X

160 15 5
                                    


Say hello to my fave OTP in SNSD. YoonYul FTW! HEHEHEHE. I always watch them kahit sa youtube may channel about YoonYul pinapanood ko at masasabi kong sobrang ganda nang friendship nila. Napanood niyo ang Channel SNSD? May couple ring pa talaga sila wahhh! Sana forever yung friendship nila. Kayo?

What's your favorite OTP in SNSD?

----

Yoona's POV

Ang bilis nang panahon. Malapit na matapos ang month na August. Isa lang ang ibig sabihin niyan may Acquintance Party na naman. Nandito ako ngayon sa loob nang kwarto ko. Nagmumokmok. Ayaw kong pumupunta sa party na yan eh. Pano ba naman kasi marami na naman akong makikitang babae na sobra kung manamit. Halos makita na ang kaluluwa.

"Ugh! I need to go there."sabi ko sa sarili ko. My friends are going to attend at syempre nandun ang EXO. Paano ko magagawa ang plano kung palagi akong MISSING IN ACTION kay Sehun.

"Yoong!"sigaw mula sa labas nang kwarto ko.

"Pasok!"

"Ano? Nakahiga ka pa rin diyan? Magready ka na hoy!"sabi ni Yuri unnie sabay upo sa kama ko. Nakaligo na siya. Ako? Hindi pa. Alas dos pa lang naman.

"Later na Yul."sanay kasi akong hindi tawagin siyang unnie kapag kami lang dalawa.

"Anong later? Hoy Yoona Im ikaw nalang ang hindi pa naliligo. Maya-maya dadating na din yung mga mag-aayos sa atin."sagot niya. Yes, may hinire kaming private glam team.

"Mamaya pa yun eh."nakakapagod kayang tumayo. Inaantok pa kaya ako.

"Naku! Ang sabihin mo, wala ka talagang planong pumunta sa party. Aish! Yoong you need to come. Sehun will be there."sabi ni Yuri unnie.

"May next time pa naman ah!"

"Bahala ka nga diyan! Sige ka kami may improvement na sa mga plan tapos ikaw, wala pa."saad niya at lumabas.

Sa totoo lang I don't really like the plan. All I want is to slap him hard. Bugbugin at tadyakan. Yun lang. Ayaw kong sayangin ang ganda ko para sa walang kwentang tao na katulad ni Sehun. Pero wala akong magagawa, ayaw ko namang maging bayolente. At siguro tamang dun gantihan ang EXO. Ang saktan ang damdamin nila. Mas masakit kaya masaktan emotionally kesa physically.

Naligo agad ako. Dahil pupunta ako sa party. I need to be there. I need to look fabulous and stunning. Dapat kabog ko kung may girlfriend si Sehun. This time hindi muna ako ang simple at may pagkamahinhin na Yoongie. Ngayon I'm the bolder and fiercer Yoona.

"Hey!"sigaw ko nang bumaba ako.

Kanya-kanya sila nang ginagawa habang hinihintay ang aming glam team.

"Hay sa wakas. Nakaligo ka narin."salubong sakin ni Hyoyeon unnie.

"Akala ko ba ayaw mong pumunta sa party."sabi naman ni Taeyeon unnie na kanina pa nagbabasa nang magazine. Naghahanap daw kasi siya nang magandang hairstyle.

"Sinong may sabi?"tanong ko at dumiretso na sa kitchen.

"Si Yuri."sagot ni Taeyeon unnie.

"Oh my gulay!"napasigaw nalang ako sa sobrang gulat. Paano ba naman kasi nandun si Sooyoung. Kumakain at naghahalungkat sa ref.

"Uso sayo magulat Yoona noh?"sabi ni Sooyoung. Napasinghap nalang ako.

Hindi nagtagal ay dumating na ang aming glam team. Kanya kanya kami nang hairstylist, stylist at make-up artist.

"I want my make-up to compliment my dress. Is it alright? Gusto ko sana yung hindi masyadong makapal ang make-up pero maganda pa din."utos ko saking make-up artist. Tumango naman siya sakin.

The Love That Got Away (EXOSHIDAE)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt