12

160 17 1
                                    

Seohyun on the MM. Maknae Saranghae♡

HAPPY READING!

-------

Luhan's POV

Nandito kami ngayon sa bahay nila Baekhyun. Wala ang parents niya eh may business trip kaya siya lang at mga katulong nila ang natira. Sunday naman kaya sinamahan na namin siya.

Iniisip ko pa rin ang nangyari kagabi. Hindi yung nagkaroon nang bugbugan. Yung kiss. Napabuntong hininga na lang ako.

"Lalim nun hyung ah."sabi ni Baekhyun.

"May problema ka ba Luhan?"tanong ni Xiumin sakin.

"Wala! Inaalala ko lang ang mga mukha natin. Nabahiran na nang mga pasa. "pagbibiro ko.

"Mawawala din to hyung."sabi ni Chanyeol na hawak-hawak ang kanyang gitara.

"Buwiset na Donghae na yun. Nawala yata ang makinis kong mukha."inis na sabi ni Sehun.

"Ano ba kasi ang pumasok sa isip mo Baekhyun at pinatulan mo pa si Henry? Alam mo namang kasama sila sa gang war diba? Paano pagniresbakan tayo?"nag-aalalang tanong ni Chen.

"Mali kasi ang ginawa niya. Kahit kanino niya pa gawin yun ipagtatanggol ko talaga. Atsaka wala akong pakialam kong kasali sila sa gang war."sagot ni Baekhyun.

"Ang sabihin mo si Taeyeon ang dahilan."cold na sabi ni Kris na tinitignan ang kanyang mukha sa salamin. Masyado talaga siyang conscious sa face niya. Kanina pa siya sa harapan nang salamin eh.

"Mababasag na ang salamin niyan hyung. Kanina pa mukha mo ang nakikita."pang-aasar ni Tao kay Kris

Gago!"binatukan naman ni Kris si Tao.
"Hindi Kris hyung noh. Naiinis lang kasi ako sa mga lalaking bastos."sagot ni Baekhyun sa kanya.

"Sir Baekhyun ito na po ang beer na pinabibili niyo."saad nang maid nila. Nilagay naman niya ito sa mesang nasa harap ko.

Nang tignan ko ang mukha nagulat nalang ako nang makita ko si... Seohyun? Anong ginagawa niya dito? Maid na ba siya nila Baekhyun?

"Seohyun?"mahina kong sambit.

Pinikit ko ang mga mata ko. Baka namamalik mata lang ako. Pagkadilat ko ay hindi pala si Seohyun. Aish! Ano na bang nangyayari sayo Luhan. Paanong magiging si Seohyun yan eh may edad na yan atsaka hindi magiging maid si Seohyun noh.

"Anong Seohyun?"nagtatakang tanong ni Kai. Shit! Narinig nila.

"Oo nga hyung. Hindi naman Seohyun pangalan nang maid namin ha."sabi naman ni Baekhyun.

"Ikaw hyung ha. Anong meron sa inyo ni Seohyun?"nakangising tanong ni Sehun.

"Anong anong meron? Wala noh! Atsaka wala naman akong sinabing Seohyun ah."pagpapalusot ko.

"Tss. In Denial. Kahit nga ako narinig ko yun eh."singit ni Lay. Gising pala ang loko kala ko nasa dreamland na.

"Ano bang pinagsasabi niyo. Akala ko lang si Seohyun yung nakita ko kanina. Yun lang. Tapos!"sagot ko. Bigla naman silang tumawa nang malakas.

"Ibig sabihin nakikita mo ang mukha ni Seohyun sa maid nila Baekhyun? Hyung! Iniisip mo siya noh?"nakangising sabi ni DO.

"Ewan ko sa inyo!"asar kong sagot.

"Oy! Luhan iniisip si Seohyun."nakisabay naman si Suho sa pang-aasar nila.

"Hindi noh. Atsaka bakit ko naman siya iisipin?"saka ko ininom ang beer ko.

"Aba malay namin! Pero hyung nakita namin kayong magkasunod na pumasok ni Seohyun kagabi. Base sa mukha niya parang may nangyaring exciting."sabay akbay sakin ni Chanyeol.

The Love That Got Away (EXOSHIDAE)Where stories live. Discover now