at s-sabi niya, wag ko nalang muna po ipaalam sa inyo kung saan siya pupunta.”

“Eh? Ganun po ba?” Bakit nanaman? May plano nanaman ba yun?

Pagkatapos nun, bumalik ako sa hospital para ipaalam sa Doctor ni Mama na i-handa na yung operation. Natutuwa lang ako, at last, ma-ooperahan na rin si Mama. Magiging maayos na rin ang lahat. 

“Emi, anak.” tinawag ako ni Mama.

“Po?”

 

“Saan mo naman nakuha yung pera na gagastusin natin dito? Diba masyadong malaki yun para makuha mo sa madaling panahon lamang?” Naagulat ako sa tinanong ni Mama.

Virginity ListWhere stories live. Discover now