“Edi sayo na lang, ganyan ka ba talaga kapakialamera?” sabay sabi niya.
Aba aba. Nakakapikon na talaga siya ah! Anu bang klaseng nilalang tong kaharap ko? Bato ba toh na tinubuan ng tao?? Wala talaga siyang puso. Naaawa lang talaga ako dun sa girl na nag effort sa kanyan nun.
“Napakasama mo. Wala kang kwentang bigyan ng mga gamit. Masasayang lang ang puso ng mga babae saiyo.”
Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko naiiyak na ako. Hinawakan ko yung kamay niya para ipahawak sa kanya ng sapilitan yung sulat at mga chocolates.
“Hindi ko hiningi ang puso na yan. At wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan.” Tinabig niya ang kamay ko at umalis na.
Susundan ko sana siya kaso sa pinaka swerteng situasyong ay natapilok ako. Napaluhod ako at natapon ang mga chocolates at yung letter.
T___________T
Naiiyak na talaga ako.
“Ay si Ate, nabasted ata ni Prince Marco,” narinig kong ung nag uusap na babae sa may likod ko.
Arghh!!! Halimaw talaga yung lalaking yun! Hindi siya prinsipe! Isa siyang Halimaw!! Napagkamalan pa tuloy akong manliligaw ng halimaw na yun! Kinamumuhian ko talaga siya katulad ng pagkamuhi ko sa Algebra!!!! argH!!
Siyempre nakakahiyang eksena yun kaya naman bumangon na ako sa pagkakadapa ko at nagmadaling kunin ung bag ko sa library. Napatingin ako sa orasan ng library.
5PM. Sakto. Uuwi nlng ako at lalaruin si Jin. Magssearch narin ako para kantahin sa fri sa Tea House.
Ang galing talaga manira ni Monster Marco ng araw! Perfect!
Kalalabas ko lang ng building namin at ngayo’y [atawid ng school grounds para makalabas ng School ng biglang bumalandra na naman sa akin ang mukha ng halimaw na prinsipe na yan!
“Akin na number mo.” Malumanay na tanong niya pero hndi siya nakatingin sa mga mata ko.
“ANO??” nagulat ako sa sinabi niya.
“Akin na number mo. Bingi ka ba??” ayaw parin mag register utak ko yung sinasabi niya.
“Cellphone mo??’ d ko lam kung bakit NR (no reaction) parin ako sa lahat ng mga sinasabi nia.
Maya-maya’y may kinukuha siya sa bulsa ng palda ko.
“ANU BA NAKIKILITI AKO!” at voila!! Nakuha niya ang cellphone ko.
May dina-dial cia.
“ahh teka—“ ibinalik nia kagad yung cellphone ko. Nakiki Misscall pa tong lalaking toh, mayaman naman toh sa pagkakaalam ko!!
Tumalikod siya bigla nung pagkabigay niya sa akin ng cellphone nia. Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla ciyang napalingon ulit.
“I-save mo yang number ko para kung may ipag uutos ako sayo, slave” tas ibinaling nia ang tingin nia sa nilalakaran niya.
Nung naglakad na si Marco papalayo, bigla akong kinuyog ng mga babaeng nakarinig ng usapan namen. Pilit na kinukuha yung number ni Marco. Waaaa
Kailangan ko nang tumakas.!!!
6:30PM na ng makauwi ako sa bahay namin. Grabe sobrang lapit lang ng bahay namin dito pero ginabi ako. Pano tinakasan ko pa yung mga babaeng nangunguha ng number ni Marco.
Amfness.com talaga!
Sa wakas makakapag pahiga na rin. Tumawag yung Dad ko ngayon. Kwento dito. Kwento roon. Kinuwento ko yung part-time ko sa Tea House at sabi niya eh sobrang proud daw talaga siya sa akin. Hekhek.
Kinuwento ko rin ang biglaan kong pagsali sa Performing Arts. Proud daw cia at expected daw nia na mapapasali daw tlga ako dun dahil mana daw ako sa kanya. Nyahaha!! Si Daddy talaga oh.
At kinuwento ko rin naman yung tungkol sa pagpapahiya sa akin ng Halimaw na prinsipe ng school namin nang hindi lang isang beses ngunit sandamakmak na beses na akong napapahiya nang dahil lang sa kanya!
Argh! Sorbrang naiinis talaga ako sa lalaking yun. Sungit. Presko. Ai Ewan. Nagulat nalang ako nang natatawa na sa kabilang linya yung dad ko.
Hindi ko namalayan na sobra na pala ang pagrereact ko. Wahaha sa daddy ko lang talaga nalalabas lahat ng emotions ko eh. Napaka galing na listener kasi siya. At pag nsasabi ko sa kanya ang lahat, gumagaan kaagad ang pakiramdam ko. :)
“Cge dad, maaga pa yung class bukas eh, matulog ka na ah? At yung niluluto mong noodles, malalata na yan! Ahaha”
Alam kong nagluluto siya ng noodles kasi kumukulo na naman yung background niya. Haay, kung kasi tinatanggap na ulit ng lolo ko c Dad edi dapat nakakakain siya ng tunay na pagkain dito. Tsk. Tsk. Tsk. Miss ko na talaga siya.
A/N: Guys Comment lang kayo kung may mga reactions, suggestions kayo ah? malay mo maisingit natin sa plot :) at kung nagustuhan niu ung chapter, dont hesitate to Vote :) salamat!
hearts,
Rina
YOU ARE READING
Strings Attached
RomanceGaano kahaba ang span ng paghihintay mo? Sa paghihintay sa pila Sa paghihintay ng masasakyan na bus Sa paghihintay sa kaibigang may naiwan kaya kailangang bumalik sa school Sa paghihintay ng pinaka espesyal na araw mo sa buhay mo o miski paghihintay...
Chapter 5: Prinsipeng Halimaw
Start from the beginning
