Nakasandal lang ako sa wall habang nakatingin sa magkapatid na Cherish at Chester habang nag uusap . Si Royce naman ay tulog pa rin . Andito kami ngayon sa ospital kasi kanina nagtext si Cherish kay Chester at pinapakiusapan daw ito na kung pwede ay mabantayan muna nito si Royce dahil uuwi lang sya saglit para kumuha ng bagong damit at dadaan na rin daw ito sa apartment ni Chester para ikuha ito ng sariling pampalit na damit . Hanga ako sa tindi ng pagmamahal ng batang ito kay Royce .

Nang makaalis na si Cherish at matapos pagbilinan si Chester , lumapit ako dito .

“Oh , bakit nakasimangot ka ?” tudyo ko sa kanya .

Nakaupo ito sa silyang mahaba at busangot ang mukha .

“Naiinis kasi ako kay Ate . Ang tanga nya talaga . Habol pa rin sya ng habol sa palakang ito e hindi nga sya pinapansin . Nasasaktan lang sya e ! Tapos , sya pa yung nag aalaga dito ngayon !”

Tumabi ako sa kanya at isinandal ko ang ulo ko sa wall tapos lumingon ako sa kanya .

“Chester , bakit ba ang laki naman yata ng galit mo sa taong ito ? Hindi naman daw nya sinaktan ang Ate mo noon . Natry mo na bang pakinggan ang side of his story ?” sabi ko .

Nagpout lang ito lalo at saka humalukipkip . “Kuya , hindi mo naman ako maiintindihan kasi wala ka pa nung mga panahong yun ! Hindi ka pa namin kilala . Kaya pwede ba , wag ka nga basta-basta maglahad ng opinion mo kasi hindi ko kelangan !”

Nagulat ako sa biglang pagsigaw nito . Mejo naapektuhan ako sa pagsigaw nya sakin . Ngayon ko lang nakita itong magkaroon ng ganitong klase ng mood . Bakit ba galit na galit sya ?  

“Ok . Sorry .” yun lang ang sinabi ko at tumayo na ako . Lumabas muna ako ng room ni Royce kasi parang biglang sumikip ang dibdib ko sa mga sinabi nya sa akin .

Pasensya ha , wala pa kasi ako nung time nay un ! Sorry kung nagbibigay ako ng unsolicited opinion ! Badtrip !

Inis na inis na sinipa ko ang nadaanan kong basurahan . Umupo ako sa isang bench at yumuko .

“Bakit ka po umiiyak ? Galit ka po ba ?”

Napalingon ako sa isang batang maliit na kalbo at may hawak hawak na cap . Nakaupo ito malapit sa akin at naka hospital gown ito . Siguro ay may cancer ito . Kawawa naman .

Ngumiti ito sa akin at lumapit . “Akala ko naiyak ka po e . Ako po si Cielo . Ano pong name mo ?”

Ngumiti na rin ako ng bahagya sa pagkabibo ng bata . “Ice . Ako si Ice .”

“Wag ka na pong malungkot at magalit ATE Ice . Maganda ka po kasi pala lalo pag naka smile ka . Tamo , ang ganda mop o lalo kasi nakasmile ka ngayon .” sabi nito na ikinagulat ko .

“Alam mong babae ako ?” tanong ko sa kanya .

The Ice Breaker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon