II

301 27 26
                                    

Girls' Generation on the Multimedia. Our queens! The queens of kpop <3. Well they really are. Super pretty! I Miss Jessica but let's still support them.

Typo Errors are coming! Pasensya napo mahirap mag-edit eh. Lovelots

------

Taeyeon's POV

Ang aga ko naman gumising. Alas 5 palang. Hay nako! Balik muna ako sa pagtulog. Hindi masyadong mahimbing ang tulog ko eh. Pano ba naman, napanaginipan ko ang nangyari three years ago. Lintek naman oh! Bakit yun pa. Binangungot tuloy ako.

"Hoy Taeyeon!!! Ano ba buksan mo na to. Malalate tayo nito oh!"nagising nalang ako nang biglang may sumisigaw sa labas nang kwarto ko. Pagkatingin ko sa orasan.

"The Heck!" paano ba naman alas siyete na. Agad akong pumasok sa banyo ko upang simulan ang aking mga ritwal. Biro lang, maliligo na ako.

Matapos kong maligo ay bumaba na ako. Nakita ko naman silang nakaupo sa sofa namin. Halata sa mukha nila na kanina pa sila naghihintay.

"Mas nauna pa akong nagising sayo."cold na sabi ni Jessica.

"Ngayon lang noh!"sagot ko.

"Akala ko hindi ka pa bababa. Kanina pa kaya ako sumisigaw sa labas nang kwarto mo."saad ni Tiffany. Siya pala ang sumisigaw kanina. Nagpeace sign naman ako sa kanila. Kaloka! Halos ako ang nagagalit sa kanila pag matagal gumising at mabagal kumilos. But now, baliktad na yata ang mundo.

"Stop na girls. Let's go na. Baka mahaba pa ang pila sa enrollment."singit ni Sunny.

Lumabas na kami sa aming dorm at sumakay sa aming limousine. May driver kami. Pero hindi siya stay-in.

Habang nasa biyahe kami. Sobrang tahimik. Si Jessica tinapos niya ang unfinished business niya. Ano pa ba? Edi ang matulog. Si Tiffany at Sunny naman busy sa kanilang mga cellphone. Si Seohyun at Yuri nagbabasa nang libro. Talaga namang gustong gusto nilang magbasa ngayon. Si Yoona at Sooyoung nag-uusap at nagtatawanan pero sila lang ang nakakarinig. Si Hyoyeon naglalaro sa kanyang tablet. Habang ako, eto nagmumuni.

Hindi ko alam kong makikita ba namin sila ngayon o hindi. Basta ang alam ko tatlong taon na naming pinaghandaan ang aming pagkikita.

"Were here!" sabi ni Yoona. Siya ang unang lumabas sa limousine at sumunod naman kami.

"Whoah! I miss this school so much."saad ni Seohyun habang finefeel ang hangin.

"Nakatungtong na ulit tayo dito."nakangiting sabi ni Yuri. Hindi naman ganun kalaki ang pinagbago. Siguro yung kulay lang nang ibang building at gate.

Pumasok kami at dumiretso agad sa enrollment area. Okay na kasi lahat nang mga files namin. Kaya diretso nalang kaming magpapaenroll. Pare-parehong courses lang ang kinuha namin. Business Administration. Gusto nang parents namin eh pati na rin kami.

Matapos naming magpaenroll ay naisipan naming itour ang buong campus. Una naming pinuntahan ang gymnasium. We used to hang out here. To have fun here. But now it's all  in the memories. Hay! Ang bilis nang panahon. Luminga linga ako at napahinto ako sa court nang basketball.

Naalala ko kung paano siya makashoot nang bola at tinitignan ako. Naalala ko kung paano kami makacheer for them.

"This place sucks."saad ni Jessica habang papaupo.

"Don't tell me your reminiscing the happy past. Guys! Dito nila sinimulang lokohin tayo. Remember?"parang naiinis na tono ang pinakawalan ni Yuri.

"She's right. This place? This place is a mess."sabi ni Tiffany saka nagwalk out. Sinundan naman siya nang iba.

The Love That Got Away (EXOSHIDAE)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu