HUWAT!!??
Ibibigay niya dito sa halimaw na toh?!
Inilagay niya ang mga chocolates sa may ulunan ni Marco kasi nga nakatungo si Marco tas nakatagilid yung mukha niya. Yung kaliwang pisngi niya eh nakasalampak sa mesa at yung kanang kamay niya eh ay naka-extend at yung kaliwang kamay niya eh nakahawak sa panyo na ipantatakip niya sa bibig niya.
Siguro tulo laway siya kung matulog kaya nakatakip yung panyo na yun! Nyahaahahha!! Sama ko noh? Cge na batukan niu na ako! Ahaha
Tumatawa ako ng mahina habang napapansin ko yung babae eh sinisingit yung letter sa kamay ni Marco na naka extend.
Gumagalaw ang kamay niya. AGUYY!! Wag na wag kang magigising!!
Nung gumalaw yung kamay nia, bigla namang tumakbo papalabas ng library yung babae. Hanep talaga ang eksena!
Please Please Please... wag na wag kang magigising!!
At dahil mahal ako ni God, ayan nagising na nga ng tuluyan si Marco. Napatingin siya sa kamay niyang may hawak ng letter.
Napatingin din siya sa akin.
Ngumiti siya ng nakakaloko.
Bigla akong nilamon ng lupa.
At hindi na ako nakita ulet.
At syempre joke lang ung last two na pangyayaring inilista ko. Wahahaha
Anak ng Teteng talaga yang lalaking yan! Kailangan kong magsalita! Kailangan kong i-defend ang sarili ko.
“Hindi sa akin galing yan. Sa fan girl mo, lumabas na ng library” nag explain naman daw ako.
Walang salitang umalis siya sa kinauupuan niya. Iniwanan niya ang mga chocolates na binigay sa kanya at yung letter na feeling ko eh pinaghirapan tlga ng babae.
Naiinis ako kasi nga nag effort talaga yung girl para mabigyan niya lang ng magandang present si Marco pagkatapos eh gaganyanin niya lang. Kaya agad akong tumakbo at sinundan siya na dala dala ko yung mga chocolates at yung letter.
“HOI. MANHID KA BA AT WALANG PUSO? PATI MGA BINIBIGAY SAYO NG TAO EH BINABALIWALA MO??” galit na galit na sabi ko sa kanya. Hindi ko na talaga kasi mapigilan ung sarili ko eh.
Npatigil siya ngunit hindi naman niya ako nililingon.
DU LIEST GERADE
Strings Attached
RomantikGaano kahaba ang span ng paghihintay mo? Sa paghihintay sa pila Sa paghihintay ng masasakyan na bus Sa paghihintay sa kaibigang may naiwan kaya kailangang bumalik sa school Sa paghihintay ng pinaka espesyal na araw mo sa buhay mo o miski paghihintay...
Chapter 5: Prinsipeng Halimaw
Beginne am Anfang
