18

134 14 2
                                    

Dedicated to preciousgeneration . Thank you for following me :)
HAPPY READING

-----;
Taeyeon's POV

Nandito kami ngayon sa bahay slash dorm namin. Sabado nang hapon ngayon eh kaya pahinga muna kami.

Busy masyado ang mga lukaret. Nasa living area kami ngayon. Kanya kanya nang ginagawa.

"Mukhang masarap kumain nang ice cream ngayon."pagpaparinig ko sa kanila.

"ICE CREAM? WAHHH!"sabay na sigaw nila Yoona at Sooyoung.

"Oo nga Taeng. Mukhang masarap"sabi ni Tiffany.

"So sino ang bibili?"tanong ko sa kanila. Agad naman silang nag-iwas nang tingin sakin.

"Tiffany samahan mo ko."sabi ko kay Tiffany. Sigurado naman akong hindi niya ako matatanggihan.

"Sorry Taeyeon. Busy ako. Naghahanap pa ako nang magagandang dress sa IG"sagot niya.

Tinanggihan ako ni Tiffany? Bago yun ah.

"Sicachu! Samahan mo naman ako sa supermarket. Please."sabay yugyog sa kanya. Nakahiga kasi siya sa sofa ngayon pero hindi natutulog.

"Please Taeng. Pagod ako. Next time nalang."tanggi niya.

"Akala ko ba bestfriend tayo?"sabi ko.

Tinanggihan din ako ni Sica? Wa epek na ba ang charm ko.

"Taeng sa iba ka nalang magpasama. Wala akong gana gumala ngayon"Jessica.

"Sino sasama sakin?"sigaw ko.

Ni wala man lang sumagot. Kahit man lang 'Wala' walang nagsalita.

"Okay  fine! Ako nalang ang bibili"boluntaryo ko.

Kinuha ko naman ang wallet ko. Saka naglakad palabas nang bahay.

"Unnie! Chocolate ha."sigaw ni Sooyoung.

"Vanilla unnie!"sigaw naman ni Yoona.

"Ube please."Sunny.

Ako na nga tong bibili demanding pa sila sa flavor. Ibang klase talaga!

Fastforward

"Lintek naman oh!"mura ko.

Kakalabas ko pa lang nang supermarket nang bumuhos ang ulan.

Nakabili na ako nang ice cream. Mango ang flavor na pinili ko. Mango kasi parang Taenggo.

"Taeyeon?"napalingon naman ako sa tumawag nang maganda kong pangalan.

"Baekhyun?"

Anong ginagawa niya dito?

"May payong ka ba?"tanong niya sakin nang makalapit na siya.

"Wala nga eh."

"Hindi ko nga din nadala ang sasakyan ko. May payong sana dun sa compartment."sabi niya.

"Ito lang ang maaalok ko sayo"Baekhyun.

Hinubad niya ang jacket niya saka nilagay ito sa ulo ko.

"Hindi na kailangan no. Saka titila na din to maya-maya."pagtatanggi ko.

"Kapag hinintay mo pang tumigil ang ulan baka matunaw pa yang ice cream na dala mo."saad niya.

Oo nga pala! May ice cream akong dala.

"Tumakbo nalang tayo papunta dun!"sabi ni Baekhyun sabay turo sa isang waiting shed.

Wala na akong nagawa. Nagshare kami sa jacket niya.

The Love That Got Away (EXOSHIDAE)Where stories live. Discover now